Inamin ni Xyriel Manabat na isa sa mga pinapangarap niya ngayon ay ang makagawa ng GL (Girls Love) project o isang seryeng tungkol sa pag-iibigan ng dalawang kapwa babae.
Read: Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic
Pagbabahagi ng aktres sa finale mediacon ng Kapamilya drama series na Senior High nitong Martes, January 9, 2024, na-inspire siya sa gay love story ng mga karakter nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez sa kanilang teleserye.
Kung saka-sakaling bigyan siya ng GL project, bukas daw si Xyriel sa totoong intimate scene sa sinumang ipapapareha sa kanya.
Read: Xyriel Manabat finally introduces non-showbiz boyfriend on Instagram
Pakiramdam daw ni Xyriel ay mas magiging kumportable siya sa kissing scene onscreen kung ang kanyang makakahalikan ay kapwa babae.
Aniya, "Sabi ko nga dati, kapag nag-aasaran at nagtatanungan kami nina Kuya Zaijian at nung boyfriend ko, na 'Okay lang kaya [ako] makipag-kissing scene?' ganyan.
"Kapag tinatanong sa akin, kung totoo man, kasi yung sa amin ni Archie wala po talagang dumikit dun, clarification lang.
"Kaya feeling ko, kung mag-o-onscreen first kiss scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi feeling ko, mas kumportable ako kapag ganon.
"Feeling ko, walang ilangan, less issue, and less hassle."
Ang "Archie" na tinutukoy ni Xyriel ay ang Senior High co-star niyang si Elijah Canlas.
Read: Elijah Canlas and Xyriel Manabat love scene in Senior High trends online
Bilang isang aktres, tinitingnan ni Xyriel bilang challenge ang pagsubok sa iba’t ibang karakter sa ibinibigay sa kanyang proyekto, kahit ito ay love story ng dalawang magkaparehong gender.
Saad niya, "Experience po siya, para fullfilling as an experience of [being] an actress."
Sino naman sa female stars ang gusto niyang makatambal sakaling may mag-offer sa kanya ng isang GL project?
Ang sagot ni Xyriel: ang co-star niya sa Senior High na si Andrea Brillantes.
Pambubuking pa ni Xyriel, madalas na nila itong pinag-uusapan ni Andrea, lalo na't maging si Andrea ay gusto ring subukan ang ganitong klase ng proyekto.
Kung si Andrea naman ang tatanungin, bukas at handa raw siya sa posibilidad na pagtambalin sila ni Xyriel sa isang Girls Love project.
Mas madali raw ito sa kanya dahil kumportable siyang katrabaho si Xyriel, bukod pa rito ang pagiging mahusay nito sa pag-arte.
Sagot ni Andrea, "Pansin ko lang po kasi now, there’s a lot of BL [Boys Love] series, pero hindi pa po masyadong madami sa GL.
"If ever lang naman po, I would be comfortable doing that scene with my best friend. And si Xyriel, magaling siyang actress, e.
"Marami po kaming makukuha sa isa’t isa."
Read: Former child actress Xyriel Manabat back to acting in daring role
