Nalagay sa hot seat si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles matapos maging kontrobersiyal ng inilabas na photo ng isang lotto jackpot winner.
Viral ang FB post ng PCSO tungkol sa ginang na mula Bulacan, na winner ng PHP43.88 million para sa 6/42 draw noong December 28, 2023.
Sa photo, makikita ang PCSO representative na inaabot ang tseke ng kanyang premyo sa nanalong bettor na may orange hair, naka-face mask, cap, shades, at checkered na light blue top.
Kapansin-pansin din ang pagkaka-highlight ng outline ng imahe ng winner.
Ang obvious na edited na larawan ng winner ang naging dahilan para magtaas ng kilay ang netizens.
Viral ang post. Mula sa pagsususpetsa sa identity ng winner ay may mga nagduda rin kung totoo ba itong tao at kung totoong nanalo.
Read: PHP571-million lotto winner is public employee from Albay
PCSO APOLOGIZES FOR POOR EDITING
Sinagot ng PCSO ang mga alegasyon sa isang Senate hearing nitong January 18, 2024.
Diin ni PCSO General Manager Robles, totoong tao ang nanalo sa viral photo.
Kung meron man silang pagkakamali ay dahil sa “poor editing” ng larawan.
Pagtatanggol pa ni Robles, ang pag-eedit ng larawan ng winner ay paraan nila para ikubli ang identity nito para sa kanyang kaligtasan.
“We have to protect the identity of the winner. Meron pang nagreklamo sa amin one time we covered the face, e. Yung damit naman po, e, nakilala. So, nagreklamo siya. Sana naman daw po wag ipakita naman po yung damit.
“So, yan po ang reason niya, and I agree, it’s a very poor editing. Pero the objective is to conceal the clothing na maa-identify sa kanya.”
Ikinuwento rin ni Robles ang isang past winner na nagreklamo dahil bagamat tinakpan ang mukha sa picture na ipinost sa PCSO FB page ay nakilala siya ng mga kapitbahay dahil sa suot na damit.
Ang paniniyak ni Robles tungkol sa winner, “Tunay na tao po yan.”
“If there is something to apologize [for], it’s the poor editing. But I think it has served its purpose of concealing the identity…” ani Robles.
Ulit niya, “We’re not very good at editing the clothes.”
Nag-volunteer din ang PCSO general manager na kung ipapatawag sila sa isang imbestigasyon ay puwede nilang i-provide ang mga pangalan ng nanalo.
Dahil sa nangyari, isyu ngayon sa netizens kung totoo ang lotto winners.
Sinabi naman ni Senator Raffy Tulfo sa hearing na “may clamor” din kung legit ang PHP698.8 million winner para sa 6/49 this week.
Nagbitiw ng salita si Tulfo na para maalis ang haka-haka ng publiko, magsasagawa siya ng cross-checking at makikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation, Department of Information and Communications Technology, at magha-hire ng private investigator.
Sumang-ayon din si Sen. Coco Pimental sa isang executive session tungkol sa isyu, pero iminungkahing limitado ang mga dadalo para maprotektahan ang identity ng winners.
Read:
- Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M
- Lotto winner of PHP76.5B sues mother of his child for disclosing jackpot win to family
NOT THE FIRST INSTANCE OF POOR EDITING
Sa mga nakalipas na taon at mga buwan, itinatampok dito sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang mga lotto winners na ipino-post ng PCSO sa kanilang FB page.
Kung susuriing maigi, mas malinis pa nga ang pagkaka-edit ng nag-viral na larawan ng lotto winner recently.
Kapansin-pansin kasi sa photos ng mga past winners ang hindi pulidong pagkaka-edit ng mga ito.
May mga pagkakataong nasisira ang pigura ng mga parte ng katawan sa mga larawan.
Tinatakpan ang mga mukha at binabago ang buhok o kaya ang ulo para magbago ang itsura.
Kita rin na pati kulay ng damit ay ine-edit. Narito ang ilang halimbawa.


May katuwiran ang PCSO na ine-edit nila ang mga larawan para sa kaligtasan ng mga bettors na instant milyonaryo.
Pero may value rin ang inisyatibo nina Senators Tulfo at Pimentel na silipin ang isyu at nang sa gayon ay matanggal na ang agam-agam ng publiko dahil sila mismo ang parokyano sa lotto at naghahangad na magkaroon din ng instant suwerte.
