Three of us from the Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) covered the Asia Artist Awards 2023 this December 14 at the Philippine Arena. Here is our experience.
ROMMEL LLANES, PEP.PH ASSOCIATE EDITOR FOR MULTIMEDIA, 53
Thanks to my officemates' efforts to get me a ticket, natuloy na rin ako sa aking first-ever K-pop / Hallyu experience.
It's the Asia Artist Awards 2023 na for the first time ay ginanap sa Pilipinas at sa kinatatamaran ko pang puntahang Philippine Arena idinaos.
Kinatatamaran, kasi malayo at hindi ko pa talaga ito napupuntahan, ever... at hindi na kasi ako sanay ma-stuck sa traffic mula nang maging rider ako ng motorsiklo at scooter.
Bungad agad sa amin ni Pareng Erwin (Santiago, ang masipag na PEP.ph Associate Editor - Content) nang bumaba na kami ng aking almost 10-year-old Toyota Avanza ay mga kabataang tiis-ganda sa porma sa suot nilang K-pop-inspired outfits.
Mainit man ang panahon, dedma ang mga kabataang lalaking naka-leather jacket, habang preskung-presko naman sa kanilang maiikling palda at strapless tops ang ilang kabataang babae.
Bilang representatives ng PEP.ph na magko-cover ng historic event na ito, pinapila kami't inihatid sa red-carpet area ng venue kunsaan rarampa ang mga imbitadong South Korean artists.
Well, hindi lang South Koreans ang rarampa, may mga Pilipinong celeb ding imbitado. Nakaalerto kami ni Pareng Erwin, particularly, sa paglakad sa red carpet ng kaka-break lang na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Read: SB19 boys look dashing in Francis Libiran suits, Bvlgari jewelry for Asia Artist Awards 2023
Host ng red carpet event ang It's Showtime host na si Ryan Bang, being a Korean himself.
Read: Asia Artist Awards 2023 standouts from red-carpet arrivals
Tiniis ko ang tilian ng mga nakatabi kong online reporters, photographers, vloggers—mostly girls—na nagku-cover din ng event. Hindi ko kilala ang ibang South Korean artists na rumampa, pero natuwa naman akong makita nang personal ang mga kilala kong K-pop girl groups na NMIXX, ITZY, Le Sserafim, at NewJeans.
Wow! NewJeans!
I know, may pagka-creepy at parang inappropriate na humahanga ang isang 53-year-old na pamilyadong lalaki sa girl groups na ito, lalo na sa New Jeans na 19-year-old ang pinakamatandang member.
Yikes!
Pero paghanga lang naman. Naku-cute-an ako sa kanila at dig na dig ko ang music nila na reminiscent ng '90s R&B at '80s synth-pop na kinahiligan ko rin noon.
Anyway, back to our coverage, mahirap ding imaniobra sa siksikang puwesto ko ang hawak kong digital camera na may telephoto lens na malaki.
Tatlong oras akong nakatayo habang nakikipaggitgitan sa halos-himataying fantsinang vloggers na kasama ko sa bakod na hinarang sa amin sa red carpet area.
Pero oks lang. Need ng team ito. Need ko ring makita nang personal ang mga bagong kinahihiligan kong K-pop idols. Excited na nga akong mapanood silang mag-perform nung araw ring iyon.
Hindi namin nasimulan ni Pareng Erwin ang awards show at nagpapakitang-gilas na noon ang P-pop superstars na SB19 nang makapasok kami.
Nagkahiwalay kami ni Erwin sa loob dahil magkaiba kami ng seating section—courtesy of sponsors Smart x Viu Philippines at Metrobank—at tuluyan na kaming nalunod sa tilian ng fans na naroong nag-e-enjoy sa performances ng imbitadong artists.
Nakakamangha ang stage production, lights display, at giant monitors sa stage. Mapapahanga ka talaga sa husay ng performances ng K-pop groups na todohan talaga.
Matutuwa't madadamay ka rin sa pagka-festive ng atmosphere sa loob ng Philippine Arena dahil sa fans na masayang-masayang makita in person ang kanilang K-pop at K-drama idols.
Hindi na naman ako bago sa concerts.
Inabutan ko yung panahong uso pa ang moshpit, slam dance kasama ang iba pang concert-goers, at nagsisindi ng lighter na iwinawagayway kasabay sa kumpas ng malungkot na kanta ng performers.
Iba na ang mga eksena sa concerts ngayon.
O, sa K-pop concerts lang ba nangyayari yung para kang nagpupukpok martilyo na hawak mo ang "light stick" ng K-pop idol mo?
Ito na ba ang pumalit sa lighter na sinisindihan namin noon sa concerts kapag may pagka-senti ang kanta?
E sa K-pop concerts yata, ke masaya o ke malungkot ang kanta, tuloy lang sa pag-"pukpok" ng light stick ang concert-goers, e.
Anyway, kahit nananakit ang legs ko sa tatlong oras na pagtayo ko sa red carpet, nakaka-enjoy talaga ang Asia Artist Awards 2023.
Hope hindi ito ang una't huli kong pag-attend ng mga event na katulad nito.
Waiting mode sa pagbabalik at pangakong concert ng NewJeans.
ERWIN SANTIAGO, PEP.PH ASSOCIATE EDITOR FOR CONTENT, 52
Ultimate K-pop experience ang pag-attend ng Asia Artist Awards 2023 dahil sa dami ng K-pop groups — plus K-drama stars, J-pop artists, at P-pop stars — sa biggest K-pop event sa Pilipinas this 2023.
Yes, gaya ni Pareng Rommel na lagpas na sa kalahating siglo ang edad, isa rin akong certified K-pop fan.
Actually, kung si Pareng Rommel ay naging K-pop fan nito lang fourth generation ng K-pop groups, ako ay nagsimula pa nung second generation—BIGBANG, 2PM, Girls' Generation, 2NEI, Wonder Girls, etc..
Quiet lang ako nun dahil akala ko ay weird na mahilig sa K-pop ang isang middle-aged man na katulad ko. Pero to my amazement, nalaman kong pati si Pareng Rommel at libu-libo pang titos and titas ay nahuli na rin ng K-pop fever!
So, kung namangha si Pareng Rommel nang makita niya for the first time ang mga bagets na tiis-ganda sa kanilang K-pop outfits, normal na sa paningin ko ang mga ganung eksena.
Huh!
Anyway, back to today's video, este, topic...
Ang Asia Artists Awards 2023 ang kumumpleto sa ultimate K-pop experience ko this year after watching the concerts of two of my favorite K-pop groups — Stray Kids sa MOA Arena nung March at TWICE sa Philippine Arena nung October.
Pero as a representative of PEP.ph, kailangan kong i-maintain ang professionalism in covering the event.
Kaya kahit gusto ko nang sumigaw literally nang makita ko ang aking favorite K-pop groups, lalo na sa red-carpet area where I was in the front seat, pinigil ko ang sarili. Kailangang ma-send ko agad ang photos I took from my iPhone para mai-post agad sa social media accounts ng PEP.ph.
Ibang klase pala talaga ang feeling ng seeing up-close ang mga grupong napapanood mo lang sa YouTube at music shows at ang mga artistang umaarte sa K-dramas.
Surreal.
Gusto ko pa sanang titigan nang husto habang nasa red carpet ang K-pop groups and K-drama stars na dumaraan lang sa harap ko, pero I need to do my job first. Ehem.
Naaliw lang ako sa paraan ng paghu-host ni Ryan Bang, na alam na alam ang pulso ng Pinoy K-pop fans kaya pinag-i-stay niya nang mas matagal sa red carpet ang favorite K-pop and K-drama stars ng mga Pinoy—NewJeans, Le Sserafim, SEVENTEEN BSS, Stray Kids, Kim Seon Ho, Lee JunHo, Suho ng EXO, Ahn Hyo Seop, at Kim Se Jeong, to name a few.
Siyempre, very gracious din si Ryan sa Pinoy artists na rumampa sa red carpet gaya ng SB19, Ben&Ben, at si Melai Cantiveros na sa simula pa lang ay nakakatawa na.
Pagkatapos ng red carpet ay nihatid na ng PULP reps ang media sa loob ng Philippine Arena, where they have reserved seats, for the awards show.
Pero dahil may sponsored tickets kami ni Pareng Rommel, we decided na kumain muna sa may hall kung saan nakahilera ang stalls ng food concessionaires.
Akala namin ay matagal pang magsisimula ang show sa dami pa ng taong nakapila at kumakain sa labas, pero dinig na dinig na ang hiyawan at sigawan ng mga nasa loob.
Pagkatapos ng paspasang late lunch, pumasok na kami sa loob to find out na nagpe-perform na pala sa stage ang pambato ng Pilipinas na SB19.
Nakaka-proud marinig ang malakas na hiyawan ng mga nasa loob ng Philippine Arena habang humahataw sa stage sina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin kasama ang J-pop group na &Team at sandamakmak na back-up dancers.
Kitang-kita ring nag-e-enjoy ang guest artists sa pasabog na opening number ng SB19 na pinerform ang ilan sa hit songs nila, kasama ang very popular na "Gento."
Kung sa red carpet ay nagpaka-professional tayo, sa mismong awards show ay pinakawalan ko na ang aking pagiging K-pop fan. Meaning, nakisigaw at nakipalakpak din ako kasama ng libu-libong fans.
Speaking of fans, nakaka-proud ang reception ng Philippine Arena audience sa lahat ng artists na um-attend sa Asia Artist Awards 2023. Grabe ang tilian at palakpakan sa favorite artists nila, at maski hindi nila favorite ay sumisigaw at pumapalakpak pa rin sila.
Kaya naman very much appreciated ng artists ang ipinakitang suporta ng Pinoy audience. Ilan pa nga sa kanila ang nagbanggit sa kani-kanilang acceptance speech na "best audience" tayong mga Pinoy dahil, popular man o hindi, tinitilian at pinapalakpakan natin.
Best audience!
Kasi sa ibang bansa, lalo na sa South Korea at Japan, may mga pagkakataong nagiging tahimik ang audience pag hindi ang favorite artists nila ang nakasalang. As in, silent treatment.
May tinatawag pa ngang "black ocean," kung saan pinagpapatayan ng light stick o cellphone ang isang artist upang ipakita at ipadama na hindi nila ito sinusuportahan.
Kaya very good tayong mga Pinoy dahil pinapatunayan natin ang pagiging hospitable kahit na sa K-pop concerts and award shows.
Bukod sa SB19, na-excite akong makitang live mag-perform for the first time ang ITZY, NewJeans, Le Sserafim, NMIXX, The Boyz, &Team, BOYNEXTDOOR, at ang rookies na Lapillus at HORI7ON na parehong malapit sa puso ng mga Pinoy dahil sa Filipino members nila.
Pero siyempre, ang highlight ng Asia Artist Awards 2023 para sa akin ay ang Daesang (Grand Prize) winners na Stray Kids at SEVENTEEN BSS.
Literal na dumagundong ang Philippine Arena sa lakas ng hiyawan at sigawan habang nagpe-perform ang dalawang grupo. Grabe rin naman kasi ang energy at vibe ng K-pop groups na ito kaya nadadala nang husto ang audience at maging ang kanilang co-artists.
Sulit na sulit ang halos 20 hours na ginugol namin ni Pareng Rommel sa Asia Artist Awards 2023 — kasama na ang biyahe at pagkaligaw namin pauwi dahil namali kami ng exit kaya nakaabot kami sa kabilang banda ng Bulacan.
Can't wait for our next K-pop experience!
NIKKO TUAZON, PEP.PH LIFESTYLE EDITOR, 32
I've been covering Korean-related events—from concerts, music festivals, mall shows, and even fan meets—for at least a decade now, simula nung pumasok ako sa PEP team.
As a fan, I've been immersed in K-Dramas since around 2003, when GMA-7 first broadcast Endless Love.
My journey into K-Pop began in 2009 with Sandara Park's official debut as a member of 2NE1, and the rest, as they say, is history.
But it's the very first time na na-experience ko ang ganito kalaking event, with some of the biggest names in K-Pop and K-Drama gathered in one place.
Big thanks to STAR NEWS, TONZ ENTERTAINMENT, and PULP Live World for jointly organizing this successful event.
Last minute decision yung pagpunta sa awards show. Pero laban kahit na sa PHP3,500 na ticket sa UBC. Humabol lang din ako just to see some of my favorite acts like NewJeans, Le Sserafim, NMIXX, SEVENTEEN BSS, and Stray Kids.
Feel ko good decision din na dumating ako ng late kasi wala nang hassle sa pila at sa parking. Dire-diretso lang ako.
Shout out sa super accommodating na staff and ushers sa labas ng arena!
Read: NewJeans wins two Daesang awards at Asia Artist Awards 2023 + full list of winners revealed
Aside from the main show, what I find most enjoyable about events featuring South Korean stars is the vibrant fan community.
With Asia Artist Awards, kitang kita ito sa FanZone.
The organizers opened the adjacent Philippine Sports Stadium for this FanZone na kumpleto sa merch booths, fan club booths, K-Pop gallery, activities, and sponsor areas.


Sa Metrobank booth pa lang, kumpleto na yung "Hallyu experience." Bukod sa exclusive early access sa tickets at raffle prizes, ang dami nilang paandar na activities sa booths.
For delulus (slang for 'delusional') like me, ang cute ng "Dear Bias" area kung saan puwedeng magsulat ng short letters for your favorite "bias" kahit walang anumang certainty na mababasa nila.
BTW, para sa non-fans, "bias" yung term na ginagamit ng K-Pop fans for their favorite member sa isang idol group.

Meron ding random K-Pop Dance Play Challenge kung saan pwedeng ipakita ng fans ang kanilang dance moves. Next time ko na papatulan ang ganitong challenge pag confident na ako sa dance moves ko.
Kung wala namang type na activity, puwede ring tambayan na lang with friends.
Looking forward to the other shows they'll be partnering with! And siyempre, for those na bet ding mauna lalo sa ticket-selling sa mga events gaya nito or concerts, apply na for a Metrobank credit card.
Na-appreciate ko naman yung photo booth ng Smart. Plus, yung kanilang charging stations lalo ubusan ng battery yung full-day event.
Sana lahat ng concerts, may ganitong paandar na activities, para may ginagawa habang nag-aantay ng main events.

As for the main event, iba pa rin yung experience na mapanood mo yung favorite acts mo in person, kahit ga-langgam na lang sila sa harapan mo.
I was very excited to watch NewJeans and Le Sserafim perform on stage. Para sa unfamiliar, silang dalawa ang isa sa mga pinakasikat na girl groups ngayon sa South Korea.
Grabe yung goosebumps when I finally saw them live. Kahit na 10-minute performances each lang silang dalawa, sulit kasi back-to-back performances naman yung segment nila.


Na-excite din ako makita muli si Kim Seon Ho, at gaya nga ng sabi ni Ryan Bang nung red carpet, "grabe, ang guwapo!" talaga niya lalo sa personal.

Isama mo pa sina Ahn Hyoseop from Business Proposal, Lee JunHo ng King: The Land, Kim Young Dae ng Sh**ting Stars, at Jung Sung-Il ng The Glory, ay dzai! Mapapasigaw ka na lang sa kilig talaga.

Nakakatuwa rin makita in person yung interactions ng Korean celebrities, at local stars like si Melai Cantiveros, na buong Arena pinatawa dahil sa kanyang antics. Hirap na hirap akong pigilan yung tawa ko sa speech ni Melai!

Read: K-Celebs reaction to Melai Cantiveros' interview and speech at Asia Artist Awards 2023
And, of course, may sense of pride din seeing Filipino stars such as HORI7ON, SB19, Ben&Ben, Kathryn Bernardo, and Daniel Padilla, na kasama at nakikihalubilo sa ibang Korean celebrities.
Biggest regret ko lang na hindi ko nasimulan kaya na-miss ko yung part na sinayaw ng SB19 ang "Gento" tapos kasama pa nila ang K-Pop boy group na &Team sa stage.
Isama mo po yung StrayKids na napatayo at napasayaw pa sa kanilang puwesto habang nagpeperform ang dalawang group. Tapos yung ibang mga groups like ZeroBaseOne and NMIXX na napa-indak din.
Read: AAA 2023 sidelights not seen on live streaming
I hope na hindi ito ang una't huling beses na mag-host ang Pilipinas ng Korean awards show.
Bukod sa Asia Artist Awards, inaabangan ko rin ang Mnet Asian Music Awards (MAMA) gawin sa Pilipinas. Fingers crossed na mangyari din ito.
For now, gaya ng sabi ni Sir Rommel, excited na rin ako sa first major concert ng NewJeans!
READ MORE:
