Nakahanap na ng bagong pag-ibig ang aktor na si Andrew Schimmer isang taon matapos pumanaw ang dating partner nitong si Jho Rovero.
Pumanaw si Jho dahil sa iba’t ibang kumplikasyon noong December 20, 2022.
Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies
Sa kanyang Facebook ngayong araw, December 22, 2023, may girlfriend reveal na ginawa si Andrew.
Base sa kanyang post, ang bagong karelasyon ang bumuo muli sa kanyang katauhan.
Hinaplos at inalis daw nito ang lahat ng sakit na kanyang naramdaman at dahilan upang muli niyang mahalin ang mundo.
Saad ni Andrew, "I never thought this day would come...
“You restored me... Slowly put me back together.
“You took away all the pain...and gave me something,
“That made me love the world again.”
Ayon pa kay Andrew, nasa gitna siya ng unos bago dumating sa buhay niya ang babaeng kasama niya sa litrato.
At mula noon, nanumbalik muli ang kanyang sigla at muling nagliwanag ang kanyang mundo.
Aniya, “I was in total chaos and darkness before you found me...
“You brought back the strength in my heart,
“And lightened up my darkness from within...”
Alam din daw ni Andrew na baka sa tingin ng iba ay masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari.
Pero, ipinangako niyang siya na ang gustuhin niyang makasama habang buhay.
Pagtatapos niya, “I know for some people this is too rush,
“But if you will allow me...
“I want to spend the rest of my life with you...
“Loving you and taking care of you and our children is now my next mission in life.
“You gave me something really really great... 'HOPE.'"
Hindi sinabi ni Andrew ang tunay na pangalan ng babae, pero may ilang post siya na repost mula sa account ng isang “Dimps M Greenvilla.”
Sa nasabi ring account, may makikitang nakalagay sa about the owner of the account na “In a relationship with John Andrew Schimmer.”

Bago pa lang ang relasyon ni Andrew at ni Dimps.
Nito lamang December 18, may Facebook post si Dimps na may greeting na "Happy Monthsary" kalakip ang litrato ni Andrew.
Sabi pa ni Dimps sa caption, "I cant thank you enough [heart emoji] -loveu"

Sa maiksing palitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dimps, kinumpirma niya na "two months" pa lamang ang relasyon ni Andrew.
Liban dito ay wala nang ibinigay na detalye si Dimps na aminadong hindi sanay mainterbyu.
ANDREW VISITS LATE PARTNER AT THE CEMETERY
Tila ipinaalam din ni Andrew sa late partner na si Jho ang tungkol sa pagkahanap niya ng bagong pag-ibig.
Kahapon, December 21, nag-post si Andrew ng video ng pagbisita niya sa puntod ni Jho.
Sabi ni Andrew sa caption, “--your love and the memories you made continue to live on....
"Thank you" Jo [heart emoji]"
Hindi malinaw kung kasama ni Andrew ang babaeng nagngangalang Dimps sa pagbisita sa puntod ni Jho.
Pero kapansin-pansing ni-repost ng babae ang post ni Andrew ukol kay Jho.
NETIZENS' REACTIONS
Tila kinumpirma naman ni Andrew na may bago na nga siyang karelasyon base sa sagot niya sa isang netizen.
Sa Facebook account ni Andrew, may netizens kasing nag-comment sa post niya na may kinalaman kay Dimps.
Isang netizen ang naghayag ng opinyon na "deserve niya ulit sumasaya" dahil naging mabuting asawa at ama" naman daw si Andrew.
Sabi pa ng netizen, maganda rin daw na may "katuwang" si Andrew sa pagtaguyod sa mga anak nila ni Jho.

Tugon ni Andrew sa netizen, "Sola Gratia Malapascua Bombales thnk you [praying hands emoji]."

Hati naman ang reaksiyon ng iba pang mga naka-follow kay Andrew.
Narito ang ilan sa mga ito:



