Masayang-masaya ang unang linggo ng taong 2024 ng dating Viva Hot Babes member na si Katya Santos dahil engaged na siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Paolo Pilar.
Sa Instagram ni Katya nitong Biyernes, January 5, 2024, ipinost niya ang mga kuhang larawan nang mag-propose sa kanya si Paolo sa Japan, sa kalagitnaan ng kanilang holiday trip, kasama ang kanyang pamilya at anak na si Tala.
Sa litratong ipinost niya, makikitang hawak ni Paolo ang engagement ring habang nakaluhod sa harapan ni Katya sa tapat ng Mt. Fuji sa Lake Ashi, Hakone, Japan.
Sa isa pang anggulo, makikita ring nakaluhod si Paolo sa harapan ng anak ni Katya para hingin ang basbas nito.
Si Tala ay anak ni Katya sa dating asawa nitong si Anton de los Reyes
Read: Katya Santos undergoes IVF treatment: "Hopefully, by next year, magka-baby na ulit."
Ani Katya, ang tadhana ang nagtulak sa kanila ni Paolo para makilala ang isa't isa sa kabila ng kabiguan niya sa dating karelasyon.
Mababasa sa caption ni Katya (published as is), "It all started in 2004. They say it was love at first sight, but i truly believed it was destiny!
"Now i understand whatever happened in the past needed to happen. The universe has its own way of bringing us back together. We still headed in the same direction.
"I loved you once, i love you still. I always have, i always will.
"To forever, my pungay."
Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ni Paolo ang pagsagot ng matamis na "oo" sa kanya ng aktres.
Ayon sa kanya, dalawang dekada na ang nakararaan nang makilala niya si Katya sa Boracay, at ngayon ay halos hindi siya makapaniwalang makakasama na niya ito habambuhay.
Saad ni Paolo, "20 years ago I met a wonderful woman named Katrina, in the beautiful island of Boracay.
"Today in 2024, I finally asked her to be my wife with our families, friends, and the majestic Fuji-San as witnesses.
"I have loved you for 20 years and would continue to do so until my last breath. To forever, my Pungay!"
Taong 2013 nang magpakasal si Katya sa una niyang asawa na si Anton. Biniyayaan sila ng isang anak, pero naghiwalay sila noong 2016.
Sa PEP Live guest appearance ni Katya noong March 6, 2023, diretsahan niyang sinabing pinagsisisihan niya ang pagpapakasal kay Anton.
Pagtatapat pa niya, masyado siyang na-romanticize sa idea ng marriage noon kaya nagpakasal siya dito nang hindi lubusang naiintindihan ang pinasok niyang commitment.
Read: WHERE ARE THEY NOW: Pinoy sexy stars of the '90s to early 2000s
Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi sila nagkasundo ni Anton at pinili na lang tapusin ang kanilang relasyon.
Paliwanag niya, "Nagpakasal ako knowing na akala ko fairytale. Naku, it's a nightmare!
"Siguro yung biggest challenge talagang nangyari sa akin was the marriage.
"Tanggalin natin sa equation yung ex-husband ko, but the whole belief, the whole understanding of marriage before sa akin.
"Kasi masyado akong, 'Shucks, gusto ko magpakasal. Gusto ko ng happily ever after.'
"Masyado ako napaniwala sa ganun kasi yun din sa family ko, e. Mga kapatid ko maayos [yung marriage], ganyan. So, gusto ko ganun din.
"Ending talaga, nag-fail, e. Wala akong magagawa, nag-fail talaga.
"Talagang I've tried and alam ng mga taong kilala ako na I tried my best."
Read: Katya Santos on her broken marriage: "Akala ko fairytale. Naku, it's a nightmare!"
