May pasaring si Senator Sherwin Gatchalian sa mga netizens na patuloy inuusyoso ang relasyon nila ng long-time girlfriend na si Bianca Manalo.
Ito'y kasunod ng pagkakasangkot ni Bianca sa isyu ng diumano'y pangangaliwa ni Rob Gomez, ang co-star ng beauty queen-actress sa defunct GMA afternoon series na Magandang Dilag.
Sa Instagram nitong Martes, December 26, 2023, nagpost ang senador ng litrato ng baso ng whiskey, kalakip ang caption na patama sa mga ayaw tumigil mangialam.
Ang maikling caption ng senador (published as is): "Cheers to the bashers, bitters, negas at mariteses...
"Ang anghang ng chicharon."
Sa comments section ng post ay mabilis namang nag-reply si Bianca ng tumatawang emoji.
SENATOR SHERWIN BELIEVES IN BIANCA
Noong umaga ng Sabado, December 23, unang naglabas ng pahayag ang senador ukol sa isyu ng nobya.
Ipinost ni Senator Sherwin sa Instagram ang Christmas gifts na natanggap niya mula sa kaibigang si Senator Sonny Angara at asawa nitong si Tootsy Angara.
Dalawa itong picture frames na naglalaman ng sweet photos nina Sherwin at Bianca.
Sa caption, idineklara ni Sherwin ang pagpanig sa nobya, at binansagang “fake news” ang sabi-sabing may lihim na relasyon ang kasintahan nito kay Rob.
Buong caption ni Sherwin: “What a beautiful Christmas gift from @tootsyangra and @sonnyangra. @biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart.”
Read: Senator Sherwin Gatchalian on Bianca Manalo: "No fake news will divide us apart.”
Nasundan pa ito noong December 25, nang ihayag naman niya ang pagmamahal kay Bianca, at sinabi ring mananatili siya sa tabi ng aktres anuman ang mangyari.
Sa sarili niyang mga salita sa Instagram: "Merry Christmas to everyone! To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you - I will always be by your side."
THE CONTROVERSIAL MESSAGES
Nagsimula ang lahat noong December 19, nang pagpiyestahan sa social media ang screenshot ng diumano'y private messages ni Bianca kay Rob.
Lumabas ito sa mismong Instagram account ni Rob.
Batay sa screenshot, tinatanong ni Bianca si Rob tungkol sa pagkikita nila bandang "7am" sa "bgc" bago umalis si Bianca ng "10am."
May kasunod na mensahe si Bianca na, "He's not here. He's in Valenzuela."
At tinatayang tinutukoy niyang "he" ay ang senador na taga-Valenzuela.
Mapapansing walang reply si Rob sa messages, kaya ang sapantaha ng ilang mapanuring netizens ay edited ito.
Nang mag-viral ang screenshot, nagsimula ang ispekulasyon sa social media tungkol sa lihim na pagtatagpo nina Bianca at Rob.
Read: Shaila Rebortera posibleng kasuhan dahil sa pagpu-post ng mga pribadong mensahe ni Rob Gomez
Agad nilinaw ng aktor na si Shaila Rebortera, ang ina ng anak niya, ang nag-post ng mga screenshots sa Instagram nang walang pahintulot.
Read: Rob Gomez issues statement over unauthorized postings on his Instagram account
Sangkot din sa isyu ang Magandang Dilag leading lady ni Rob na si Herlene Budol, na may hiwalay na text exchange kay Rob.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
BIANCA DENIES ACCUSATION
Noong December 22, naglabas ng official statement si Bianca para pabulaanan ang haka-hakang may relasyon sila ni Rob.
Ipinost ni Bianca ang kanyang statement via Instagram, habang siya ay nakabakasyon sa Tokyo, Japan, kasama ang pamilya.
Read: Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez
Ayon kay Bianca, in-edit ang pag-uusap nila ni Rob para mag-iba ang konteksto at mabahiran ng malisya ang messages nito.
Mababasa sa post ng aktres: “Let me clear all the false rumors circulating on the internet.
“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.
“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.
"It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones.”
Kalakip nito ang pakiusap ni Bianca na itigil na ang pagpapakalat ng kuwentong hindi totoo.
Aniya, “Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.
“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone.”
Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez
