Nagdadalamhati ngayon ang aktres na si Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab.
Si Jeremy, dating vice-mayor ng Wao, Lanao del Sur, ay sumakabilang-buhay noong Linggo, Enero 28, 2024.
Siya ay 53.
Ayon sa impormasyong nakalap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), inatake sa puso si Jeremy sa tahanan ni Katrina sa New Manila, Quezon City.
Isinugod siya ng aktres sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City, at dito idineklara ang kanyang pagpanaw.
Hindi pa nagsasalita si Katrina tungkol sa pagkawala ni Jeremy, pero ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram post ang matinding kalungkutang nararamdaman.
“Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie bakit iniwan mo kami,” caption ng Kapuso actress sa larawan ni Jeremy na nakatalikod.
Si Katie ang anak ni Katrina sa singer na si Kris Lawrence.
View this post on Instagram
Sa gitna ng kanyang pagluluksa, umiral ang propesyunalismo ni Katrina dahil nag-taping pa siya kahapon, January 29, para sa mga eksena niya sa Mommy Dearest, ang upcoming GMA-7 drama series na pinangungunahan nila ni Camille Prats.
Nag-post din ng mensahe sa Instagram si Quezon City Third District Councilor Don de Leon tungkol sa pagpanaw ng kanyang best friend na si Jeremy, kalakip ng mga larawan nito.
Mensahe ni De Leon: "My best friend, my brother, my confidant and partner. Jeremy G. Guiab succumbed to a fatal heart attack at around 5:00 PM today [January 28].
"Together with his family, we ask for prayers, for his soul’s eternal rest with our Lord. A precious life gone too soon. Wake details to follow."
View this post on Instagram
Noong Hunyo 2021, kumalat ang balita na, diumano, si Katrina ang bagong inspirasyon ni John Lloyd Cruz. Pero pinabulaanan ito ng ilang mga taong malapit sa kanila.
Read: John Lloyd Cruz camp addresses real score between actor and Katrina Halili
Lumitaw ang katotohanang matalik na kaibigan ni John Lloyd si Jeremy, at ang huli ang tunay na karelasyon ni Katrina kaya madalas silang nakikitang magkakasama.
Si John Lloyd ang isa sa mga nakiramay sa naulilang pamilya ni Guiab sa pagbisita niya sa unang gabi ng burol ng kaibigang nakalagak ang mga labi sa isang funeral chapel sa Quezon City.
Sa panayam kay Katrina sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hulyo 2023, ikinuwento ng aktres na si Jeremy ang katuwang niya sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang anak.
“Yung boyfriend ko yung mas nagga-guide sa akin para alagaan yung anak ko.
"Siya yung mas nagtuturo sa akin kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko, so medyo mahirap kaming dalawa.
“Minsan, nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga," lahad ni Katrina tungkol sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ni Jeremy sa kanila ni Katie.
Read: Katrina Halili asked if current boyfriend is “The One”: “Happy ako kung siya.”
Sa PEP Live interview naman ni Katrina noong November 2023, sinabi ng aktres na magiging masaya siya kung si Jeremy na ang makakatuluyan niya.
Saad niya, “Too early [to tell]… happy naman ako kung siya. Kasi kung siya kasi, komportable ka, di ba?
“Yun naman yung importante and yun din naman ang winish ko—parang may companion ako, na hindi ako naiilang, or nagagawa ko pa rin ang gusto ko. Hindi ko binabago ang sarili ko para sa yo. Eto pa rin ako.”
Masaya rin daw siya sa piling ni Jeremy dahil, "Walang sugarcoating. May companion ka, may kasama ka. Para akong may kapatid, para akong may all-in-one.”