Hindi pinalampas ni Rica Peralejo ang pagsita sa kanya ng isang netizen dahil sa pagsuporta raw niya sa “kabaklaan.”
Sa simpleng pakikipagsagutan ng aktres sa kritiko, kinuha ni Rica ang pagkakataon para magsermon tungkol sa panghuhusga at pagkondena sa “existence” ng mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, asexual) community.
Nagsimula ang lahat nang i-post ng isang pop culture blog sa IG account (@90skabaklaan) ang poster ng 2000 youth-oriented TV show na H2K Girls na pinagbidahan noon nina Anne Curtis, Mated de Leon, Vanna Garcia, Aiza Marquez, at Rica.
Kabilang sa napa-comment sa throwback photo sina Rica at Anne.
Pinuna ng isang netizen si Rica sa pagsuporta raw niya sa blog na ipinu-promote ang “kabaklaan.”
Pati ang asawang pastor ni Rica na si Joseph Bonifacio ay idinamay pa ng netizen.
Komento ng netizen (published as is): "sorry Ms. Rica pero db asawa kayo ng pastor? Bakit niyo sinusupport ang ganitong about Kabaklaan. So pati mga 3rd gender allowed Narin mag exist?? Sorry pero nakakaturn off lang Ms. Rica."
Ganting sagot ni Rica, na-turn off din siya sa komento ng kritiko.
Ipinagtanggol niya ang page ng pop culture blog at sinabing "nakakatawa" at "nakakatuwa" ang mga post nitong showbiz throwbacks.
Ipinagtanggol din ni Rica ang LGBTQIA community (published as is): "If abt 3rd gender, grabe ka naman. Kailangan mamatay bata hindi pumasok na two genders mo, ganun ba? MU tayo. Turned off din ako sayo.”
Read: Rica Peralejo gets sentimental over returning to ABS-CBN building

Hindi pa tumigil dito ang kritiko.
Sabi nito kay Rica, “Sana lang basahin niyo ulit ang bible, walang nag eexist na 3rd gender sa bible. Baka lang nakakalimutan niyo po. Salamat”
Reply ng aktres, ang itinuturo raw sa Bible ay “truth AND love.”
Hindi raw niya mapalampas ang “canceling” na ginagawa ng kritiko na hindi itinuturo ng Diyos.
Sunud-sunod din ang batikos ng netizens sa basher.
Read: Rica Peralejo opens up about her hubadera days: “Deep down inside, namamatay na ako.”


RICA GIVES HER TWO CENTS ABOUT LGBTQIA COMMUNITY
Kaugnay nito, nagsunud-sunod din ang IG Stories ni Rica bilang karagdagang reaksiyon sa isyu.
Binanggit niyang may nag-call out sa kanya sa pagpatol o pag-stoop down daw niya sa level ng isang netizen.
Pero gusto raw niyang magbigay ng opinyon niya ukol sa isyu.
Depensa ni Rica, “I could have not answered. Or have been safer with my reply. BUT the human and Christian in me cannot be settled about a mindset that disqualifies the existence of another. That is a bit too much for me.”
Matatanggap pa raw niya kung hindi sasang-ayon sa LGBTQIA community, pero malala raw ang “THEY SHOULD NOT EXIST.”
Katuwiran ni Rica, “Cancelling a group of people is different from saying I may not agree with them…
“Nashock lang talaga ako sa use of word nya na EXIST. You basically just implied their eradication if they should not change. It’s so far from how GOD is.”
Read: Rica Peralejo-Bonifacio reveals third miscarriage

Nalulungkot daw siya sa pagiging mapanghusga ng ibang tao na malayo sa turo ng Diyos na dapat ay inaangat ang isa’t isa.
Sabi rin ni Rica, “my heart breaks everytime someone is cancelled just because the don’t fit the mold of the faith.”
Nananawagan siyang itigil na ang pagiging judgmental.

