PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar Mercado rooting for TV comeback of Willie Revillame's show

"Ang laki ng naitulong niyan sa akin."
by Julie E. Bonifacio
Published Dec 26, 2023
Sugar Mercado
Sugar Mercado hopes that Willie Revillame's show will be aired on free TV in 2024.
PHOTO/S: @sugarmercado7 on Instagram

Walong taon nang hiwalay si Sugar Mercado sa mister na si Kristofer Jay Go.

Naayos na rin ang masalimuot na legal battle nila noong 2019.

Matatandaang nagsampa ng reklamo ang dating SexBomb dancer kay Kristofer noong 2015 dahil sa paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act simula 2010.

Read: Sugar Mercado gives update on legal battle with ex-husband

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ngayong 2023, kinumpirma ni Sugar na annulled na rin ang kasal nila, at naka-move on na kanyang ex-husband na ang bagong karelasyon ay isa ring Chinese.

Sa kaso ni Sugar, marami raw nanliligaw sa kanya, pero wala raw sa isip niya ang pumasok sa isang relationship.

Choice niya munang maging single.

"Hindi ko kayang pagsabayin ang love and work. Pag na-in love kasi ako super tutok ako. Hindi ko maasikaso ang business ko," sabi ni Sugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sugar Mercado declares loyalty and support for TVJ, Willie Revillame

SUGAR MERCADO ON WILLIE REVILLAME

Nakilala nang husto si Sugar bilang isa sa SexBomb Dancers.

Read: How the SexBomb Girls raised a "Laban" generation

Naging isa rin siyang co-hosts sa programa ni Willie Revillame na Wowowin.

Nami-miss ba niyang makatrabaho ang dati ay na-link sa kanya na si Willie Revillame?

"Siyempre, oo," ngiti ni Sugar.

"Ang laki ng naitulong niyan sa akin. Isa iyan sa aking pinasaaalamatan. Isa si Kuya Will sa mga tumulong sa akin nung nangangailangan talaga ako.

"Kaya sana, please, matuloy na ang programa niya dahil ang dami niyang natutulungan na mga tao.

"Hindi lang ako, si Donita and Tekla, si Hipon, si Boobsie [Wonderland]. Saksi po ako sa mga natulungan niya."

Incidentally, ongoing ulit ang game show ni Willlie na ipinapalabas sa Facebook at YouTube.

Matapos kasing nag-terminate ng kontrata ang host sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) noong April 2023, nagkaroon siya ng exploratory talks sa PTV4 at IBC13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may balil-balitang babalik na sa free TV ang Wowowin sa mismong birthday ni Willie sa January 27, 2024.

"Good for him," matipid na sagot ni Sugar.

Ano ang mensahe niya para kay Willie?

"Ano, good health, long life, and tuluy-tuloy yung pagtulong niya sa kapwa. Yun naman ang ano niya, kaya mahal namin siya.

"Sarili niyang pera, kahit nung pandemya, ang ginagamit niya sa pagtulong sa mga tao.

"Kaya saludo takaga ako sa yo, Kuya Will. We miss you and we love you, Kuya Will," pagtatapos ni Sugar.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado hopes that Willie Revillame's show will be aired on free TV in 2024.
PHOTO/S: @sugarmercado7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results