#TheBarrettoFamilyFeud
Muling inalala ni Claudine Barretto ang nangyaring kaguluhan sa gabi ng lamay ng kanyang namayapang amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park noong October 2019.
Read: Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82
Sa vlog ni Luis Manzano noong January 2, 2024, tinanong si Claudine kung ano ang ugat kung bakit nagkagulo sa lamay ng ama.
Read: Claudine Barretto claims she lost "hundreds of millions" to estranged husband; vows to get it back
Saad ni Claudine, "Yung nagkagulu-gulo yung family namin. Pinagbabati ni Presidente.
"Tapos, pinagbabati niya lahat…. ni Presidente… the siblings."
Ang tinutukoy ni Claudine na "Presidente" ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte na dumalaw sa lamay ng Barretto patriarch.
Personal na nasaksihan ng dating Presidente ang pagpang-abot ng mga nakatatandang kapatid ni Claudine na sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto noong October 16, 2019.
Read: Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?
Saad ni Claudine, "So, it didn't go as planned. And, he was the only one who was able to stop it, stop everything. And then, to mediate.”
"Gulo" kung ituring ni Claudine ang nangyari sa lamay ng ama.
Aniya, "Gulo talaga yan.... Nasa video, nasa YouTube.
"Oo, gulo talaga. Gulo talaga.
"At hindi pa natapos doon.
"The second night, kami naman ng ate ko."
Nang sumunod na gabi, October 17, 2019, sina Claudine at Marjorie naman ang nagkaroon ng engkuwentro sa lamay.
Isinugod pa si Claudine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City matapos silang magkasakitan ng nakatatandang kapatid.
Read: Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama
THE REASON?
Tanong kay Claudine: ano ba ang mitsa ng away nilang magkakapatid sa mismong burol ng ama?
Lahad ni Claudine, "Hindi pumayag yung... yung isa hindi pumayag na maging okay.
"Pinapag-shake hands sila. Parang, akala, parang amano ba ang tawag nila, parang Bisaya or something.
"Akala yata nung isang kapatid ko, mano.
"Tapos, parang sinabi na, parang, wala, parang pumitik na.
"Pumitik na yung isang kapatid ko na, parang, 'Hindi ko mapagbigyan yung Presidente. Hindi ko kayo puwedeng pagbigyan.'"
Read: Sino ang dapat paniwalaan kina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto?
Mula noon ay naging civil ang relasyon ni Claudine kay Marjorie, pero hindi pa rin bati sina Marjorie at Gretchen.
Read: Claudine Barretto spotted with estranged sister Marjorie in family reunion; have they reconciled?
