PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang clarifies tampuhan with Kim Chiu, not away

Ryan admits past "tampuhan" with Kim involved his love life
by Bernie V. Franco
Published Jan 22, 2024
Ryan Bang and Kim Chiu
Ryan Bang (main photo) grilled and teased by Vhong Navarro and Ogie Alcasid about alleged misunderstanding with Kim Chiu (inset). Ryan says, "Ang totoo niyan, best friends kami ni Kim.”
PHOTO/S: YouTube (Vhong Navarro)

Walang magawa si Ryan Bang kundi magpaliwanag matapos siyang igisa ng mga kasamahang sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid.

Ibinisto ni Ogie ang tungkol sa umano’y lagi nilang pag-aaway ni Kim Chiu.

Sina Ryan, Kim, Vhong, at Ogie ay magkakasama bilang co-hosts sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Guest si Ryan sa YouTube vlog ni Vhong noong January 14, 2024. Kasamang host ni Vhong si Ogie.

Sa isang punto ng interview, humirit ng tanong si Ogie kay Ryan.

“Bakit ba kayo laging nag-aaway ni Kim Chiu?” tanong ni Ogie.

Mariin itong itinanggi ni Ryan.

Gumatong naman si Vhong sa tanong ni Ogie. Halatang gusto nilang igisa at mangulit kay Ryan.

Sundot ni Vhong, “Ang tagal niyong hindi nag-uusap, ha. Parang three weeks din, ah.”

Makikitang pinipigilan nina Vhong at Ogie ang kanilang tawa sa ginawa nilang pagbubulgar kay Ryan.

Dumepensa si Ryan. Nilinaw niyang hindi sila magkaaway ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Never kami nag-aaway. Ang totoo niyan, best friends kami ni Kim.”

Napilitang magkuwento si Ryan, at dito niya ibinunyag ang naging “tampo” niya kay Kim.

Lahad niya, “Kasi nagpi-favor lang ako kay Kim. Si Kim kasi na-excite siya sa love life ko.

“Tapos nung naghanap ako doon [It’s Showtime studio], nagkuwento ako sa inyo.

“Pero gusto ko keep it private kasi hindi naman siya artista, yung girlfriend ko, e.

“Tapos gusto ni Kimmy, sa sobrang excitement, magkuwento sa Showtime. Yun lang naman yon.”

Patuloy niya, “Kumbaga, ayokong magkuwento about my girlfriend. Kasi siyempre, bago pa lang kami. Siyempre, para respeto rin sa pamilya niya.”

Sumalo si Vhong na maaaring sa sobrang excitement ni Kim ay nakapagkuwento ito sa mga kasamahan nila sa show.

Ani Ryan, “Natutuwa, na-excite lang si Kimmy para sa amin kasi best friends kami.”

Pagkatapos noon ay hinarap ni Ryan si Ogie, na siyang unang nambisto tungkol sa topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At saka biniro ni Ryan si Ogie ng ganito: “Alam mo, may tampuhan na kami [ni Kim], pagkatapos nito kami ni Kuya Ogie.”

Sa episode ng It’s Showtime noong August 29, 2023, inanunsiyo ni Ryan na in a relationship na siya sa isang non-showbiz girl.

Parte ng announcement ni Ryan, “Gusto kong sabihin sa aking [It’s] Showtime family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kay kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako.”

Naging masaya naman ang co-hosts ni Ryan sa kanyang bagong love life dahil ilang taon din siyang single.

Ang non-showbiz girlfriend ni Ryan ay kinilalang si Paola Grace Huyong na kasa-kasama na rin ng mga hosts sa kanilang mga lakad.

Read:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang (main photo) grilled and teased by Vhong Navarro and Ogie Alcasid about alleged misunderstanding with Kim Chiu (inset). Ryan says, "Ang totoo niyan, best friends kami ni Kim.”
PHOTO/S: YouTube (Vhong Navarro)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results