Dagsa pa rin sa social media ang pagbabalik-tanaw ng celebrities na nakasama at naging kaibigan ng namayapang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Pumanaw si Ronaldo sa edad na 77 noong Linggo, December 17, 2023.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
JOHN ESTRADA
Isa sa labis na nagdadalamhati sa pagkawala ni Ronaldo ay si John Estrada.
Ilan sa mga pinagsamahang proyekto ng dalawa ay ang 1994 movie na Minsan Lang Kita Iibigin at ang 2014 ABS-CBN teleserye na Ikaw Lamang.
Ayon kay John, idol niya si Ronaldo lalo na sa drama at komedya.
Mensahe ni John sa kanyang post sa Instagram ngayong araw, December 20, 2023, "Nakaka durog ng puso ang mawalan ng isang mahal na kaibigan [broken heart emoji]
"IDOL ko tong taong to, d lang sa drama kundi sa komedya din, marami na kameng projects na ginawang magkasama ...
"Ma mimiss ko ang lokohan, tawanan, inuman, at seryosong usapan tungkol sa buhay natin tito ron [crying emoji]
"Lalo ng kung mag usap tayo e nag chachavacano tayong dalawa [crying emoji]
"Maraming maraming salamat sa pagkakaibigan tito ron [praying hands emojis]
"Mahal na Mahal kita [heart emoji] at sobra kitang mamimiss [crying with tears emojis]
"Edi paano, tulad ng tuwing naghihiwalay tayo o kapag binababa na natin ang telepono...
"Parati mo sinasabi, love you john
Love you tito ron , goodbye [heart, crying, broken heart emojis]
"REST IN PEACE [praying hands emojis]"
View this post on Instagram
JAKE CUENCA
Labis ding apektado si Jake Cuenca, na nakatrabaho ni Ronaldo sa mga teleseryeng Ikaw Lamang (2014) at Los Bastardos (2018) sa ABS-CBN.
Sabi ni Jake sa Instagram kagabi, December 19, 2023, hindi siya naniwala kaagad nang nakarating sa kanya ang balitang pumanaw na ang beteranong aktor.
Aniya pa, malaking bagay para sa kanya ang itinuro nito na ang pag-arte ay maaari ring maging fun.
Saad ni Jake, "I woke up to such sad news the other day. I still can't believe you're gone Tito Ron.
"I will never forget everything I have learned from you all our great memories together in "Ikaw lamang" and "los bastardos" but one thing I will always keep with me for the rest of my life is how you showed me that acting should always be fun.
"No matter how difficult the scenes were you always made it fun and with a smile on your face and you never failed to tell me or any actor how good they were in the scene that meant the world to actors like me coming from their idol like you.
"To one of the greatest actors to have ever done it. You are the man Tito Ronaldo thank you for inspiring so many actors you've worked with thank you for touching so many lives including mine.
"You will be missed Mr Ronaldo Valdez rest in peace Goodbye my old friend. [praying hands emoji]"
View this post on Instagram
SHERILYN REYES
Tatlong taon nagkasama sina Sherilyn Reyes at Ronaldo sa defunct sitcom ng GMA-7 na Bahay Mo Ba To? (2004-2007).
Kaya naman ipinagpapasalamat niyang nagkaroon ng pagkakataong nakasama sila sa isang sitcom noon.
Sabi ni Sherilyn sa una niyang post sa Instagram noong December 18, 2023, "T’yo Nene! Tay! Tito Ron!
"Salamat at nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho kayo ng ilang taon, makasalubong kayo sa mall ng napakaraming beses… nalulungkot ako Tay.
"Habambuhay kang magiging si Lolo Sir sa aming pamilya at si T’yo Nene rin sa akin… Paalam Tay! Rest in Peace [praying hands emoji] @tito.ron.valdez"
View this post on Instagram
Dahil sa pagpanaw ni Ronaldo, muli raw pinanood ni Sherilyn ang ilang eksena sa sitcom na pinagsamahan nila.
Aniya, "Paalam Tay [crying emojis] !!!! Rest in Peace… Pinapanood ko mga episodes natin.. nalulungkot ako pero natatawa ako sa mga eksena Tay.. naalala ko natakot ako kasi akala ko nagtampo ka na nagbibisaya kami at di mo naiintindihan sinasabi namin. Tinawagan pa kita para mag sorry at makasiguro.
"Sa mga pagkakataong nagkakasalubong tayo sa mall, palaging ang ganda ng ngiti mo.. pag napapadaan kami sa bahay nyo, lagi kami nakatingin sa gate mo baka lalabas ka, tingnan mo Tay, me one time na timingan ka namin [smiling emoji]..
"kahit di ko alam kung bawal sa yo, pinadala ko pa rin yung paborito naming cake na malapit sa tin.. pinaiyak mo kami ng grabe bilang Lolo Sir.. Ikaw ang Lolo Sir namin… pero forever T’yo Nene and Tatay Ron sa akin…"
View this post on Instagram
Read: Burol para sa mga labi ng veteran actor na si Ronaldo Valdez nagsimula na
