PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal fangirls over Heart Evangelista, Jericho Rosales

"Buhay na buhay ang pagka-faney ko!"
by Bong Godinez
Published Jan 14, 2024
Heart Evangelista, Kris Bernal, Jericho Rosales
Kris Bernal (middle) happily shared on social media her encounter with idol Heart Evangelista (left) during a recent event. Kris also had her photo taken with Heart's ex-boyfriend Jericho Rosales (right) that same evening.
PHOTO/S: Heart Evangelista (Instagram), Kris Bernal (Instagram), Jericho Rosales (Instagram)

Fan mode activated.

Ganito ang nangyari sa aktres na si Kris Bernal nang dumalo ito kamakailan sa isang formal event na dinaluhan din ng maraming celebrities.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories ay ibinahagi ni Kris kung gaano siya kasaya na makita at makapagpa-picture kasama sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Sina Heart at Jericho ay dating magkasintahan nung panahon na pareho pa silang nasa poder ng ABS-CBN.

Si Heart ay kasalukuyang napapanood sa GMA Network, samantalang nananatiling konektado si Jericho sa ABS-CBN sa kabila ng pagkawala ng prankisa nito noong kasagsagan ng pandemya nung 2020.

Read: Heart-Jericho, Sunshine-Cesar, Aljur-Kylie, Piolo-KC prove that exes can meet again and be happy about it

Sa magkahiwalay na pagkakataon nakahanap ng tiyempo si Kris para makapagpakuha ng larawan sa ex-couple.

Dama ang saya at kilig ni Kris sa kanyang posts na may kasama pang kuwento kung paano nangyari ang photo-op.

Ang pinost ni Kris sa Instagram ay videos na kuha ng kaibigan habang nasa akto na nagpapa-picture ang aktres kina Heart at Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WAITING FOR HEART

Ayon sa kuwento ni Kris ay hinintay niya talaga si Heart sa entrance ng venue para makapagpa-picture.

"Guests surrounded her as soon as she arrived," sabi ni Kris sa kanyang post.

Nang makita raw siya ni Heart ay tinawag siya nito para makapagpakuha sila ng larawan na magkasama.

"Huhu! She's that down to earth and treats everyone the same regardless of anything! [Flushed face emoji]"

Dagdag pa ni Kris, "Buhay na buhay ang pagka-faney ko!"

Aminado si Kris na na-tense siya nang makatabi si Heart.

Makikita sa video na nag-usap pa silang dalawa bago lumayo si Kris para ibigay kay Heart ang moment nito sa harap ng kamera.

"Heartyyy wag mo akong kausapin! Kinakabahan ako! [Tears of joy emoji]."

Heart Evangelista, Kris Bernal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"IMITATING HEART" ISSUE

Hindi kaila sa marami na idolo ni Kris si Heart at noon pa man ay very vocal na ito sa pagpapahayag ng paghanga sa aktres at style icon.

Nung March 2020 ay sinagot ni Kris ang akusasyon ng ilang netizens na ginagaya niya diumano si Heart.

“Si Heart, super idol ko talaga siya,” pag-amin ni Kris sa kanyang vlog.

“Pero hindi ko naman siya ginagaya kasi hindi ko kaya.

“Bag pa lang niya, hindi ko kaya. Jewelries pa lang niya, hindi ko kaya. Aura pa lang niya, hindi ko kaya.”

Read: Heart Evangelista declares herself to be not brand-conscious at all

Dagdag ni Kris, “She's my inspiration when it comes to clothes, sa styles, sa mga damitan.

“But not to the point na ginagaya ko siya kasi hindi ko kaya.

“Ang hirap talaga!

“Mabait si Heart, love ko siya, super idol ko siya, super lagi niyang akong pinapansin at saka accommodating siya, mabait siya sa lahat, even off-cam, 'pag nakikita ko siya, ang bait-bait niya sa lahat."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin ni Kris na wala namang masama kung bumili rin siya ng designer items at hindi rin nangangahulugan na kinokopya niya ang kanyang idolo.

“Like siguro naman, puwede naman ako magkaroon ng Hermes bag, di ba? Hindi naman siguro panggagaya yun.”

Read:

Heart Evangelista buys new Hermès bag: "This is declared to my husband and I worked hard for it."

Heart Evangelista totes PHP21.1-M Hermès Birkin in Japan

RUNNING AFTER ECHO

Intense at kuwela naman ang karanasan ni Kris nang magpakuha ito ng larawan kasama si Jericho Rosales.

Read: Jericho Rosales reacts to rumor that he and Kim Jones broke up

Sa kuwento ni Kris sa Instagram Stories ay hinabol niya ang aktor hanggang sa parking lot dahil paalis na ito sa event.

"Hinabol ko talaga siya hanggang parking in high heels. Hindi ako uuwi ng walang picture! Lol!" pahayag ni Kris sa caption.

Read: Jericho Rosales and Kim Jones exchange comments, jokes on IG amid persistent breakup rumors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig din sa video ang natatawang komento ni Kris na "nakakahiya" habang naglalakad ito palayo kay Echo (palayaw ni Jericho).

Kris Bernal, Jericho Rosales

Kamakailan lang ay nabuhay ang kilig ng fans nina Heart at Echo matapos na i-tag ni Echo ang ex-girlfriend sa IG Story nito habang ipinapakita ang lumang paper dolls mula sa Panday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Panday ay ang primetime series na umere mula November 2005 hanggang May 2006 sa ABS-CBN. Nagkasama sila ni Heart sa show na ito.

Read: Jericho Rosales tags ex-girlfriend Heart Evangelista; says sorry for this reason

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal (middle) happily shared on social media her encounter with idol Heart Evangelista (left) during a recent event. Kris also had her photo taken with Heart's ex-boyfriend Jericho Rosales (right) that same evening.
PHOTO/S: Heart Evangelista (Instagram), Kris Bernal (Instagram), Jericho Rosales (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results