Nag-celebrate ng kanyang 58th birthday si Megastar Sharon Cuneta kahapon, January 6, 2024.
Ngayong Linggo, January 7, ipinaabot ni KC Concepcion ang pagbati sa kanyang ina sa pamamagitan ng Instagram.
Nag-post siya ng larawan nilang mag-ina kung saan hinahalikan siya ni Sharon sa noo habang masaya naman siyang nakaakbay rito.
Read: Sharon Cuneta dispels rumored breakup with Kiko Pangilinan: “Nagtatampo ako pero okay kami.”

Ang caption ni KC sa photo (published as is): “Mama, may this year bring you all the happiness and more blessings you truly desire—and deserve.”
Dagdag pa niya, “Happy birthday to my first ‘idol.’ Love you!”
Read: Sharon Cuneta reveals breakup, reconciliation with husband Kiko Pangilinan
Sa comments section ay bumati rin ang mga kakilala at fans sa Megastar.
Wish din ng fans na magkasama ang mag-ina sa isang project.
Wala pang reply si Sharon sa IG post ng anak.
Read: Is Gabby Concepcion not happy with Sharon Cuneta’s IG post about him?
Matatandaang noong Pasko ay nagpahayag ng kalungkutan si Sharon dahil hindi niya kapiling ang panganay na anak sa holiday season.
Lumipad patungong U.S. noon si KC at ipinagdiwang ang Pasko kasama ang amang si Gabby Concepcion.
Read: Sharon Cuneta, nagpaubaya na sina Gabby at KC Concepcion ang magkasama sa Pasko
Wala namang post si Sharon sa kanyang social media accounts kung paano siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

Read: Sharon Cuneta sinabing ideal son-in-law si Alden Richards
Sa Instagram, noong January 5, ay nanawagan siya sa kanyang followers na magkaloob ng tulong sa Pawssion Project Foundation, isang animal shelter na nagre-rescue, nagre-rehabilitate at nagre-rehome ng mga aso at pusa.
Ang post ni Sharon, published as is: “Please… please help @pawssionproject. That is all I want for my birthday. It would mean more than anything you could ever give me. Thanks so much and God bless you!”
Ini-repost din niya ang IG post ng Pawssion Project Foundation na nagsasabing kailangan ng animal shelter ng tulong para sa kinukupkop nito na 70 aso.
Mahilig si Sharon sa aso, at nag-aampon ng stray dogs.
Read: Gabby Concepcion all praises for daughter KC Concepcion's performance in Asian Persuasion
