PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rewind is now the highest-grossing film in PH domestic sales

Congratulations, DongYan!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 18, 2024
Rewind now highest grossing film in PH domestic sales
The Metro Manila Film Festival 2023 entry 'Rewind,' starring Kapuso real-life couple Marian Rivera and Dingdong Dantes, is now the highest grossing film in Philippine domestic box office sales after earning PPH815 million, as of January 17, 2024.
PHOTO/S: Star Cinema Instagram

Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa tagumpay ng comeback film nilang Rewind, isa sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito'y matapos inanunsiyo ng Star Cinema at ABS-CBN na ang kanilang pelikula ang maituturing na ngayong highest-grossing Filipino film pagdating sa domestic box-office sales.

Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"

Ayon sa ABS-CBN, as of January 17, 2024, tumabo na sa PHP815 million ang kinita ng Rewind sa Philippine domestic sales, at PHP845 million naman kung isasama ang international sales, matapos itong maipalabas sa mga sinehan noong December 25, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin, naungusan na ng Rewind ang local box-office records na naitala ng Hello, Love, Goodbye (2019) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, na may PHP691 million domestic box-office sales, at ang The Hows Of Us (2018) nina Kathryn at Daniel Padilla na may kinita namang PHP690 million.

Inaasahan ng Star Cinema at ABS-CBN na sa patuloy na pagpapalabas ng Rewind sa iba't ibang bansa ay mapapantayan o malagpasan nito ang highest overall sales na PHP880 million na hawak ngayon ng Hello, Love, Goodbye.

Read: Is Hello, Love, Goodbye now the highest grossing Filipino movie of all time?

Samantala, sa ginanap na thanksgiving mass and dinner ng team Rewind nitong Miyerkules, January 17, emosyunal na nagpasalamat ang Kapuso stars na sina Marian at Dingdong sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng Star Cinema at ABS-CBN.

Ani Marian, hindi nila inaasahan ni Dingdong na gagawa ng kasaysayan ang kanilang pelikula.

Read: MMFF 2023 gross sales sumampa na sa PHP1B mark; Rewind naka-PHP600M na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanging gusto at hiling lamang daw nila noon na makapagbigay saya, lakas, at inspirasyon sa marami ang mensahe ng Rewind.

Saad ni Marian, "Noong binasa namin Dong to, isa lang gusto namin mangayari, siguro bonus na lang na eto yung figure [PHP845 million], ito yung nakuha natin.

"Isa lang yung gusto namin ni Dong, yung nabasa namin yung script, alam namin na maraming pinagdaanan yung mga tao noong pandemic.

"Kaya sabi namin ni Dong, 'Sana gawin tayong instrumento ng Panginoon, para kapag napanood nila yung pelikula, ma-touch yung puso nila na magbago at mas pagbutihin o mas mahalin pa nila yung mga tao sa paligid nila.'

"Yun lang sabi namin ni Dong, kahit yun lang yung message na ito maikalat namin sa mga tao.

"Pero sabi ko nga kay Dong, grabe talaga kapag si Lord yung naging driver ng buhay mo. Hindi ka talaga Niya bibiguin, hindi ka Niya ililigaw kung saan ka pupunta. Ituturo't itutumbok Niya talaga kung saan ka dapat naroroon."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pirated copy ng MMFF 2023 topgrosser Rewind ikinakalat sa Facebook

Masaya at proud din daw si Marian na sa kauna-unahang proyekto niya sa Star Cinema ay kasama niya ang kanyang mister na si Dingdong.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataong gumawa ng pelikula si Dingdong sa ilalim ng Star Cinema.

Ilan na sa mga nagawa niya sa movie arm ng ABS-CBN ay ang One More Try (2012), She's The One (2013), The Unmarried Wife (2016), at Seven Sundays (2017).

Mensahe ni Marian, "Maraming salamat sa inyo, sa pagtitiwala sa akin. To be honest, isang malaking karangalan na maging parte ng Star Cinema.

"Dati kinukuwento lang ng asawa ko, kaya sabi ko talaga balang araw mararanasan ko rin yan.

"Ngayong naranasan ko, hindi ako nagkamali na lahat nung kinukuwento niya e mas nahigitan pa ng pamilya ito.

"Sabi ko nga, 'Dad, ganito pala sila, ang sarap na maging katrabaho.'

"Sabi ko nga, hindi lang yon ang naging habol ko, e, kumbaga nagtatrabaho tayo every day, yung effort ng mga tao na lahat ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sabi ko, 'Wow, Lord, salamat kasi binigyan mo ulit ako ng isang pamilyang matatawag ko.'

"Maraming salamat dahil pinapasok niyo ako sa mga puso niyo at naging kakampi niyo ako."

Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes "first and only choice" as lead stars of Star Cinema's Rewind

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Metro Manila Film Festival 2023 entry 'Rewind,' starring Kapuso real-life couple Marian Rivera and Dingdong Dantes, is now the highest grossing film in Philippine domestic box office sales after earning PPH815 million, as of January 17, 2024.
PHOTO/S: Star Cinema Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results