PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janice de Belen Irritated by Young Stars' Mistakes

"Madami, dyusko," says Janice when asked if she got snubbed by young stars.
by Bernie V. Franco
Published Jan 24, 2024
Janice de Belen
"Tawagin ninyo ako pag memorized na niya [yung lines niya],” says Janice de Belen on what she tells the production when younger co-stars forget their lines during take.
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz)

Ibinahagi ni Janice de Belen kung paano niya hinaharap ang mga batang artistang hindi marunong bumati sa mga beteranong artistang kanilang nakakatrabaho.

Ayon kay Janice, wala siyang problema kung meron mang influencers at younger stars na dinadaan-daanan lang siya.

“Dinadaanan ko din sila,” sabi ni Janice sa vlog ni Ogie Diaz noong January 17, 2024.

“Actually, deadma ako sa ganyan. Ako, deadma. Ayaw niyo, ayaw ko din," reaksiyon ni Janice sa paksa.

Kasama rin sa interview ni Ogie ang mga kaibigan ni Janice at co-stars sa pelikulang Roadtrip na sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Carmina Villarroel.

Ang babala lang ni Janice, huwag magkakamali ang mga batang artistang ito kapag kukunan na sila ng eksena kasama siya.

Sabi ng seasoned actress, “Huwag lang siya magkamali sa lines niya. Kailangan [pag] magkaeksena kayo, huwag kang magkamali…”

Marami na ba siyang nakatrabahong young stars na nakakalimot ng linya pag take na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Madami, dyusko…” sagot ni Janice.

Read: WHAT PEP KNOWS: "No hold departure order" against Pia Wurtzbach glam team; why were they bumped off a flight?

Ano ang sinasabi niya sa young stars na hindi kabisado ang lines?

“Ume-exit ako,” mabilis niyang sagot.

Sasabihin daw ni Janice sa production team, “Dito muna ako, ha? Unahin niyo na muna iyan.’

"Or sasabihin ko sa AD [art director], ‘Tawagin ninyo ako pag memorized na niya [yung lines niya].’”

Depende raw sa attitude ng young star kung pagsasabihan ito ni Janice o hindi.

Sabi niya, “Kung apologetic naman siya, doon ko na lang sa AD sasabihin.

“Ngayon, kung suplada pa siya, Lord, help me, give me more patience.”

Giit ni Janice, “Ako, huwag lang magkamali. Kasi, di ba, tina-try mo naman sila tulungan as much as possible.”

Read: Kaila Estrada, revelation in Linlang; thankful for mom Janice de Belen's acting advice

Ayaw na ayaw rin daw ni Janice ang kaeksenang nagbibitbit ng cell phone sa bulsa kapag take na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap kasi yung kaeksena mo may cellphone sa bulsa. Ako, sinasabi ko, ‘Madi-distract ka, e.’”

“Nadi-distract ako kasi, unang-una, maririnig yung vibration sa lapel.

"Second, magka-cut si Direk. So, uulitin natin ito [eksena],” paliwanag niya.

Kumpara sa mga batang artista, “mas seryoso ang mga tao, mas nag-aaral ng script” ang mga dating artista.

Hindi raw tulad ngayon na kapag nasa set, may nagba-vlog sa gilid, may nagti-TikTok sa kabila, at may kausap ang iba sa phone.

“Tapos pagdating sa set, kung kelan mo dapat gawin yung dapat mong gawin, wala na silang alam,” himutok ni Janice.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tawagin ninyo ako pag memorized na niya [yung lines niya],” says Janice de Belen on what she tells the production when younger co-stars forget their lines during take.
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results