Naglabas ng saloobin si Josie Harrison, ina ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy, kaugnay ng matinding puna sa anak nang maging host ito ng Golden Globes ngayong taon.
Ginanap ang prestigious annual Hollywood awarding ceremony noong January 8, 2024.
Ito ang first major hosting stint ni Jo Koy. Sa kasamaang palad, mas nangibabaw ang batikos sa kanya.
Tinawag na “boring,” “not funny,” at “disaster” ang kanyang performance bilang host.
Read:
- Netizens slam Jo Koy's hosting of Golden Globes 2024
- Gretchen Ho says Jo Koy's Golden Globes hosting stint "a wasted opportunity"
Pero kung meron mang mas ikinasasama ng loob ang ina ni Jo Koy, ito ay mga kapwa raw Pilipino na nagdiin sa kanyang anak.
Sabi ni Josie, hindi alam ng nakararami kung gaano ka-demanding ang trabaho ni Jo Koy.
Kailangan daw ikonsidera ni Jo Koy ang endorsers at kailangang ma-meet ang kanilang expectations.
“I know Jo is trying to please each one of them kaya nobody’s perfect,” emosyonal na pahayag ni Josie sa interview ni Bev Llorente ng ABS-CBN News.
“Nalungkot ako sa iba, lalo na kapag nakita ko ang source ng naysayers, should I say, e, mga Pilipino. I was kinda disappointed.”
Bilang mga kababayan, sana raw ay mas nagpakita ng suporta sa kanyang anak kaysa idiin ito.
Pahayag ni Josie, “Tayong mga Pilipino yung mga naririnig natin merong kumakalaban, pero mas maraming lalaban para sa kanya.
“Sabi niya sa akin, ‘Mom, ikaw ang nagturo sa akin na ang mga Pilipino ganyan. Kaya naman I represent them the best [way] I can.’”
Naniniwala raw si Josie na ginawa ng anak ang lahat ng kanyang makakaya para i-represent ang Filipino at Asian community.
Sabi ni Josie, “Asian-Pacific community should take pride that Jo Koy represented Pinoys in the best possible manner.”
Patunay raw rito ang maraming pagbanggit ni Jo Koy sa kanyang inang Pilipina sa kanyang monologue.
“Jo Koy is a Filipino and I know he was doing it for the sake of the Asian group. And I know he was proud of that,” sabi ni Josie.
“Ang masasabi ko lang sa kanila ay ito, hindi po napakadali ang magsalita ng ganyan. Hindi ganon kadali maging komedyante, kagaya ng anak ko.
“Gaya ng sabi ko, ang isang komedyante they try to please you. They try to make you laugh, to make you smile. Yun ang naging trabaho ni Jo nung gabing iyon.”
Pinayuhan daw niya ang anak na “don’t be so concerned about the naysayers dahil you cannot please everybody.”
Ang sigurado raw si Josie, sa kabila ng nangyari sa anak ay proud mom siya.
Mayroon din namang kapwa Pilipino ang sinuportahan si Jo Koy sa gitna ng isyu.
Gayundin ang ibang Hollywood personalities tulad nina Steve Martin at Whoopi Goldberg, na gaya ni Jo Koy ay alam ang pakiramdam kung gaano kahirap ang mag-host ng malalaking awarding ceremonies.
Read: Steve Martin, Whoopi Goldberg defend Jo Koy amid Golden Globes backlash
