Kung pagkain ng mga mahihirap ang tingin ng ibang mga Pilipino sa sardinas, simbolo naman ito ng kaligayahan para sa singer na si Pops Fernandez.
Nakaranas ng kahirapan noong tatlong taon pa lamang si Pops dahil sa pagkakabilanggo ng kanyang ama, ang yumaong aktor na si Eddie Fernandez.
Ang ina ni Pops ay ang dating aktres na si Dulce Lukban.
Read: "Bad Boys" of Philippine Cinema

Eddie Fernandez and Dulce Lukban, the parents of Pops Fernandez
Sa guesting niya sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, Enero 12, 2024, ikinuwento ni Pops ang kahalagahan ng sardinas sa pamilya nila.
“Life was hard for my mom. Batang-bata pa kasi ako, I was three years old. My brother was just one.
"So I would see my mom cry. It’s very hard.
"Growing up, walang milk yung kapatid ko. Walang pagkain.
"My mom was also the breadwinner of the family so she took care of her other siblings."
Patuloy ni Pops, “Favorite ko dati yung sardinas kasi kapag meron kaming isang delatang sardinas, it was a treat for us. Haping-happy kami.
“Hanggang ngayon, kapag nakakakita ako ng sardinas, it’s a sign of happiness.
"Kasi parang it reminds me of my younger days na, ‘Wow, my sardinas!’ and we would all share it and napagkakasya namin."
Read: Pops Fernandez umaming hindi makapagdesisyon noon para sa sariling career at personal na buhay
Tatlong taong gulang lamang si Pops nang mabilanggo ang kanyang ama sa New Bilibid Prison, sa Muntinlupa City, dahil sa pagkakasangkot sa pagbaril at pagkamatay ng negosyanteng si Renato Pangilinan noong Setyembre 1969.
Kasama ang kapwa aktor na si Berting Labra, labintatlong taong nagdusa sa kulungan si Eddie nang mapatunayan ng korte na may sapat na dahilan para parusahan siya.
Base ito sa testimonya ng dating aktres na si Rosanna Ortiz, na isa mga pasahero ng biktima nang maganap ang krimen.

Ipinagtapat ni Pops na nakaapekto sa kanya ang nangyari sa tatay niya, kahit batambata pa siya noon.
Saad niya, “Nung bata ako, alam ko na yung mga nangyayari. Medyo naiintindihan ko na.
"Hindi ko alam yung reason although tina-try ni Mama to explain. My mom was very open about it.
“Na-sad ako because more than the… hindi ko naiintindihan yung kulong part. Ang naintindihan ko lang, hindi ko na makikita si Papa. Hindi ko na makakasama si Papa.
"So, dun ako na-sad and it kinda affected me. While the others grew up with their parents together, ako kasi, wala si Papa.
"Alam ko na nakakulong, hindi ko naintindihan bakit."
POPS FERNANDEZ AS A FIRST-TIME GRANDMA
Napaluha naman si Pops nang mapag-usapan ang kanyang unang apo na si Phineas Atlas na isinilang noong Disyembre 16, 2023.
Si Phieneas ay anak ni Robin Nievera, ang panganay na anak nina Pops at Martin Nievera.
View this post on Instagram
Hindi pa nakikita ni Pops nang personal ang apo nito dahil may mga showbiz commitment pa siyang tatapusin, tulad ng Always Loved, ang concert niya sa Pebrero 9 at Pebrero 10, 2024 sa The Theatre ng Solaire and Resort Casino.
Pagkatapos nito ay lilipad na siya sa Amerika para dalawin si Phineas.
Read: Pops Fernandez hindi pa nakikita nang personal ang kanyang unang apo
“It’s like having another child and I felt I missed out because I am so far away…naiiyak na naman ako.
“I can’t wait to smell him, carry him, and touch him.
"I’ve never enjoyed my boys more than I enjoy them now now. Kasi back then, parati kong sinasabi sobrang busy. I have to work.
“Hindi sa nakalimutan ko sila. I am so thankful na naiintindihan ako parati ng mga anak ko.
"Ngayon, bumabawi ako nang sobra sa kanila, and I’m very grateful kasi nga may chance pa ako na makabawi sa kanila,” napaiyak na pahayag ni Pops.