Back-to-back ang panalo ng bansang Peru sa Reina Hispanoamericana beauty pageant.
Ito'y matapos koronahang Reina Hispanoamericana 2023 ang pambato nilang si Maricielo Gamarra.
Si Reina Hispanoamericana 2022 Arlette Rujel ng Peru rin ang nagpasa ng korona kay Maricielo sa 32nd edition ng Reina Hispanoamericana na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia, nitong Lunes ng umaga, January 29, 2024 (Philippine time).

Dinaig ni Maricielo ang 25 pang kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Arceo na itinanghal na second runner-up.

Si Fernanda Rojas ng Venezuela ang itinanghal na Virreina Hispanoamericana.

First runner-up si Cynthia Moura ng Brazil.

Third runner-up ang kandidata ng Curaçao na si Bianty Gomperts.

Fourth runner-up naman si Paula Andrea Alarcón ng Colombia.

Hindi man naiuwi ni Michelle ang ikalawa sanang Reina Hispanoamericana title crown para sa Pilipinas, labis-labis naman ang tuwa at pasasalamat niya sa mga Pilipinong sumuporta sa kanya.
Sa pamamagitan ng isang video sa Instagram, inihayag ng 25-year-old Filipino-American beauty queen ang pasasalamat sa lahat ng naging katuwang at kasama niya sa kanyang Reina Hispanoamericana journey.
Ani Michell sa video, "I just wanna thank all of you, maraming-maraming salamat, like we did it Filipinas.
"We got second runner-up and this is the highest placement since Winwyn [Marquez].
"I am so grateful to all of you, guys. We did it, like I work so hard to get to this moment.
"I was very nervous kasi like, my gosh, let's be honest, those girls I was with was all monster.
"They are all so beautiful and I was so just very nervous when I get into op 6, but we did it.
"I couldn't have done without all of you guys."
Dagdag pa niya, "Really, I wanted to raise my flag proudly and make you guys so proud of me, like, I was so worked hard for this."
Taong 2017 nang masungkit ni Winwyn Marquez ang kauna-unahang korona ng Pilipinas nang tanghalin siyang Reina Hispanoamericana.
Read: Winwyn Marquez hailed as Reina Hispanoamericana 2017
Fifth runner-up naman noong 2019 si Katrina Llegado, at third runner-up noong 2021 ang singer-actress Emmanuelle Vera.
