Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso singer-actor na si Anthony Rosaldo para sa kanyang kauna-unahang solo major concert—ang SWITCH: Anthony Rosaldo Live In Concert na magaganap sa Music Museum sa Miyerkules, January 31, 2024.
Dream-come-true kung ituring ito ni Anthony lalo na't matagal na raw niyang pangarap makapag-concert bilang isang ganap na musician at performer.
Kaya naman ngayon pa lang, magkahalong kaba at excitement na ang kanyang nararamdaman.
Saad ng niya, "I was excited pero nervous because we recently came up with the idea lang po. So I thought, 'Do we have enough time to do the show?'
"Normally kapag concert kasi, months talaga ang preparations. Matagal talaga, pero sa amin saglit lang [ang preparations]."
Gayunpaman, ipinapangako ni Anthony na gagawin at ibibigay niya ang lahat ng makakaya para magbigay-saya sa mga tagahanga.
@pepalerts @Anthony Rosaldo is gearing up to his upcoming ‘Switch’ concert on January 31, 2024. #EntertainmentNews #NewsPH #PEPNews #SwitchConcert ? original sound - PEP.ph
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at iba pang entertainmet reporters si Anthony noong January 23, kung saan dito ay natanong din siya kung kanino siya humuhugot ng lakas at inspirasyon.
Ayon sa Kapuso singer-actor, bukod sa fans, numero unong inspirasyon niya ngayon ang kanyang ina.
Proud pang inamin ni Anthony na siya ay "mama's boy," at gagawin daw niya ang lahat para mapasaya at maibigay sa minamahal na ina ang nararapat dito.
Sabi niya, "Ang pinaka-number one motivation ko is my mom.
"This is not new to those na nakakakilala sa akin, but I am a mama's boy.
"Proud ako doon, kasi I only have my mom, wala na si Papa.
"So, I give my mom my hundred percent in all aspects.
"I take care of my mom... because she is my number one [priority]."
Read: Ang Huling El Bimbo star Anthony Rosaldo gets dinner date offer for PHP50K
NUMBER ONE MOTIVATION
Utang na loob daw ni Anthony sa kanyang ina ang magandang buhay at career na mayroon siya ngayon.
Kaya kailanman ay hindi niya ikahihiya ang pagiging mama's boy, anuman ang sabihin o isipin ng ibang tao sa relasyon niya sa ina.
Aniya, "Lahat ng ito na nangyayari sa akin, e, result of her being generous and supportive.
"I can recall pa when was still young, there's one instance na bata pa lang, kasi ako nagta-try na ako mag artista, mag-audition sa mga TV shows. As in, eight years old pa lang ako nun.
"May time na nag-audition ako sa isang network, when I was eight years old. Tapos taga-Parañaque kasi kami, so malayo yung travel.
"Hindi ko nga alam kung magkano yung budget namin that day, pero nakakain ako sa isang kilalang fastfood chain.
"Naalala ko, na ako lang yung kumakain, tapos siya hindi siya kumakain.
"That's her way pala to save money para mayroon akong laman tiyan sa audition ko.
"Buong araw na wala siyang kinakain, ganon ka-generous yung mom ko, kaya deserve niya lahat.
"Kahit anong hilingin niya sa akin actually, ibibigay ko.
"For the rest of her life, I will make her happy kasi she's my number one motivation."
ANTHONY DEDICATES CONCERT TO LATE BROTHER
Bukod sa kanyang ina, alay rin ni Anthony ang kanyang concert sa namayapa niyang kapatid.
Naging emosyunal pa si Anthony nang alalahanin ang masasayang alaala niya kasama ito noong nabubuhay pa.
Kuwento niya, "May isang person na I want to dedicate this concert. I have a brother who passed away in 2022.
"Nawala siya because of cancer. So I want to offer this whole show sa kanya kasi katuwang ko siya when I was just starting.
"He was like a father figure to me. He helped me in many ways.
"I think he would be happy na makita niya ako on stage."
ANTHONY'S WISH FOR 2024
Aminado si Anthony na hindi naging madali ang sungkitin at tuparin ang kanyang mga pangarap, kabilang na rito ang pag-aartista.
Mistulang dumaan kasi sa butas ng karayom si Anthony bago marating ang kasikatang mayroon siya ngayon.
Kaliwa't kanang singing competition ang sinubukan niya bago siya tuluyang mabigyan ng break at pangalan sa showbiz industry.

Noong 2018, naging finalist siya sa reality singing search na The Clash sa GMA-7.
Read: The Clash contestant Anthony Rosaldo says Regine Velasquez warned them about dangers of "birit"
Ngunit bago ito, sumabak din siya sa Pinoy Pop Superstar, ang singing competition din sa Kapuso network noong 2005.
2015, sumali naman siya sa Eat Bulaga's "Spogify featuring Singing Bae", Pinoy Boyband Superstar at It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan" noong 2016.
Simula nito nagsunud-sunod na ang mga ibinibigay sa kanyang proyekto hanggang pasukin na rin niya ang teatro nang mapasama siya sa Ang Huling El Bimbo The Musical.
Dito ay gumanap siya bilang bidang si Hector.
Sa lahat ng narating ni Anthony, anu-ano pa ba ang kanyang hiling?
Aniya, "I've been praying for a long time since I signed up with GMA in 2018. This is my greatest dream na ma-fulfill as an artist.
"I have fans and supporters but don't have a hit song yet.
"Kahit isa lang, Lord. Bigyan Mo naman sana ako ng isang one hit song that would inspire.
"Yung tipong pag-naalala nila yung pangalan ko, maaalala rin nila yung kanta na yun and will make it a part of their live."
Read: Anthony Rosaldo, "deserve" ang koleksyon ng signature bags at luxury items
