Sa Gabi ng Parangal para sa 49th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF), bigating celebrity stars ang nagsama-sama ngayong Miyerkules, December 27, 2023.
Read: Naibalik na nga ba ng MMFF 2023 ang sigla ng mga sinehan?
Ginanap ito sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
At bago nagsimula ang program proper para sa pagkilala sa husay na ipinamalas ng sampung pelikulang kalahok, ay nagningning muna ang red carpet.
THE SOLO STARS
Enchong Dee
Isa sa mga early birds ay ang aktor na si Enchong Dee, na kabilang sa Pepe Diokno film na GOMBURZA.

Matteo GuidIcElli
Pinoy na Pinoy ang gayak ni Matteo Guidicelli, ang bida ng Penduko ni Direktor Jason Paul Laxamana.
Watch: Matteo Guidicelli shows interesting art pieces and posters inside G Studios

Alden Richards
In a suit, nangibabaw ang kaguwapuhan ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards na solong naglakad sa red carpet ng MMFF 2023 Gabi ng Parangal.
Si Alden ang isa sa bida sa Family of Two (A Mother and Son's Story), kasama si Sharon Cuneta.
Read: Alden Richards turns the page after losing millions to scam; ventures into Stardust restobar

Teejay Marquez
Dazzling in a black and white suit naman, na may di karaniwang skirt feature, nang dumating sa venue ang aktor na si Teejay Marquez, na kasama sa film na Broken Hearts Trip sa direksyon ni Lemuel Lorca.

Eugene Domingo
Solo ring naglakad sa red carpet ang all-glammed up TV host-comedienne na si Eugene Domingo.
Si Eugene ang isa sa mga bida sa Jun Lana comedy film na Becky and Badette kasama ang kapwa niya komedyanteng si Pokwang.

THE CELEB COUPLES
Marian Rivera and Dingdong Dantes (DongYan)
Hindi pinalampas ng Kapuso real-life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang makapaglakad sa red carpet ng MMFF 2023 Gabi ng Parangal.
Sina Dingdong at Marian ang bida sa Mae Cruz-Alviar film na Rewind.
Read: MMFF entry Rewind, doble ang kita sa second day--source

Cassy Legaspi and Darren Espanto (CassRen)
Tiyak na kilig ang hatid sa mga tagahanga ang sabay na pagdating at paglalakad ng When I Met You In Tokyo stars na sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Ysabel Ortega and Miguel Tanfelix (YsaGuel)
Terno in a white dress at white suit naman ang Kapuso stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, na kasama sa Zig Dulay film na Firefly.

Alessandra de Rosi and Piolo Pascual
Sanib-puwersa sina Alessandra de Rosi at Piolo Pascual.
Ito’y kahit na iba ang pinagbibidahan nilang pelikula.
Si Alessandra ang bida sa Zig Dulay film na Firefly, habang si Piolo naman ang bida sa Roderick Cabrido film na Mallari.

RELATED ARTICLES:
- Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
- MMFF entry Rewind, doble ang kita sa second day--source
- Director Chito Roño, actress Lorna Tolentino lead MMFF 2023 Board of Jurors
- Eugene Domingo at Pokwang emosyunal nang makasabay sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa first day ng MMFF 2023
- Sarah Geronimo, all-out support sa MMFF 2023 entry ni Matteo Guidicelli
