Malungkot na ibinalita ng aktres na si Empress Schuck sa publiko na isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa pamilya nila noong 2023 ay ang pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis.
Ito'y matapos niyang makunan sa pangalawa sana nilang anak ng asawang si Vino Guingona.
Read: Empress Schuck marries long-time boyfriend Vino Guinguona
Sa Instagram account ni Empress nitong Lunes, January 1, 2024, ipinost niya ang litrato ng kanyang pregnancy test kits at sonogram ng kanya sanang baby, maging ang picture niya kasama ang mister niyang si Vino at anak nilang si Athalia, 8.
Read: Empress Schuck gets engaged to partner Vino Guingona on their daughter’s 5th birthday
Ani Empress, madadagdagan na sana ng bagong miyembro ang kanilang pamilya ngayong taong 2024, pero sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy.
Mababasa sa caption ni Empress (published as is), "This year, we would’ve been a family of four or even five.
"From two embryos, to one, then to none.
"I’m still not sure how to talk about it. I just know that sometimes our plans for ourselves don’t align with God’s plans for us."
Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin si Empres sa kanyang non-showbiz husband na hindi raw nawala sa tabi niya at patuloy na umalalay sa dagok na ito na kanilang pinagdaanan.
Saad niya, "To my husband @vinoguingona who’s been by my side and making sure i feel alright through this puzzling experience, you are truly God’s blessing to me.
"We may not exactly understand how we feel about this but having each other is enough to say that everything will be ok.
Nagpasalamat din si Empress sa kanilang pamilya na naging sandalan niya at pag-unawa ng mga ito sa kanyang pinagdaraanan.
"To our family who showed us care and love, thank you and we appreciate all of you," sabi niya.
Read: Empress Schuck reveals how past showbiz boyfriend cheated on her
Samantala, sa comments section ng post ni Empress ay bumuhos ang mensahe ng pakikisimpatya mula sa kanyang co-celebrities at fans.
Mensahe ni Sue Ramirez, "Hugs and prayers, Ate @itsempressita"
Saad ni Melissa Ricks, "Love you empay... In Gods perfect time [red heart and praying emoji]."
Sabi naman ni Iya Villania, "So sorry to hear this, Empress."
"Stay strong and faithful God knows why and He has best of the best for you ahead," dagdag naman ng isang netizen.
