In-unfollow na ni Sarah Lahbati sa Instagram ang kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.
Ngayong Martes, January 9, 2024, napansin ng mapanuring mata ng netizens na hindi na mahanap sa “following” ni Sarah si Richard.

Pero si Richard ay nananatiling naka-follow sa kanya.

Bukod kay Richard, hindi na rin naka-follow si Sarah sa mga kapatid niyang sina Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez, pati na sa biyenan nitong si Annabelle Rama.



Samantala, kamakailan ay spotted si Richard sa isang gastropub sa Alabang kasama ang aktres na si Barbie Imperial.
Noong January 6, 2024, ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrities habang nasa loob ng nasabing bar.
Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.
Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa bar na sobrang kapalagayan nila ang isa't isa.
Sabi pa ng isang source, “Bantay-sarado ni Chard si Barbie."
Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.
Sa kasalukuyan ay hindi malinaw kung ano ang namamagitan kina Richard at Barbie, na naging co-stars sa dating teleserye ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted together at Alabang gastropub
Wala pang reaksiyon si Sarah ukol sa sightings kay Richard at Barbie.
