PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diana Zubiri on Louis Vuitton Incident

Diana Zubiri is receiving backlash from some netizens for recent vlog.
by Bernie V. Franco
Published Dec 29, 2023
Diana Zubiri
Some netizens call out Diana Zubiri for her recent Youtube video where she shared her not-so-pleasant treatment from the staff of a luxury brand in Adelaide, Australia. Diana answers.
PHOTO/S: Facebook (Diana Zubiri)

Sinagot ni Diana Zubiri ang mga paratang na “feeling entitled” at “feeling artista” siya kasunod ng vlog kung saan inilahad niyang nakaranas siya ng pang-iisnab mula sa isang luxury brand shop.

Sa kanyang YouTube video na in-upload noong December 21, 2023, ikinuwento ng dating Encantadia star ang hindi magandang tratong naranasan nila ng kanyang biyenan sa branch ng Louis Vuitton shop sa Adelaide, Australia.

Read: Diana Zubiri walks out of luxury shop; cries discrimination

Si Diana at kanyang pamilya ay nakatira sa Adelaide.

Hindi man niya tahasang sinabi, malinaw na ipinahiwatig ni Diana na nakaranas sila ng diskriminasyon mula sa staff members ng high-end shop.

Ang hinala ni Diana, hindi sila nakaayos ng kanyang biyenan kaya ganun ang naging trato sa kanila.

Naka-gym outfit daw siya noon, at ang kanyang biyenan naman ay “hindi masyadong nag-ayos” nang bumisita sila sa shop.

Nagdesisyon na lamang daw silang mag-walkout.

Isinama rin ni Diana sa vlog ang pagbabalik nila sa parehong store matapos mag-effort siyang mas mag-ayos. At nangyari nga, mas maganda raw ang naging trato sa kanilang pangalawang balik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahinahon at resonable ang sinabi ni Diana na gusto lang niyang tratuhin nang tama, gaya ng pagtrato sa iba.

Pero, gaya ng inaasahan sa internet, pinuna pa rin siya ng ilang netizens na nagkomento sa YouTube at Facebook accounts ng aktres.

Sinagot naman ni Diana ang ilan sa mga ito.

Pahiwatig ng ilang netizens, hindi porke’t artista siya'y dapat tratuhin siya nang espesyal.

Puna ng isa kay Diana (published as is): “this girl feels entitled … don’t play those Asian discriminations.”

Reply ni Diana (published as is): “obviously u didn’t watch the rest of the vlog haha sharing my first experience.”

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat ng isa pa: “Why make a big fuss, wag feeling artista everywhere na dapat kilala ka lagi”

Pagkontra ng aktres “obviously u didn’t watch the vlog haha I didn’t ask nor expect to be treated differently. Simply comparing 2 different visits 1 being better than the other.”

Sermon naman ng isa, kapag namimili sa isang shop hindi na kailangan mag-video pa.

Sabi ng netizen: “when I shop I go in and buy my sh*t and get out. I don’t shoot a movie inside.”

Depensa ng aktres: “Haha we are a daily vlog channel so we shoot everything [laughing emoji] maybe ur new here. Movies are for the cinema or Netflix.”

comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comments

more NETIZENS REACT; DIANA RESPONDS

Masipag sa pagsagot si Diana sa mixed reactions ng netizens.

Merong mga nagkuwento ng similar experiences nila sa parehong brand pero mula sa ibang branch.

Katulad ng isang netizen na pumasok daw sa LV store sa Prague, pero hindi siya pinansin. Bumalik siya kasama ang kanyang nakatatandang kapatid at bumili ng tatlong bags na hindi tinitingnan ang presyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Diana, nangyayari raw talaga ang ganoong karanasan.

Sinabi naman ng isa pa, hinuhusgahan ang mga kliyente batay sa kanilang hitsura. May pagsang-ayon dito si Diana.

Sabi ng isa, hindi naman racist ang staff pero kailangan ng appointment.

Sabi ni Diana, may ibang shop na humihingi ng appointment pero meron ding hindi.

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may ilan ding nagbahagi na naging maganda ang trato sa kanila nang pumasok sila sa branch ng store.

Sinabi ni Diana na ganoon dapat ang tratong makuha ng possible customers. Sinabi rin ng aktres na maganda naman ang karanasan niya sa branch sa Melbourne.

comments

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento ang isang netizen na kasama ito sa “marketing strategy” na gumagamit umano ng reverse psychology sa customers para bumalik at bumili.

Sagot ni Diana, unang beses niya itong narinig pero mukhang umubra sa kanya dahil bumalik siya sa shop.

comments

Sa naunang artikulo sa karanasan ni Diana, naglagay ang PEP.ph ng EDITOR'S NOTE, at dito binanggit na may mga lumabas nang foreign essays tungkol sa ganitong marketing strategy ng luxury brands.

Ang end goal ay magmukhang exclusive at desirable ang kanilang items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umuubra ito sa buyers na may purchasing power at nais maituring na special customers.

Para naman sa ibang customers na hindi natrato nang tama, naglalabas din sila ng pera para patunayang kaya nilang bumili ng mamahaling gamit at nang tratuhin sila nang tama.

Pero sa bandang huli, sa dalawang halimbawang nabanggit, ang shop lamang ang talagang nakinabang.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some netizens call out Diana Zubiri for her recent Youtube video where she shared her not-so-pleasant treatment from the staff of a luxury brand in Adelaide, Australia. Diana answers.
PHOTO/S: Facebook (Diana Zubiri)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results