Kasalukuyang ini-enjoy ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang magandang beach ng Amanpulo.
Ang Amanpulo ay isang private beach resort sa isang isla sa Cuyo, Northern Palawan.
Sa Instagram post ni Kylie noong January 13, 2024, ibinahagi niya ang ilang OOTD niya at mga pagkaing nilantakan sa isla.
Kabilang sa larawang ibinahagi niya ang kanyang sexy swimwear.
Read: Kylie Verzosa sizzles in Bali in sexy bikinis
Caption ni Kylie, “Hope you feel better, hug a tree” @amanpulo”
View this post on Instagram
Sa comments section, ilang netizens ang tila naalarma ukol sa kanyang "sobrang payat" katawan.
Ayon sa isang netizen (published as is), “What happen to your body. Naging subrang payat na.”

Saad ng isa pa, "Bakit sumbro naman po ng payat ms kylie"

Dagdag ng isa, nalulungkot daw siyang ibang-iba na si Kylie kumpara sa kanyang Miss International reign. Pero, opinyon lamang daw niya ito.
Aniya, “I love the Kylie in Miss International. Please dont get so thin. Anyways, it's only my opinion. It's your body not mine.”

Obserbasyon naman ng isang netizen, “Not to bash but,for me I love and like the old Kylie back huhhuhu. .I mean yong parang Ang decent tingnan ba...”

Tanong ng isa pa niyang follower, “Oh no! Is she sick?”
Sinagot ito ni Kylie.
Ayon sa beauty queen-actress, walang problema sa kanyang pangangatawan. Sa katunayan nga raw ay nasa puntong "healthiest" siya ngayon at punung-puno ng energy.
Sana raw ay pag-ukulan na lang ng pansin ng mga nagkomento ang kanilang sariling pangangatawan at kalusugan.
Buong sagot ni Kylie: “i’m at the healthiest i’ve ever been and have the best energy levels!
"I’ve just come to the conclusion that whenever i post my body, people will criticise, that i’m too much of this, too little of that, no matter how much i take care of myself
“I take the best care of myself in all aspects of my life and i hope you guys focus on your health and wellbeing too!”

Ikinatuwa naman ng netizen na walang problema si Kylie sa kalusugan niya.
Sagot niya kay Kylie, “Aww, glad to hear that. Just noticing the big difference on your physical look now. Nothing was wrong back then. You just look too skinny in some pics these days! Hope all is well.”

Hindi malinaw kung solo lang ang biyahe ni Kylie sa Amanpulo.
Kamakailan lamang ay inamin niyang meron na siyang boyfriend na foreigner.
Read: Kylie Verzosa confirms “private relationship” with foreigner
