Hindi nagpatinag si Senator Sherwin Gatchalian sa mga pumupula sa kanya dala ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng longtime girlfriend na si Bianca Manalo.
Sa Instagram ngayong araw, December 29, 2023, nag-post ang senador ng larawan niya kasama si Bianca.
Sabi niya sa caption, “Reunited and it feels so good...”
Halaw ito sa 1978 song ng Peaches and Herbs na "Reunited."
Kasalukuyang nasa Vancouver, Canada, ang magkasintahan.
View this post on Instagram
Komento ni Ruffa Gutierrez sa post ng senador: “Naks!! Kasalan na! @stgatchalian74 @biancamanalo"

Malinaw na naninindigan ang senador sa kanyang girlfriend kasunod ng pagkakasangkot ni Bianca sa isyu ng diumano'y pangangaliwa ni Rob Gomez, ang co-star ng beauty queen-actress sa defunct GMA afternoon series na Magandang Dilag.
Bukod kay Bianca, sangkot din sa kontrobersiya si Herlene Budol, na nalantad ang diumano'y pag-uusap nila ni Rob na ang ilan ay maselan.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
Nang pumutok ang isyu ay nasa Tokyo, Japan, si Bianca kasama ang pamilya para magbakasyon.
Pero, mariin niyang itinanggi ang isyu sa isang pahayag.
Tahasan niyang itinanggi ang isyung iniuugnay siya kay Rob matapos lumabas ang screenshot ng kanyang private messages sa aktor.
Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez
Nakabalik na ng Pilipinas si Bianca pero lumipad kaagad ito papuntang Vancouver, Canada para magkasama sila ni Sherwin.

Sa gitna nito, hindi apektado ang relasyon ni Sherwin kay Bianca at itinuturing ng senador na fake news ang nagsilabasang ulat.
Read: Senator Sherwin Gatchalian on Bianca Manalo: "No fake news will divide us apart.”
Limang taon na ang relasyon nina Sherwin at Bianca nitong nakaraang November 2023.
Read: Bianca Manalo to boyfriend Senator Sherwin Gatchalian: "To my very hardworking senator, relax."
