PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas Shares Wife Yasmine's Birth Ordeal

Alfred Vargas pays tribute to wife Yasmine Espiritu's bravery.
by Gorgy Rula
Published Jan 9, 2024
alfred vargas yasmine espiritu
Alfred Vargas gives honor to his wife Yasmine Espiritu, who recently gave birth to their fourth child: “Mas matapang pala siya sa akin. Itong misis ko, Filipina-Italian. So, ano siya, lahat gagawin niya para sa anak niya. And kahit gaano pa kahirap, to the point na kahit mag-sacrifice siya, kahit in pain pa siya, hindi siya magrereklamo. Basta gagawin niya, bilang isang ina. Lahat para sa anak niya."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @yasmine_vargas2307 on Instagram

Hindi biro at talagang mahirap ang pinagdaanan ng mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa pang-apat nilang anak na isinilang ni Yasmine noong December 26, 2023.

Read: Alfred Vargas, wife Yasmine welcome healthy baby girl after high-risk pregnancy

Pero nakahinga at masaya na si Alfred nang nakapanayam sa radio program ng awtor na ito sa DZRH noong Biyernes, January 5, 2024, dahil nakauwi na sila at safe na ang kanyang mag-ina.

Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil normal ang delivery ni Yasmine sa fourth baby nilang si Aurora Sofia, kahit sobrang nahirapan ang kanyang asawa.

Si Aurora Sofia ay may timbang ng halos 6 pounds at may habang 47 centimeters nang isilang.

“Maganda ang Pasko at Bagong Taon sa atin," sambit ni Alfred.

“Although, nagkaroon lang tayo ng personal family challenges last year dahil nga sa pregnancy ng wife ko.

“Pero napakabait talaga ng Diyos. Praise God!

"Sulit ang lahat na hirap, tapos perfectly heathy yung aming baby girl na si Aurora Sofia Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At siyempre, sobrang grateful ko kasi okay din si Yasmine pagkatapos ng napakahirap niyang pinagdaanan."

Read: Yasmine Vargas shares pregnancy struggles

YASMINE'S ordeal

Isinalaysay ni Alfred kung ano ang mga struggle na pinagdaanan ni Yasmine bago ito nakapagsilang.

Read: Alfred Vargas shares wife Yasmine's struggles with fourth pregnancy

“Ang nangyari sa amin, parang nakulong kami sa yung ICU equivalent ng hospital para sa mga buntis. Yung high-risk pregnancy unit.

“So, nandun lang kami for almost one month.

"Kasi kahit hindi pa term, ang dami nang nararanasan na mga contractions ni Yasmine, tapos ang dami niyang medical issues na nangyari na kailangan naming mabantayan.

“Ang layo ng hospital sa bahay namin. Kasi Novaliches kami, tapos St. Luke’s BGC, ang layo na anytime puwede siyang manganak, ha?

"So, every day, hindi namin alam kung mangaganak siya o hindi.

"So, we’re just praying na sana… nung una umabot ng 28 weeks… Kasi as early as 18 o 20 weeks nagkakaroon na siya ng premature contractions at saka funneling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yung 20 weeks na yun, nagdasal kami na sana umabot ng 28 weeks para viable. Sana umabot ng 30 weeks kasi mas viable siya.

"Hanggang sa umabot ng 34 weeks para pre-term. Tapos umabot ng 35 weeks, masaya na kami.

"Pero sobrang bait ng Panginoon, umabot kami ng 36 weeks and 3 days, kaya normal na normal si baby.

“Ang full term, 38 weeks. Pero ang tawag sa 35, 36, 37 weeks, early term, so okay na yun.

“Buti na lang, magagaling yung mga doctors namin, sobra. Saka okay talaga dun, ni hindi man lang nalagay sa incubator yung anak namin.

“So, ilang days [pagkatapos] niyang nanganak, nakalabas na kami.”

YASMINE'S DIFFICULT PREGNANCY

Idinetalye rin ni Alfred kung ano ang diperensiya sa pagbubuntis ni Yasmine kaya ganun kahirap ang pinagdaanan nito hanggang sa nakapanganak.

“Nakakita kasi ng iba’t ibang mga bacteria dun sa system niya. Tapos, it affected her cervix, na nagkaroon ng threat talaga,” pagbabahagi ni Alfred.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi pag sinasabing funneling, kahit hindi pa time, nagbubukas na, bumubuka na.

"So, anytime puwedeng… talagang pinawisan ako, na anytime meron talagang mangyaring hindi maganda.

“So, after na binigyan siya ng medication, naka-IV siya nun, nakaano siya.

"Gumaling naman siya for a few days, pero nagkaroon naman ng bagong bacteria naman ulit. So, paulit-ulit.

“Tapos bukod dun, meron pa siyang hyperemesis [pagkahilo at pagsusuka], tapos anxiety attacks, tapos ang dami pa.

"So, ang ginawa na lang nga mga doctor, binigyan siya ng cerclage, yung procedure, inoperahan siya on the spot. Parang nilagyan siya ng sinturon, yung cervix niya, para maano… ma-close.

“Kumbaga, sinara talaga para mag-35 weeks siya. Kaso, binabantayan pa rin siya kasi patuloy pa rin yung super lakas at super dami ng contractions niya, e.”

Hindi na raw umalis sa ospital si Alfred. Sinamahan niya si Yasmine sa ICU at sabay na silang umuwi pagkatapos isilang ang kanilang bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandun ako for almost one month e, sa loob ng hospital.

“Alam niyo naman sa ICU, walang bintana dun. Dun din ako natutulog.

“Yung kama ko na pang-taping, nilagay ko na dun sa loob, magkatabi kami.

"Kalahati ng room, yung bed na niya, e. Tapos dun na rin ako nag-set up ng parang pang-camping ko na bed.

“Tapos, talagang binantayan ko, kasi misis ko yan, saka anak ko yan. Kaya hindi ako papayag na hindi ko gawin lahat,” saad ng actor-politician.

FACE REVEAL

Ngayon ay okay na raw ang asawa ni Alfred, pati ang kanilang anak, pero nakatutok pa rin siya.

Ito ang dahlan kaya hindi muna siya tumatanggap ng trabaho sa TV series o pelikula.

“Recuperating pa rin, e, kasi medyo matindi din yung panganganak niya. Pero now, she’s a lot better na.

"Tapos ano na siya… dito na kami sa bahay. Ang bait ng baby namin, napakatahimik talaga. Parang si Sleeping Beauty talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro later on, baka magpi-face reveal kami or something. Pero right now, we’re just enjoying ourselves, privately.

“Kasi, pati yung tatlo naming anak, sobrang saya nung nakita nila. Kasi hindi nila kami nakita for one month, e.

"So, nung nakauwi kami… siyempre nagkita kami nung Christmas. Nag-hotel na lang kami, parang ganun.

“So, parang nag-homecoming din kami nito nung umuwi kami after niyang manganak.

“Ang maganda rito, yung Apgar score nung baby namin, 9. So, mataas na yun. Nine out of ten.

"So, parang normal baby talaga siya na, 'Wow, thank You Lord!' Kaya ako lubus-lubos ang pasasalamat ko."

Sabi pa ni Alfred tungkol kay Yasmine, “She is still recovering from the operation, yung panganganak niya po mismo. Pero she’s very happy and alam mo sa akin, ang nakikita ko, ano talaga, e.”

BONDING AND REALIZATIONS

Sa halos isang buwang pagsasama nila ni Yasmine sa hospital, dito raw sila nag-bond nang husto at lalo niyang nakilala ang misis at bumilib sa katapangang ipinakita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sobrang na-bond kami dito," sambit ni Alfred.

“I didn’t expect na ako, e… akala ko kasi before, kilalang-kilala ko na yung babaeng kasama ko for 16 years na.

"Pero nitong ano na to, yung past few months na ‘to, mas nakilala ko pa siya. And I’m thankful for that experience. Pero hindi madali, ha?

“Mas matapang pala siya sa akin. Itong misis ko, Filipina-Italian. So, ano siya, lahat gagawin niya para sa anak niya.

"And kahit gaano pa kahirap, to the point na kahit mag-sacrifice siya, kahit in pain pa siya, hindi siya magrereklamo.

"Basta gagawin niya, bilang isang ina. Lahat para sa anak niya.

“Si Yasmine ano, e, parang yun talaga yung misyon niya sa buhay, e, maging isang mabuting ina, and napakasuwerte mo for that.”

Bilang ama, marami rin daw napagtanto at natutunan si Alfred sa di niya makakalimutang karanasang ito na gusto niyang maiparating sa mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Para sa mga anak, yung magulang niyo will move heaven and earth para sa inyo. Kasi, lahat gagawin naming mga magulang para sa inyo.

“Baka hindi niyo lang alam, yung mga sakripisyo ng mga magulang niyo para sa inyo, yung buhay nila para talaga sa inyo.

“Kadalasan, yung sarili nilang buhay, sarili nilang pangarap, sarili nilang kapakanan, hindi na nila iniisip kasi mas inuuna nila yung mga kapakanan ninyo.

“Ako naman, bilang magulang, I want to raise strong and decisive individuals yung mga anak ko. Gusto ko lumaki sila nakapagdesisyon sila para sa sarili nila.

"Tapos hindi sila yung tipo na titingnan lang nila yung Facebook feed ng iba, tapos maiinggit na.

“Gusto ko makilala talaga nila sarili nila. Tapos mahalin nila kung sino sila, and be proud of who they are, as a person, as a human being.

“Kasi feeling ko, yun yung trabaho ko bilang magulang na tutulungan mo sila na mahanap yung lakas nila, talent nila. Kaya kung ano yung gusto nilang path sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta ako, mahal na mahal ko yung mga anak.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas gives honor to his wife Yasmine Espiritu, who recently gave birth to their fourth child: “Mas matapang pala siya sa akin. Itong misis ko, Filipina-Italian. So, ano siya, lahat gagawin niya para sa anak niya. And kahit gaano pa kahirap, to the point na kahit mag-sacrifice siya, kahit in pain pa siya, hindi siya magrereklamo. Basta gagawin niya, bilang isang ina. Lahat para sa anak niya."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @yasmine_vargas2307 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results