Humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Anne Curtis kaugnay ng isyu na naganap noong Sabado, January 20, 2024, sa It's Showtime.
Sa segment kasi ng programa na "EXpecially For You" ay nahikayat ni Vice na sabihin ni Anne ang tagline ng isang brand na karibal ng kumpanyang iniendorso ng aktres.
Read: Did Vice Ganda’s joke jeopardize Anne Curtis's endorsement deal? Netizens react
"Ikaw [Vice], 'pag nawalan ako ng kontrata. Pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya. Lapse of judgment, sorry," kabig ni Anne matapos ang pagkakamali.
Umani ng batikos si Vice sa publiko dahil sa tingin nila ay nalagay sa alanganin si Anne sa harap pa man din ng live audience.
Dahil dito ay naging trending sa social media sina Anne at Vice, maging ang dalawang fast food chains na kanilang nirerepresenta.
VICE TAKES BLAME
Sa X (dating Twitter) ay inako ni Vice na siya ay nagkamali sa pamamagitan ng isang post.
"I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry," sabi ni Vice sa kanyang post.
Umani naman ng papuri mula sa ilang netizens ang pagpapakumbaba ni Vice.
I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry.
— jose marie viceral (@vicegandako) January 21, 2024
Sabi ng isang netizen, "You acknowledging your mistake and humbly saying that you're sorry is worth all the love and respect meme. Love you po. We love you and @annecurtissmith dearly."
"Owning up to mistakes and offering a sincere apology is commendable. It shows character and accountability," ayon naman sa isang tagasunod ni Vice.
Aminado rin si Vice na hindi niya napag-isipang maigi ang hinirit niya kay Anne.
"No. At times i dont think enough. Sa kagustuhan kong magpatawa bira ako ng bira kaya minsan sablay.
"Sometimes i hate myself.
"Pero ganun talaga sa comedy man o sa real life talagang hit and miss. And we’ll just have to try again."
"I APOLOGIZED TO HER"
Bago ang post ni Vice ay nauna nang nagbigay ng pahayag si Anne para pahupain ang ingay matapos ang pangyayari.
"Morning everyone. Guys, kalma. No need for such negative energy. Vice and I are fine. It was a lapse of judgment on both sides," post ni Anne sa X.
"At least we can move forward and be keyrfuul. Ganyan ang biriun backstage but syempre dapat iba pag on air.
"Kaya kalma. It’s a beautiful day."
Nag-komento si Vice sa post na ito ni Anne na may halong pagbibiro at pang-aasar.
Sagot ni Vice, "Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!!
"But yes it was lapse of judgement. It was our usual “brandagulan” moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan."
Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!! But yes it was lapse of judgement. It was our usual “brandagulan” moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan. I apologized to her And pinagtawanan n lng namin. Our sisterhood will always be Nice Ganda! https://t.co/IpgdJxHoTP
— jose marie viceral (@vicegandako) January 21, 2024
Ikinatuwa naman ng netizens ang balita na maayos pa rin ang relasyon ng dalawang It's Showtime hosts.
"At the end of the day, they're still sisterettes. I love you two!!!" pahayag ng isang netizen.