Tumangging magbigay ng komento si Senator Sherwin Gatchalian sa isyung kinasasangkutan ng longtime girlfriend niya, ang beauty-queen-turned-actress na si Bianca Manalo.
May kaugnayan ang isyu sa umano'y lihim na pakikipagkita ni Bianca kay Rob Gomez, ang co-star ng aktres sa Magandang Dilag, ang defunct GMA afternoon series.
Sa naganap na Zoom press briefing ng 2024 national budget and the West Philippine Sea, nitong Biyernes, December 22, 2023, hiningan ng reaksiyon ng senate media si Sherwin tungkol sa isyu.
Read: Bianca Manalo at Sen. Sherwin Gatchalian, may plano nang magpakasal?
"If you want to comment lang, Sir, doon sa Bianca Manalo issue," tanong ng isang reporter sa senador.
Nakangiti pero maiksing sagot ni Sherwin, "No comment."
THE CONTROVERSIAL MESSAGES
Noong December 19, 2023, pinagpiyestahan sa social media ang screenshots ng diumano'y private messages ni Bianca kay Rob.
Batay sa screenshot, tinanong ni Bianca si Rob tungkol sa usapan nilang magkita bandang "7am" sa "bgc" bago umalis si Bianca ng "10am."
May kasunod na mensahe si Bianca na "He's not here. He's in Valenzuela."
Nang mag-viral ang screenshot, naging tampok ng espekulasyon sa social media kung nagkikita raw ba ng lihim sina Bianca at Rob.
Nagkataon namang si Sherwin ay kilalang taga-Valenzuela kaya hinala ng netizens ay siya ang tinukoy ni Bianca sa mensahe nito kay Rob.
Kapansin-pansin namang walang reply sa screenshot ng sinasabing message ni Bianca kay Rob, kaya may iba ring nagsasabing tila edited ito para madiin si Bianca.
Read: Shaila Rebortera posibleng kasuhan dahil sa pagpu-post ng mga pribadong mensahe ni Rob Gomez
Lumabas ang screenshot sa mismong Instagram account ni Rob.
Nilinaw naman ng aktor na ang ina ng anak niya na si Shaila Rebortera ang nag-post sa kanyang IG nang walang pahintulot.
Read: Rob Gomez issues statement over unauthorized postings on his Instagram account
Sangkot din sa isyu ang Magandang Dilag leading lady ni Rob na si Herlene Budol, na may hiwalay na exchange of messages kay Rob.
Read: Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez
BIANCA DENIES ACCUSATION
Bago pa maganap ang Zoom interview ni Sen. Gatchalian ay naglabas ng paglilinaw si Biancahinggil sa isyu.
Ipinost ni Bianca ang kanyang official statement via Instagram, habang siya ay nakabakasyon sa Tokyo, Japan kasama ang kanyang pamilya.
Read: Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bianca na walang katotohanan ang bintang na may ugnayan sila ni Rob.
Sinabi rin niyang sinadyang i-edit ang pag-uusap nila ni Rob para mag-iba ang konteksto at mabahiran ito ng malisya.
Mababasa sa post ng aktres, “Let me clear all the false rumors circulating on the internet.
“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.
“It is upsetting that our conversation were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.
"It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones.”
Kalakip nito ang pakiusap ni Bianca na itigil na ang paggagawa ng kuwento, maging ang pagpapakalat ng hindi totoo.
Aniya, “Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.
“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone.”
Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez
RELATED STORIES:
- Pagkakadawit ni Bianca Manalo sa isyu ni Rob Gomez, makaapekto kaya sa relasyon nila ni Sen. Win Gatchalian?
- Wilbert Tolentino defends Herlene Budol amid controversy involving Rob Gomez
- Pagkalat ng private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo, ibinibintang kay Shaila Rebortera
- Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera
