PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP YEARENDER: Celebrities Who Left Us In 2023

PEP.ph pays its last respects to celebrities who passed away in 2023.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 30, 2023
PEP YEARENDER: Celebrities and personalities who left us in 2023
Actor John Regala, entertainment reporter Mario Dumaual, veteran actor Ronaldo Valdez, veteran broadcaster Mike Enriquez, actor Robert Arevalo, and comedian Joey Paras (L-R) are some of the celebrities who passed away in 2023.
ILLUSTRATION: Igi Talao

"Life is short" ang pinakagasgas na katagang madalas nagagamit magmula pa noon hanggang ngayon.

Tunay ngang napakaikli ng buhay kung susumahin. Hindi natin alam kung kailan, bakit, at paanong babawiin ang buhay na ipinahiram sa atin.

Gayunpaman, lagi't lagi ay dapat ginagamit natin ang hiram na buhay sa tama at makabuluhan.

Sa pagtatapos ng taong 2023, ating balikan at sariwain ang alaala ng mga personalidad sa mundo ng showbiz at pulitika na namaalam ngayong taon.

Sila ang minsa'y nagbigay saya, inspirasyon, at pag-asa sa maraming Pilipino.

FILIPINO ACTORS/DIRECTORS

RONALDO VALDEZ

Wala nang buhay nang matagpuan sa kanyang bahay sa Quezon City ang veteran multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez, 77, noong hapon ng December 17, 2023.

Isinugod pa siya sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Kabilang sa mga naulila ng aktor ay ang asawa niyang si Marife Gibbs at dalawang anak na sina Janno at Melissa Gibbs.

Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ronaldo ValdezRonaldo Valdez

Taong 1966 nang madiskubre si Ronaldo ng tinaguriang Comedy King na si Dolphy.

1969 nang mangyari ang first major break sa pag-arte ni Ronaldo nang mapasama siya sa horror film na The Mad Doctor of Blood Island.

Read: How Ronaldo Valdez's death talks to us of the need for respect and compassion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula nito, nagsunud-sunod na ang mga proyekto niya, kabilang na ang pagiging leading man sa mga iconic movies at teleserye.

Ilan sa mga tumatak na pelikula ni Ronaldo ay ang Lilet (1971); Fe, Esperanza, Caridad (1974); Karma at Mahinhin Vs Mahinhin (1981); May Daga Sa Labas ng Lungga (1984); Lalakwe (1985); May Minamahal (1993); Cedie: Ang Munting Prinsipe (1996); The Mistress (2012), at Seven Sundays (2017).

Bago bawian ng buhay, ilang proyekto pa ang nagawa ni Ronaldo, kabilang na rito ang ABS-CBN primetime defunct series na 2 Good 2 Be True kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dito nakilala siya ng bagong henerasyon sa bansag na “Lolo Sir."

ROBERT AREVALO

Sumakabilang buhay ang veteran actor na si Robert Arevalo noong August 10, dahil sa kumplikasyon sa Parkinsonism. Siya ay 85.

Si Robert ang asawa ni Barbara Perez, ang Audrey Hepburn ng Pilipinas.

Ikinasal sina Robert at Barbara noong August 1961 pagkatapos lamang ng walong buwang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Robert Arevalo passed away a day before 61st wedding anniversary with Barbara Perez

 Celebrities and personalities who left us in 2023

Robert Arevalo

Halos kasisimula pa lamang ang acting career noon ni Robert, na dating contract star ng Premiere Productions.

Ang kauna-unahang pelikulang ginawa ng aktor ay ang Huwag Mo Akong Limutin noong 1960.

Kabilang sa mga una niyang proyekto ay ang mga importanteng pelikulang Noli Me Tangere (1961); The Moises Padilla Story (1961); El Filibusterismo (1962); Sa Atin Ang Daigdig (1963), at Cordillera (1964).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 1965 ay nagtambal sina Robert at Barbara sa classic film na Ang Daigdig Ng Mga Api, na nagpanalo sa kanila ng Best Actor at Best Actress, respectively, sa FAMAS Awards noong 1966.

Kabilang pa sa memorable films ni Robert ay Dahil Sa Isang Bulaklak (1967); Sakada (1976); Mga Reynang Walang Trono (1976); Gomburza (1977); Hubad Na Bayani (1977); Bawal: For Men Only (1977); Mga Huwad Na Mananayaw (1979); Carnival Queen (1981); Shame (1983); Working Girls (1984); Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (1984); Miguelito (1985), at Paradise Inn (1985).

Hanggang sa pagtanda ni Robert ay naging aktibo siya sa pag-arte. Kabilang sa huling proyekto niya ang defunct ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Bukod sa pagiging aktor ay naging newscaster din si Robert. Naging bahagi siya ng original anchors ng TV Patrol noong 1987.

JOHN REGALA

Ang award-winning actor na si John Regala ay sumakabilang buhay noong June 3, 2023, sanhi ng cardiac arrest na bunga ng kumplikasyon ng matagal na niyang iniindang karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay 55.

Read: John Regala dies at 55

Si John ay anak ng mga dating artistang sina Mel Francisco at Ruby Regala na kapwa pumanaw na rin.

john regala deathJohn Regala

Ang veteran entertainment writer na si Ronald Constantino ang unang manager ni John sa showbiz. Ayon sa kanya, ang Bagets Gang ang unang pelikula ni John noong 1985 hanggang maging miyembro ito ng That’s Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinilala ang husay ni John bilang aktor nang magkaroon siya ng nominasyon sa best supporting actor category ng Gawad Urian noong 1994 para sa The Fatima Buen Story.

Noong 2011, si John ang nanalong best supporting actor sa 37th Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Bukod sa kilalang mahusay na aktor, isa rin si John sa mga itinuturing na kontrobersiyal na aktor sa Pilipinas dahil sa kanyang makulay at masalimuot na kuwento ng buhay.

Read: John Regala, naglabas ng himutok tungkol sa pamilya at mga kamag-anak

PATRICK GUZMAN

Atake sa puso noong June 15, sa Canada, ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng '90s Filipino-Canadian hearthtrob na si Patrick Guzman.

Siya ay 56.

Read: '90s heartthrob Patrick Guzman dies

patrick guzman diesPatrick Guzman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang karera ni Patrick noong 1990s, kung saan naging isa siya sa in-demand leading men noon.

Unang nakilala si Patrick nang maging bahagi siya ng ABS-CBN game show na Ready, Set, Go! noong 1992 - 1997.

Ilang pelikulang nagawa ni Patrick na tumatak sa mga manonood ay ang Koronang Itim, Mama’s Boys 2: Let’s Go Na, at Manolo en Michelle: Hapi Together nuong 1994, Sa Piling ng Iba (1998), Sisa (1999), at You and Me Against the World (2003).

Nakasama rin ni Patrick si Megastar Sharon Cuneta sa mga pelikulang Una Kang Naging Akin (1991), Ikaw (1993), at Kung Ako Na Lang Sana (2003).

Maging si Star For All Seasons Vilma Santos ay nakatrabaho ni Patrick sa dating musical show na Vilma!, bilang co-host.

Ang BroMance The Movie ang huling pelikulang ginawa ni Patrick bago siya bawian ng buhay.

RICKY RIVERO

Sumakabilang buhay ang actor-director na si Ricky Rivero noong July 16, sa edad na 51.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Actor-director Ricky Rivero dies at 51

Si Ricky ay mula sa pamosong Salvador showbiz clan.

Anak siya ni Tess Salvador, ang kapatid ng beteranong aktor na si Phillip Salvador.

Kapatid niya sa ina si Marco Salvador, ang dating aktor na ama ni Andrei Sison, ang Sparkle GMA Artist Center contract star na namatay sa isang vehicular accident noong March 24, 2023.

ricky rivero Ricky Rivero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit higit pa sa dala-dala niyang apelyido, nakilala si Ricky sa husay niya bilang aktor.

Ito ay nang magsimula siya bilang child actor. Taong 1986, inilunsad siya bilang isa sa mga bida ng Ninja Kids and the Samurai Sword ng Viva Films.

Naging mainstay din si Ricky ng That’s Entertainment, mula January 1986 - May 1996, ang youth-oriented television program ng GMA-7.

Bukod sa pagganap ng character roles sa mga pelikula at television series, nakilala si Ricky bilang direktor ng mga programa ng ABS-CBN.

Ilan sa mga TV series kung saan naging unit director siya ay Forevermore (2014) nina Liza Soberano at Ernique Gil; Mula Sa Puso (2011) nina Lauren Young, JM De Guzman and Enrique Gil; at Kokey (2007).

Naging AD (Assistant Director) din siya ng matalik na kaibigan at blockbuster-director na si Wenn Deramas sa mga pelikulang Ang Tanging Ina Mo: Last Na 'To (2010), Moron 5 and the Crying Lady (2012), This Guy's In Love With You Mare (2012), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), kung saan kabilang din siya sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huli niyang project na siya mismo ang main director ay ang pelikulang D' Aswang Slayerz, na ipinalabas noong February 2023.

ANGELA PEREZ

Pumanaw ang '80s actress na si Angela Perez, o Rowena Mora sa totoong buhay, noong March 29, sa edad na 55.

Si Angela ang isa sa mga baguhang artista noong dekada '80 na nagtataglay ng maganda at maamong mukha.

Read: '80s sexy actresses pay tribute to the late Angela Perez

Angela ang screen name na ibinigay sa kanya dahil sa pagkakahawig niya sa Italian actress na si Pier Angeli.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angela Perez

Sa edad na 16, ipinakilala siya sa pelikulang Laruan ng Falcon Films (sister movie company ng Viva Films) noong 1983.

Kabilang pa sa mga tinampukang pelikula ni Angela ay Basag ang Pula (1984); Take Home Girls (1984); Hayop Sa Sarap (1984); Makakating Hayop (1984); Manoy Hindi Ka Na Makakaisa (1985); Isa Lang Ang Dapat Mabuhay (1986); Sgt. Villapando: AWOL (1986); at Paligayahin Mo Ako (1986).

Ang
kontrobersiyal na pelikulang pinagbidahan ni Angela ay ang Alexandra ng Cine Suerte, na ipinalabas sa mga sinehan noong April 4, 1986.

JAYMEE JOAQUIN

Sumakabilang buhay ang dating actress/TV host/model/content creator na si Jaymee Joaquin matapos ng pakikipaglaban sa breast cancer, noong October 18. Siya ay 44.

September 2016 nang ma-diagnose si Jaymee na may Stage 2 breast cancer. Noong 2018 ay idineklara siyang cancer-free, pero pagkatapos nito ay bumalik ito hanggang sa siya'y mamatay.

Read: Actress-TV host Jaymee Joaquin dies after long battle with cancer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

 Celebrities and personalities who left us in 2023

Jaymee Joaquin

Si Jaymee ay nakilala bilang host ng ABS-CBN midnight game show na Games Uplate Live, na umere mula 2006 - 2009.

Siya ang nagpasikat sa katagang "Kabagang."

Ilan pa sa mga nilabasan niyang TV shows sa Kapamilya network ay ang sitcom na Bora (2005) at ang drama series na Ligaw Na Bulaklak (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang naman sa mga naging pelikula niya ay My Big Love at Tanging Ina Ninyong Lahat, na parehong ipinalabas noong 2008.

Limang beses siyang naging cover girl ng men's magazine na FHM.

ANGIE FERRO

Sa edad na 86, binawian ng buhay ang beteranang aktres na si Angie Ferro noong August 17.

Ito'y matapos ang matagal na panahong pagkakaratay niya sa banig ng karamdaman buhat nang ma-stroke noong May 25, 2022.

Read: Veteran actress Angie Ferro, 86, dies

angie ferro death

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angie Ferro

Nagsimula ang acting career ni Angie noong 1969. Ito ay pumalaot sa pelikula, telebisyon, radyo, at stage.

Nanalo siyang best supporting actress sa 27th FAMAS noong 1979 sa pagganap sa Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak, ang pelikulang pinagbidahan ni Vilma Santos.

Sa edad na 82, itinanghal na best actress si Angie sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong 2019 at best actress sa 7th Urduja Heritage Film Awards noong 2020 para sa Lola Igna, na palabas pa rin sa Netflix hanggang sa kasalukuyan.

Huling napanood si Angie sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, kung saan nakasama niya rito si Joshua Garcia.

ANDREI SISON

Pausbong pa lang ang karera ni Andrei Sison sa showbiz, bilang miyembro ng Sparkle Teens, nang masangkot siya sa isang aksidenteng kumitil sa kanyang buhay.

Madaling-araw noong March 24, nang maaksidente ang sinasakyang lulan si Andrei.

Read: Sparkle Teens recall fondest memories with the late Andrei Sison

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di lingid sa kaalaman ng iba na nasa dugo ni Andrei ang pagiging artista dahil mula siya sa pamilya ng mga kinikilalang bituin sa showbiz industry,

Si Andrei ay apo ng seasoned balladeer na si Marco Sison.

Ang kanyang amang si Alain Marco Salvador ay dating miyembro ng That’s Entertainment.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrei Sison

Nagmula sa famous Salvador clan si Alain.

Ang ina ni Alain Marco ay si Tess Salvador, na kapatid nina Mina Aragon, Leroy Salvador, Chona Sandoval, Alona Alegre, Ross Rival, at Phillip Salvador.

Tiyo naman ni Andrei ang former actor-turned-director na si Ricky Rivero, na half-brother ng kanyang amang si Alain Marco.

Kamag-anak din ni Andrei si Jon Hernandez, ang aktor na binawian ng buhay noong November 7, 1993, dahil bumangga sa isang concrete obstruction sa NLEX ang sasakyang minamaneho.

Anak si Jon ng veteran actress na si Alicia Alonzo kay Ross Rival.

Magkapatid sa ama sina Jon at Maja Salvador dahil si Ross din ang ama ng 34-year-old actress.

May tatlong kapatid sa ama si Andrei kay Ana Marie Liza Lim, na nakarelasyon noon ni Alain.

Kapatid ni Ana Marie si Karla Estrada. Kaya lumaki si Andrei sa piling ng actress-TV host na itinuring siyang tunay na pamangkin.

Tunay na pinsan din ang trato sa kanya ng anak ni Karla na si Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JM CANLAS

Katulad ni Andrei, pumanaw rin sa murang edad si Jamile Matthew "JM" Canlas, noong August 3, 2023. Siya ay 17.

Si JM ang bunsong kapatid ng mga aktor na sina Elijah at Jerom Canlas.

Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17

Gaya ng kanyang mga kuya, kilala ring aktor si JM.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JM Canlas

Nagsimula siya bilang child actor. Kabilang siya sa cast ng Team Yey, ang children's show na napanood noon sa free-to-air channel ng ABS-CBN TVplus noong 2016.

Ilan pa sa acting credits ni JM ay ang indie movies na Kiko Boksingero (2017) at ANi (2019), at ang TV series na Unconditional (2020).

FILIPINO COMEDIANS

WILLIE NEPOMUCENO

Sumakabilang buhay ang iconic impersonator, stand-up comic, at satirist na si Willie Nepomuceno noong July 26. Siya ay 75.

Read: Legendary impersonator Willie Nepomuceno dies at 75

willie nepomuceno diesWillie Nepomuceno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Willie ay tanyag sa kanyang pag-i-impersonate sa political figures, partikular na ang mga dating Presidenteng Ferdinand Marcos, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Benigno "Noynoy" Aquino, at Rodrigo Duterte, at ang ilang kilalang showbiz personalities, kagaya ni Dolphy.

Bukod sa pag-i-impersonate ay kilala rin siya sa pag-release ng parody songs na may kinalaman sa politika. Itinuturing siyang kapwa aktibista ng mga aktibista ng '70s at '80s.

JUN URBANO

Pumanaw noong December 2, ang actor/director/writer/comedian na si Jun Urbano— o mas kilala bilang Mr. Shooli, ang karakter na nagpasikat sa kanya.

Sumakabilang buhay si Mr. Shooli sa edad na 84 dahil sa ruptured abdominal aortic aneurysm.

Read: Jun Urbano family, wala pang official statement sa pagpanaw ng showbiz icon

Naging iconic figure sa telebisyon si Mr. Shooli dahil sa kanyang programang Mongolian Barbecue noong late '80s.

Kilalang director at writer din siya ng lucrative TV commercials sa loob ng tatlong dekada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2020, napanood si Mr. Shooli sa defunct Kapamilya primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Nitong October 11, 2023, ginawaran pa siya ng UP College of Communication ng Gawad Plaridel.

Ngunit bago niya natanggap ang Gawad Plaridel, si Urbano ay pinagkalooban ng Dr. Jose R. Perez Memorial Award sa 71st FAMAS.

Ibinigay sa kanya ang Jose Perez Memorial Award sa
Manila Hotel noong Agosto 13, 2023, bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa Philippine entertainment industry bilang manunulat.

Jun UrdanoJun Urbano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOEY PARAS

Sa edad na 45, pumanaw ang actor-comedian na si Joey Paras, noong October 29.

Read: Joey Paras's last moments revealed; family asks help for hospital and funeral expenses

Si Joey ay produkto ng Tanghalang Pilipino at naging bahagi ng musical version ng Zsa Zsa Zaturnnah noong 2006 bago pumasok sa showbiz.

Dahil sa galing sa pag-arte at pagpapatawa, si Joey ay nagwaging Best Supporting Actor sa New Breed category ng 2013 Cinemalaya Independent Film Festival, para sa pagganap bilang cyber-scammer sa Babagwa (Spider’s Web).

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joey Paras

Nakasama rin si Joey sa cast ng Last Supper Number 3 (2009) na pinagbidahan ni JM de Guzman, at sa Bwakaw at Dance of the Steel Bars (2013).

Bahagi rin siya ng Momzillas (2013) na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Eugene Domingo.

Mas nakilala pa si Joey nang maging bida siya sa pelikulang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki noong 2013, sa direksyon ng namayapa na ring sought-after director na si Wenn Deramas.

JOGRAD DELA TORRE

Pumanaw ang beteranong komedyanteng si Jograd dela Torre, Geoffrey Quisel dela Torre sa totoong buhay, noong November 15, sa edad na 63.

Read: Singer-comedian Jograd dela Torre dies at 63

Unang nakilala si Jograd nang maging co-host siya nina Nora Aunor at German "Kuya Germs" Moreno sa musical-variety show na Superstar noong late '80s.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jograd dela Torre

Bumida si Jograd sa 1986 film na Okleng Tokleng, kung saan nakasama niya sina Aurora Sevilla, Panchito, Lou Veloso, at TV host-rapper na si Francis Magalona.

Naging bahagi rin siya ng mga pelikulang Working Girls (1984), Exploitation (1997), Kandungan (1995), Rambo Tango (1984), at Rocky Tan-Go (1986).

Bukod sa pagpapatawa, kilala rin si Jograd bilang singer. Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay ang "Kawatan."

filipino SINGERS

KOKOI BALDO

December 8 nang pumanaw ang Filipino reggae singer na si Kokoi Baldo, sa edad na 44, matapos niyang maaksidente sa motorsiklo.

Read: The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo dies in road accident

Si Kokoi ay unang nakilala nang sumali siya sa The Voice of the Philippines Season 2 noong 2014. Nag-viral ang kanyang appearance, naging miyembro siya ng Team Sarah, at siya ay naging finalist.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kokoi Baldo

YOHANCE LEVI BUIE

Nobyembre 10 nang masawi angThe Voice Kids Philippines Season 3 contestant na si Yohance Levi Buie. Siya ay 17.

Read: The Voice Kids Season 3 contestant Yohance Levi Buie dies at 17

Si Yohance ay contract star ng Virtual Playground, na napanood sa pelikulang Day Zero ng Reality MM Studios, at sa BL series na The Day I Loved You ng Regal Entertainment Inc.

Sampung taon si Yohance nang maging miyembro siya ng Team Sharon Cuneta nang sumali siya sa The Voice Kids noong 2016.

YOHANCE LEVI BUIE

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yohance Levi Buie

FILIPINO BROADCASTERS/NOVELIST

MIKE ENRIQUEZ

Nagulantang ang media industry sa biglaang pagpanaw ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez noong August 29, sa edad na 71.

Ang kanyang pagpanaw ay maramdaming ibinalita ng kinabibilangang primetime news program sa GMA-7, ang 24 Oras.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

Naulila ni Mike ang kanyang asawa na si Lizabeth "Baby" Yumping.

mike enriquez deathMike Enriquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang broadcasting career ni Mike bilang staff announcer sa Manila Broadcasting Company (MBC) noong 1969.

Mula noon ay nasubukan niyang magtrabaho sa iba't ibang posisyon sa radyo—bilang broadcast reporter, news editor, program director, station manager.

Bukod sa MBC, nagtrabaho rin siya sa Freedom Broadcasting Radio Network at Radio Mindanao Network (RMN), kung saan siya naging vice-president.

Pagkatapos niyang iwan ang RMN noong 1994, lumipat si Mike sa GMA Network upang pamunuan ang radio station nito, ang DZBB.

Nang sumunod na taon, 1995, nakumbinsi si Mike na maging on-cam anchor para sa coverage ng 1995 national elections.

Naging anchor na siya ng mga news programs ng GMA-7, gaya ng Saksi, GMA Network News, at 24 Oras.

Bukod sa kanyang distinct na boses, lalong nakilala si Mike dahil sa kanyang mga linyang "Excuse me po" (kapag nauubo siya sa kalagitnaan ng pagbabalita) at "Hindi namin kayo tatantanan."

MARIO DUMAUAL

Pumanaw ang TV Patrol Star Patroller na si Mario Dumaual noong July 5, sa edad na 64.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian siya ng buhay isang buwan matapos maratay sa Philippine Heart Center mula June 5 dahil sa karamdaman sa puso.

Read: Veteran ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual dies at 64

Naulila ni Mario ang asawang si Cherie at ang kanilang apat na anak.

Industry colleagues reaction on Mario Dumaual's deathMario Dumaual

Nag-umpisa ang entertainment writing career ni Mario sa Journal Group of Companies noong 1982.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang kanyang TV career bilang entertainment reporter ng ABS-CBN News noong 1987, at tumagal ito hanggang sa kanyang pagpanaw.

Sa 5th EDDYS Awards na ginanap sa Metropolitan Theater noong November 26, 2022, si Mario ang ginawaran ng Joe Quirino Award bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa entertainment industry.

Read: ABS-CBN News reporter Mario Dumaual, malaki ang pasasalamat sa Kapamilya network

Kabilang din si Mario sa pinarangalan ng bituin sa Eastwood City Walk of Fame noong January 18, 2023.

LUALHATI BAUTISTA

Pumanaw sa edad na 77 ang manunulat, nobelista, at aktibistang si Lualhati Bautista sa mismong bahay niya sa Quezon City, noong February 12.

Sa husay na pagsusulat kinilala ang nga premyadong akda niyang GAPÔ (1980), Dekada '70 (1983) at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1984) sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Read: Vilma Santos, Leni Robredo nagbigay-pugay kay Lualhati Bautista

Bilang isang screenwriter umani rin ng papuri at pagkilala si Bautista para sa kanyang obrang Bulaklak ng City Jail (1984), na isinalin sa pelikula at pinagbidahan ng ngayo'y National Artist na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanalo siya ng Best Screenplay sa 1984 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Taong 2020, isa rin ang beteranang nobelista sa ginawaran ng CCP Gawad Para sa Sining.

LUALHATI BAUTISTALualhati Bautista

FILIPINO SOCIAL MEDIA PERSONALITIES

SAMMY MANESE

Sa murang edad na 17, sumakabilang buhay ang content creator na si Sammy Manese noong November 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Content creator Sammy Manese dies at 17

Ayon sa pamilyang naulila ni Sammy, acute respiratory failure ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nakilala si Sammy dahil sa kaniyang pagsayaw at mga kuwelang videos sa TikTok at YouTube.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

Sammy Manese

SEAN LESTER BELTRAN

Katulad ni Sammy, sa murang edad na 21, sumakabilang-buhay ang content creator na si Sean Lester Beltran, noong August 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sean ay nakilala sa social media dahil sa kanyang inspirational posts matapos siyang ma-diagnose na may bone cancer.

Read: Cancer-stricken content creator Sean Lester Beltran dies at 21

Taong 2021 nang malaman ni Sean na mayroon siyang cancer sa buto. Stage 4 na ang kundisyon ng karamdaman ni Sean nang malaman niya ito, ayon sa resulta ng kanyang biopsy.

Ngunit imbes na panghinaan ng loob, hindi nagpatalo si Sean sa karamdaman at bagkus ay ginamit ang kalagayan para maghatid ng inspirasyon sa tao sa pamamagitan ng TikTok.

Umabot ng milyon ang views ni Sean at marami ang humanga sa katapangan na ipinamalas nito sa kabila ng matinding karamdaman.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sean Lester Beltran

filipino POLITICIANS/SPORTS PERSONALITIES

BAYANI FERNANDO

Binawian ng buhay ang dating alkalde at kongresista ng Marikina City at dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Bayani Fernando noong September 22, sa edad na 77.

Read: Former Marikina Mayor and MMDA Chairman Bayani Fernando dies at 77

Nagsilbing chairman ng Metropolitan Manila Development Authority si Fernando mula 2002 - 2009.

Bukod sa pagiging MMDA chairman, nagsilbi ring mayor ng Marikina City si Fernando mula 1992 hanggang 2001.

Naging kinatawan din siya ng First District ng Marikina mula 2016 - 2022.

Sandali rin siyang nagsilbi bilang secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula January 15, 2003 - April 15, 2003 sa ilalim ng administrasyon ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Bayani Fernando dies at 77Bayani Fernando

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EDWARD HAGEDORN

Sumakabilang-buhay naman ang dating Palawan Third District Representative at Puerto Princesa Mayor na si Edward Hagedorn noong October 3, dahil sa sakit na pancreatic cancer. Siya ay 76.

Read: Palawan Congressman and former Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn dies at 76

Nakilala si Hagedorn bilang public servant at sa high-profile presence nito sa media.

Naging bahagi siya ng movie industry nang isalin sa pelikula ang kuwento ng kanyang buhay. Ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang gumanap na Edward Hagedorn, sa pelikulang may pamagat na Hagedorn, na ipinalabas sa sinehan noong May 16, 1996.

Nang sumunod na taon, si Ricky Davao naman ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Hagedorn sa Puerto Princesa, ang pelikulang napanood sa sinehan noong June 1997.

EDWARD HAGEDORN

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Edward Hagedorn

MARTIN DIÑO

Pumanaw si former Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño noong August 8, matapos ang pakikipaglaban niya sa stage 4 cancer.

Siya ay 66. Ang kanyang pagkamatay niya ay kinumpirma ng kanyang anak na si Liza Diño, asawa ng singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Read: Ice Seguerra pays tribute to late father-in-law former DILG Usec. Martin Diño

Si Martin Diño ay nanungkulan bilang DILG undersecretary sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duerte.

Bago ito ay naging chairman siya ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Noong 2016 elections ay nag-file ng last-minute certificate of candidacy si Diño for president pero umatras siya para magbigay-daan sa pagsali ni Duterte sa presidential race.

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Martin Diño

RODOLFO BIAZON

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong June 12, sumakabilang buhay ang dating senador at Armed Forces chief of staff na si Rodolfo Biazon. Siya ay 88.

Nangyari ito mahigit sampung buwan matapos niyang ma-diagnose na may stage 2 lung cancer.

Kuwento noon ng isa sa anak ng dating senador, na si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, pabalik-balik na ng ospital ang kanilang ama para sa treatment na may maganda namang epekto sa ama, hanggang sa bigla siyang magka-pneumonia.

Mahigit tatlong dekadang nagsilbi sa bayan bilang sundalo si Biazon, na produkto ng Philippine Military Academy Class of 1961 at sinundan ng pagiging senador noong 1992 - 1995, at noong 1998.

RODOLFO BIAZONRodolfo Biazon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COACH NAVI

Ipinagluksa naman ngayong taon ng sports industry ang biglaang pagpanaw ng dating professional Mobile Legends: Bang Bang player at RSG Ignite coach na si Ivan Emmanuel Gancho o mas kilala bilang Coach Navi.

Si Coach Navi ay sumakabilang-buhay noong April 24, sa edad na 24.

Read: Mobile Legends player, RSG Ignite coach Navi dies at 24

Sa pahayag ng pamilyang ni Coach Navi, sinabi nila na fatal arrythmia ang naging sanhi ng kamatayan ng dating ML player.

Ayon sa Mayo clinic, ang fatal arrythmia ay isang kundisyon kung saan nakararanas ng hindi regular na pagtibok ng puso ang isang tao.

Nangyayari ito kapag ang electrical signals ng puso ay hindi dumadaloy nang tama.

Bago maging coach ng RSG Ignite, unang nakilala si Navi bilang player ng Mobile Legends: Bang Bang professional scene sa MPL Season 4.

Dito ay nakasama niya ang SEA Games gold medalist na sina Karl “KarlTzy” Nepomuceno at Jiane “Kenji” Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

 Celebrities and personalities who left us in 2023

Coach Navi

SAMBOY LIM

Ilang araw bago tuluyang matapos ang 2023, pumanaw ang beteranong basketbolistang si Avelino "Samboy" Lim Jr., noong December 23. Siya ay 61.

Read: PBA grieves passing of "true icon" Samboy Lim; tributes pour for basketball legend

Nakilala si Samboy dahil sa pambihira niyang gilas sa larong basketball, hanggang sa maging alamat at bansagan siyang "Skywalker," dahil sa kakaibang estilo niya sa paglalaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 1986 nang sumali si Samboy sa San Miguel Beermen, ang tanging team na kanyang sinalihan sa loob ng ilang dekada niyang karera.

Ilang kampyonato na rin ang naipanalo ni Samboy dahil niya sa basketball dahilan para kilalanin siyang isa sa 25 Greatest Players ng PBA.

Ngunit dahil sa tinamong sunud-sunod na injury sa paglalaro, napilitang magretiro sa professional league si Samboy noong 1997.

Hanggang noong November 2014, nag-collapse si Samboy habang nag-e-ensayo sa exhibition game. Enero 2015, naka-recover pa siya mula sa pagka-comatose.

Read: PBA legend Samboy Lim remains in ICU after collapse from exhibition game; next 48 hours critical

 Celebrities and personalities who left us in 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samboy Lim

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor John Regala, entertainment reporter Mario Dumaual, veteran actor Ronaldo Valdez, veteran broadcaster Mike Enriquez, actor Robert Arevalo, and comedian Joey Paras (L-R) are some of the celebrities who passed away in 2023.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results