Pinalagan ni Janno Gibbs ang pagpuna ng isang netizen sa vacation photo nila ng pamilya habang nagbabakasyon sa Japan.
Noong December 31, 2023, nag-post si Janno sa kanyang Instagram account ng larawan niya kasama ang asawang si Bing Loyzaga, at kanilang mga kapamilya habang namamasyal sa Universal Studios sa Japan.
Caption ni Janno sa post niya, “Happy New Year from The Gibbs and our extended fam”
View this post on Instagram
Sa comments section, isang netizen ang pinuna ang kanilang bakasyon gayong kamamatay lamang daw ng ama ni Janno si Ronaldo Valdez.
Sabi ng netizen, “Your father just passed away”
Tanong ni Janno sa kanya, “I know. And?”

Ayon pa sa netizen, parang hindi niya naramdamang nagluluksa pa rin sina Janno sa pagkamatay ng ama.
Sagot nito kay Janno, “sadness does not seem to exist… not judging maybe behind each posts you’re all still crying inside.”

Buwelta ni Janno, “You are judging. Shame on you”

Humingi naman ng pasensiya ang netizen kay Janno.
Tila insensitive daw ang kanyang komento. Maaaring magkaiba lang sila ng paraan ng pagdadalamhati.
Buong mensahe niya, “I truly apologize. Shame on me for my comments. I just lost my mother and you are all very right. I was wrong and we all grieve differently.
“And I am not part of the family and Janno does not owe me any. Sorry, sorry and sorry. My comments were insensitive. Sorry again. God bless you all. I even prayed about it and really felt so bad about what I said.
“My apology may not be taken which I do understand but it taught me a lot. Peace”

Hindi na sinagot ni Janno ang paghingi ng dispensa ng netizen.
Pumanaw ang multi-awarded veteran actor na si Ronaldo Valdez noong Disyembre 17, 2023.
