Pinalakpakan ang trailer ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa grand mediacon nito noong Biyernes, January 26, 2024.
Sinasabing movie made for TV daw ito dahil hitik sa pasabog at aksiyon bukod pa sa komedya.
Isa sa inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bida nitong si Senator Bong Revilla Jr. ay kung maaari ba itong gawing daily show prime time series.

Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping
Ayon sa actor-politician, "Mahirap gawin pagka gawin ko siyang daily, dahil talagang sakripisyo yan.
"Puyatan, e, hindi na tayo bata. Pero siyempre, kung wala siguro ako sa Senado, puwede.
"Pero siyempre, andiyan pa rin ang trabaho natin.
"Ako, ang tawag dito, time management. I always manage my time na walang masasakripisyo.
"So, balancer ako sa lahat ng bagay — family, trabaho, as a public servant. At the same time, as an actor."
Mapapanood na simula sa Linggo, February 4, sa ganap na 7:15 p.m., ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa GMA-7.
Read: Kelvin Miranda uncomfortable talking about “brilyante ng tubig” viral photo
POLITICAL ISSUES
Samantala, tinanong din ng PEP.ph ang senador tungkol sa ilang isyu sa pulitika.
Una na nga rito ang tungkol sa best friend niyang si Senator Jinggoy Estrada na napawalang sala sa plunder ng Sandiganbayan nitong nakaraang linggo.
Sabi niya, "Well, I'm so happy at least natapos na ang problema niya although may mga challenges pa. At alam ko naman na malalagpasan niya ang mga pagsubok na yan."
Kasunod nito ang kontrobersiyal na isyu ng "People's Initiative" na maigting tinutulan ng mga senador.
Lalabas kasi na kung magtatagumpay ito ay mawawalan ng boses ang Senado sa botohan at posible pang malusaw ang kanilang institusyon.
Saad niya, "Well, about the charter change o People's Initiative, siyempre as much as possible, ang status namin dun, unanimously, lahat naman kami gusto natin may karapatang pa rin bumoto ang Senate.
"At siyempre, ang nangyayari ngayon, karapatan din naman nung mga nag-i-initiate ng People's Initiative, nasa Saligang batas din natin yan.
"Puwede rin naman mangyari. At the end of the day, may plebisito pa.
"So, huwag tayong mawalan ng pag-asa at naniniwala naman ako kung ano ang mga makakabuti sa bayan, yun ang dapat mangyari.
"Ako, kung ano ang makakabuti sa bayan, kahit ano pang mangyari, yung sa atin naman, the reason why I'm here is for the people.
"So, doon ako manindindigan kung ano ang makakabuti para sa lahat."
