#TheBarrettoFamilyFeud
Mukhang nanunumbalik na ang magandang samahan ng mag-inang Marjorie Barretto at Inday Barretto.
Sa Instagram nitong nakaraang January 14, 2024, nagbahagi si Marjorie ng ilang larawan niya kasama ang inang si Inday at mga kapatid na sina Mito at Mitch Barretto.
Sagana sa handa ang kanilang hapag-kainan.
Mayroon siyempreng cake na may nakasulat na, “Happy Birthday Mommy, Love Your Children.”

Caption ni Marjorie sa kanyang post: “My Mom celebrated her 87th birthday last Friday. Yes, 87! If you zoom in on her photo you wouldn’t believe how young and beautiful she looks at her age. All natural beauty! Happy Birthday, Mom. We love you”
View this post on Instagram
THE FAMILY FEUD
Matatandaang nagkasamaan ng loob si Marjorie, mga kapatid na sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto, damay pa si Inday, noong lamay ng padre de pamilya ng mga Barretto na si Miguel Barretto.
Read: Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82
Nagkasakitan ang magkakapatid na sina Marjorie, Claudine, at Gretchen.
- Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama
- Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?
Noong November 2, 2019, isang video ang kumalat na maririnig si Marjorie na nagsasabing gusto niyang "sapakin" ang isang tinatawag niyang "Inday."
Makikita sa video clip sina Marjorie, ang mga anak niyang sina Claudia, Leon, at Dani Barretto, at pati na rin si Xavi Panlilio, asawa ni Dani.
Bagamat hindi klaro kung kailan mismo nakunan ang video, malinaw na kuha ito sa isang hallway ng St. Luke's Medical Center-Global City, sa siyudad ng Taguig, kung saan isinugod ang patriarch ng Barretto family, si Miguel, bago ito tuluyang binawian ng buhay noong Oktubre 15, 2019.
Maririnig dito ang kaswal na pagsabi ni Marjorie ng, "Super drama to death si ano, si Inday."
Agad siyang sinagot ng isa niyang kasama ng, "Why, what happened?"
Sagot ni Marjorie rito, "Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko."
Kaswal pa ring dagdag ni Marjorie, "Sapakin ko na tong isa."
Unang nakita ang video sa Instagram stories ni Gretchen, ang nakatatandang kapatid at kaalitan ni Marjorie.
Nakakuha naman ng screen grab ang isang Instagram user na nagngangalang @bashing.shing at ipinost ito sa sariling account.
Sa kanyang caption, inilagay nito (published as is): "GRABEEEEEEEE!!!!!!! Ang 'inday” ba ni tinutukoy ay si Mommy Inday???
"Grabeeee sasapakin? [shocked face emoji]"
Estrella Barretto ang buong pangalan ng matriarch ng Barretto family, pero kilala ito sa showbiz bilang "Mommy Inday."
Read: Who is the "Inday" Marjorie Barretto is talking about in viral video?
Noong November 3, 2019, Linggo, lamang umano nakita umano ng Barretto matriarch na si Inday ang video na nag-viral noong November 2, Sabado, kung saan maririnig na may gustong "sapakin" si Marjorie na isang tinatawag niyang "Inday."
Ayon sa impormante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi “techie” si Inday pagdating sa mga gadgets kaya hindi kaagad nakaabot sa kanya ang viral video.
Kinagabihan, may pahayag sa Instagram Story ang private account na @barrettoestrella, na nagsasabing: “I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own.
“im shock & in so much pain as a mother.”
Read: Estrella Barretto: “I am the Inday Marjorie was referring to.”
SIGHTINGS WITH INDAY AND MARJORIE
Unang nakitang masayang nagkasama sina Marjorie at Inday noong October 28, 2019, kasama pa ang mga kapatid na sina Mito at Gia Barretto, anak ni Marjorie na si Dani, at pamangkin nitong si Nicole Barretto.
Makahulugang caption ni Marjorie sa kanyang post sa Instagram: “There are good days, and there are bad days... yesterday was good. Thank you Lord. [heart and praying emojis]”
Tila nais ipahiwatig ni Marjorie na sa kabila ng gulo at kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya, masaya at nagkakaisa pa rin ang ibang miyembro ng pamilya nila.
Read: Marjorie Barretto posts happy photos with Mommy Inday, siblings amid family feud
November 5, 2019, muling nakipagkita naman si Gretchen sa ina niyang si Inday halos tatlong linggo mula nang magkaayos sila.
Kasama ni Gretchen ang bunsong kapatid na si Claudine, na noon pa man ay malapit sa kanilang ina.
Magkakasama silang kumain sa restaurant sa isang high-end mall sa Makati City.
"A beautiful afternoon with Mom Tita Cherry & my Ate," saad ni Claudine sa ibinahagi niyang Instagram post.
Read: Gretchen, Claudine meet up with mom Inday Barretto amid family feud
Muli namang nagkasama sina Marjorie at Inday noong November 23, 2019, para gunitain ang 40th day ng pagkamatay ng Barretto patriarch na si Miguel.
Read: Estrella Barretto joins Marjorie, family on 40th day of husband's death
Huling nakitang masayang nagkasama sina Marjorie at Inday sa ika-48 kaarawan ng una noong May 19, 2022.
Bukod sa kanyang mga anak, namataan din ang ilang kaibigan sa kanyang selebrasyon.
Kasama na rito si Gerald Anderson, ang boyfriend ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto.
Read: Gerald Anderson, Inday Barretto attend Marjorie Barretto's birthday bash
Kung ayos na ang relasyon ni Inday sa tatlong anak na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine, kailan naman kaya tuluyang matutuldukan ang hidwaan nina Gretchen at Marjorie?
Si Claudine ay civil na kay Marjorie at close naman kay Gretchen.
