PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano visits ex-wife Sunshine Cruz in her new home

Sunshine Cruz receives an abstract painting from Cesar Montano.
by Bernie V. Franco
Published Jan 4, 2024
Sunshine Cruz, Cesar Montano and daughters
"Just what we needed," says Sunshine Cruz about the gift that she received from ex-husband Cesar Montano. Cesar visited Sunshine and their daughters in their home (right photo).
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Nakatanggap ng isang regalo si Sunshine Cruz mula sa dating asawang si Cesar Montano.

Base sa mga larawan at video clips na ipinost ni Sunshine, bumisita sa bahay niya si Cesar upang personal na iabot ang kanyang regalo sa aktres.

Isa itong abstract painting na ikinatuwa naman nang husto ni Sunshine.

“Thank you for this beautiful painting @cesarbuboymontano! Just what we needed,” caption ni Sunshine sa IG post nitong January 3, 2024.

Dagdag pa niya, “Enjoy kayo ng kids tonight.”

Indikasyon itong nagkaroon ng bonding time si Cesar kasama ang tatlong anak nila ni Sunshine—sina Angelina, Samantha, at Chesca.

“Missed you earlier @maarriiaaa05,” pahabol ni Sunshine patungkol kay Kath Angeles, ang partner ni Cesar.

Nagkapalitan pa ng mensahe sina Sunshine at Kath sa comments section tungkol sa regalo si Cesar.

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kalakip na video clips ni Sunshine ay makikita si Cesar sa loob ng bahay ng aktres kasama ang mga anak. Pinag-usapan nila ang pet dogs nina Sunshine.

Sa isa pang clip ay makikita si Cesar sa isang kuwarto ng mga anak at pinag-usapan ang gawa nilang sketches.

Matutukoy na si Sunshine ang kumukuha ng videos habang nakikipag-usap si Cesar sa kanilang mga anak.

Read:

Cesar Montano and Angelina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angelina talking to her dad Cesar Montano

Cesar Montano ang Chesca

Chesca showing her dad Cesar her sketches.

Noong September 2023 ay ibinahagi ni Sunshine sa social media na nakabili siya ng bagong bahay.

Read: Sunshine Cruz on buying a new house: “Nag-upgrade ako because of my kids too.”

Nag-post din si Sunshine sa IG Stories ng photos ng mga anak kasama sila ni Cesar. Ni-repost naman ito ni Chesca.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa IG Story naman ni Samantha ay makikitang nag-date silang mag-aama sa isang Japanese restaurant.

Nitong mga nakalipas na taon ay naging maayos na ang relasyon nina Sunshine at Cesar at kani-kanilang mga pamilya.

Naging isa silang blended family na ilang beses nang nagkakasama para sa special occasions pati na sa bakasyon.

Read:

SUNSHINE’S NEW YEAR MESSAGE

Sa kabilang banda, binalikan ni Sunshine ang kanyang mga karanasan at mga natutunan sa New Year post niya sa Instagram.

Binanggit ng aktres na nakilala niya ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanyang pamilya at ang mga taong dumidikit lamang kapag may kailangan sila.

Bahagi ng kanyang post, “It was a year of growth and realization for me and my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I learned to appreciate the people who genuinely care about my happiness, and also identified those who only seemed to be around when I had something to offer.”

Pinasalamatan din ni Sunshine ang mga tao at kaibigan na naging bahagi ng kanyang buhay.

“Despite the rollercoaster of emotions, I am filled with nothing but gratitude for everything that happened. The love and support I received were invaluable and I am grateful to those who provided it.”

Pagtatapos niya, “I am ready to take on whatever challenges and joys await in 2024. Happy New Year!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Just what we needed," says Sunshine Cruz about the gift that she received from ex-husband Cesar Montano. Cesar visited Sunshine and their daughters in their home (right photo).
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results