PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2023 Celebrity Breakups Summary

2023 will be remembered as the year KathNiel broke up.
by Arniel C. Serato
Published Dec 29, 2023
Celebrity breakups of 2023
The KathNiel breakup shocked local showbiz in 2023. Following them are KimXi who also both passed one decade of relationship. Netizens were also unhappy about LizQuen breaking up and the Richard Gutierrez and Sarah Lahbati separation. Of these couples, the last are married.
PHOTO/S: File
ILLUSTRATION: Igi Talao

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga linyahan ng netizens na nakapansin sa nakakalungkot na hiwalayan ng ilang matagal nang magkarelasyon sa showbiz ngayong 2023:

"Kung hindi uukol, hindi bubukol."

"Walang forever."

"Yung mga ikinasal nga naghihiwalay, yung magkarelasyon pa lang, lalo na siguro."

Lagpas dekada na ang relasyon ng ibang showbiz couples na ito, ngunit nauwi rin sa wala, at ang isa ay kasal na.

Bukod sa makulay ang mundo ng entertainment, may mga kaakibat ding lungkot itong dala.

Narito ang pinag-usapang showbiz breakups ngayong 2023:

KATHNIEL (11 years)

PEP Yearender 2023: Showbiz breakups

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 30, 2023, tinuldukan ni Kathryn Bernardo ang ilang buwan nang usap-usapang hiwalay na sila ni Daniel Padilla.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Lagpas sa labing-isang taon ang relasyon nila na nagsimula noon pang 2011 nang magsama ang dalawa sa proyektong Growing Up, isang teen-drama series na pinagbidahan ni Kathryn kasama ni Julia Montes.

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel ay si Andrea Brillantes, na personal umanong nakipagkita kay Kathryn upang ibunyag ang kanilang naging ugnayan ni Daniel.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Marami ang nanghinayang sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel—kabilang na ang PEP Staff, na tila sabay na nagkaedad sa pagyabong ng KathNiel.

Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup

May mga umaasa pa ring magkabalikan ang dalawa dahil hindi naman nila in-unfollow ang isa't isa sa Instagram at minsan ay nagkakasama pa rin sa ilang public appearances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

KIMXI (11 years)

PEP Yearender 2023: Showbiz breakups

Nabuo ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim—mas kilala sa tawag na KimXi—nang ipareha sila sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl noong 2011.

Dito rin sila nagsimulang ma-link romantically.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Xian Lim reveals how he pursued Kim Chiu despite being discouraged by others

Sa loob ng maraming taon at sa kabila ng di mamatay-matay na isyung may namamagitan sa kanila, walang direktang pag-amin sina Kim at Xian sa tunay na estado ng relasyon nila.

Inamin lamang ni Kim ang relasyon nila ni Xian noong November 2018 sa Tonight With Boy Abunda, ang defunct showbiz talk show ng ABS-CBN.

Read: Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim

Ngunit ilang buwan ding pahulaan sa netizens dahil nitong taong 2023, bibihirang mag-post na magkasama ang dalawa.

Hindi na rin sila nagta-travel together.

Read: Netizens ask Kim Chiu: "Are you and Xian still together?"

Hanggang sa hindi na natiis ni Kim ang pananahimik at binasag niya ang kanyang katahimikan nitong nakaraang December 23, 2023.

“End of a love story,” bungad ng It’s Showtime host. “It took me a while to say this until today.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagdetalye si Kim kung ano ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay, pero sinabi niyang “sometimes love is not enough.”

Mutual decision daw ang paghihiwalay nila ni Xian.

Read: Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.”

Sinundan naman ito ng mensahe ng pasasalamat ni Xian sa naging partner niya sa loob ng lagpas labing-isang taon (11 years).

Read: Xian Lim posts breakup message for Kim Chiu

LIZQUEN (5 YEARS)

PEP YEARENDER 2023: Showbiz breakups

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimulang maipareha sa hit teleseryeng Forevermore sina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2014, na mabilis ding nakilala bilang LizQuen.

Mula noon ay marami ang nagsasabing nagkakamabutihan na ang dalawa.

Noong February 10, 2019, sa guest appearance ng dalawa sa Gandang Gabi, Vice!, inamin ni Enrique na sila na ni Liza ng huling dalawang taon.

Read: The LizQuen love story: from reel to real

Umabot sa limang taon ang relasyon ng dalawa, na diumano'y tinapos nila noon pag October 2022.

Hindi man masasabing sa taong ito, 2023, sila naghiwalay pero ngayon lamang naisapublikong wala na sila.

Marami kasi ang nanghihinayang sa kanilang relasyong inakala ng marami ay mauuwi talaga sa "forevermore."

Read: Liza Soberano inaming break na sila ni Enrique Gil sa isang unreleased interview

Matagal nang napapabalitang hiwalay ang LizQuen, pero walang inaamin ang magkabilang-panig sa publiko.

Hanggang sa mahalukay ng PEP.ph ang isang itinagong interview kung saan sinabing wala na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano, walang birthday greeting kay Enrique Gil; break na ba sila?

RICHARD-SARAH (8 years)

PEP YEARENDER 2023: Showbiz breakups

Unang nagkasama sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa GMA-7 primetime series na Makapiling Kang Muli noong 2012.

Habang umeere ang Makapiling Kang Muli ay tuluy-tuloy ang mga alingasngas na nagkakamabutihan na ang co-stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man sila agad umaamin ay marami silang iniiwang clues.

Read: Sarah Lahbati and Richard Gutierrez enjoying alone time in London

Sa panayam kay Sarah sa StarTalk noong August 2012, tahasang tinanong si Sarah kung sila na ba ni Richard. Hindi siya sumagot nang diretso.

"There’s a right time for us to ano, para sabihin yung kung anuman yun. Pero right now, I’m not confirming anything and I’m not denying anything,” sabi niya.

Nang matapos naman ang kanilang teleserye noong September 2012 ay agad silang lumipad para sa isang romantic trip sa Switzerland at France. Sa Switzerland lumaki si Sarah.

At noong October 2012 ay tinuldukan na ni Richard ang mga espekulasyon, at inamin ang totoo. Aniya, naging opisyal silang mag-on bago matapos ang Makapiling Kang Muli.

Kuwento ng aktor, naging masaya raw ang biyahe niya abroad dahil masaya kasama ang kanyang iniirog.

Read: Sarah Lahbati, Richard Gutierrez moving forward with wedding plans

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 2013 ay nagkaproblema ang career ni Sarah dahil nagkaisyu ang kanyang kontrata sa GMA-7.

Dahil dito, ipinahayag niyang uuwi muna siya sa Switzerland at iiwan ang showbiz career. Itutuloy na lang umano niya ang pag-aaral.

Ngunit marami ang hindi kumbinsido sa rasong binigay ni Sarah, at may bali-balitang buntis umano ang young aktres kaya’t magtatago muna abroad.

Matagal-tagal din bago lumabas ang totoo.

Noong June 2014—o labinwalong buwan matapos lumabas ang tsismis—kinumpirma ng aktor na may anak na sila. Sinabi niya ito sa first episode ng reality show ng kanyang pamilya na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion

Ikinasal sila noong March 14, 2020, isang araw bago ng lockdown sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Read: The story behind Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's intimate wedding

Huling bahagi ng taong 2023, may lumabas na alingasngas na hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa ibinunyag ni Annabelle Rama, ina ni Richard, na sa kanya na umuuwi ang anak.

May binanggit rin siyang "nagwawaldas" umano ng pera ni Richard na kalaunan ay ipinahiwatig na si Sarah.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

Marami ang nanghinayang sa relasyon ng dalawa na nauwi na ngayon sa co-parenting status.

Limang taon silang mag-boyfriend-girlfriend, at tatlong taong mag-asawa.

May dalawa silang anak na lalaki: sina Zion at Kai.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline

ANDREA-RICCI (1 year)

PEP YEARENDER 2023: Showbiz breakups

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ng basketball player-actor na si Ricci Rivero na break na sila ng Kapamilya actress-influencer na si Andrea Brillantes matapos silang magdiwang ng kanilang unang anibersaryo.

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Ilang linggo nang usap-usapan sa social media na tinapos na nina Ricci at Andrea ang kanilang relasyon noong nakaraang Mayo 2023.

Noong madaling-araw ng June 9, 2023, binasag ni Ricci ang kanyang katahimikan sa estado ng relasyon nila ni Andrea sa isang statement na ibinahagi niya sa X (dating Twitter).

Bagamat wala siyang binanggit na pangalan, o hindi niya direktang tinukoy ang isyu, malinaw na ito ay patungkol sa breakup nila ng aktres.

Inaako raw ni Ricci ang pagkakamaling huwag isapubliko ang estado ng kanyang relasyon dahil naramdaman niyang hindi na kailangang dagdagan pa kung ano ang pinagdadaanan nila.

Nakiusap ang basketball star na irespeto ang kanilang desisyong manahimik upang ipreserba kung anuman ang natitira sa kanilang "friendship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes

Ngunit lumabas na hindi maganda ang hiwalayan ng dalawa dahil naglabasan sila ng dirty linen sa publiko.

Damay pa sa isyu si Los Baños Laguna councilor Leren Mae Bautista.

Pero pinabulaanan ni Leren na siya ang third party sa hiwalayan.

Read: Beauty queen-councilor Leren Mae Bautista denies involvement in Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup

Sa ngayon, natuloy ang relasyon nina Ricci at Leren, samantalang nananatiling single si Andrea.

Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista

OTHER CELEBRITY BREAKUPS

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang showbiz couples na napabalitang naghiwalay ngayong 2023 ay sina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Yasser Marta at Kate Valdez.

Gayundin ang breakup nina Yassi Pressman at Jon Semira, Erika Poturnak at Kobe Paras, Tessa Prieto at Angel Chua, Janine Gutierrez at Paulo Avelino, at Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP YEARENDER 2022: Tom-Carla, Moira-Jason, Chiz-Heart, Sunshine-Macky, Markus-Janella, other celebrity breakups that shocked showbiz in 2022

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The KathNiel breakup shocked local showbiz in 2023. Following them are KimXi who also both passed one decade of relationship. Netizens were also unhappy about LizQuen breaking up and the Richard Gutierrez and Sarah Lahbati separation. Of these couples, the last are married.
PHOTO/S: File
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results