Kinonekta ng ilang netizens ang Instagram post ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati tungkol sa kanilang lunch date ng asawang si Abdel Lahbati sa Bonifacio Global City (BGC) noong December 15, 2023.
Makikitang puno ng pagkain ang kanilang mesa sa isang restaurant.
Sa caption kalakip ng larawan, isinulat ni Esther na masaya siyang gumasta para sa isang masayang pagsasama mula sa kanyang "pension from Switzerland."
Buong caption ng ina ni Sarah: "#Lunch at BGC we’re happy spending the good time and spending my pension from Switzerland [Swiss flag emoji] our 2nd home, enjoying the rest of our life.
“life is very short. Have a nice week end everyone. [smiling emoji] Take Care Always and God Bless! [praying hands, heart, smiling emojis]”
View this post on Instagram
NETIZENS REACT
Marami ang nagkomento sa post na ito ni Esther.
Sabi ng isang kakilala ni Esther, “AYEEEE”
Tugon ni Esther, “ok ba ang caption ko?”

Sinang-ayunan naman ito ng ilang netizens.
Sabi ng isa pang kaibigan, “Palagi ang date ah! Next isama nyo ulit kami hehehe, enjoy. Kisses, ate paalala lang, inhale exhale hehehe labyu”
Mahabang sagot ni Esther, “Napakasarap ng buhay kung iisipin natin lagi na mahal tayo ni GOD, May maganda akong anak at mga apo, sapat llang ang buhay, l hindi mayaman hindi rin mahirap,so Salamat po Thank you LORD for being always there for us.
“Thank you Lacsis family at sa lahat ng mga taong sumusuporta sa anak ko si sarah Salamat den po ng marami. Thanks be to God! Amen”

Komento ng isa pa, “Enjoy your day with family,dont mind the dog barking hahaha”
Sabi ni Esther, “I love it. [dog emoji]”

Sabi naman ng isang netizen patungkol sa pamilya ni Sarah, “They are not rich pero the pension they can leave comfortably. Bakit magstay sila Switzerland kung gusto naman nila maka sama ang anak nila at apo. They been working hard sa Switzerland of course yung maka sama naman nila Ang anak nila eh nag iisa anak si Sarah."
Direkta ring binanggit ng netizen ang pangalan ng mister ni Sarah na si Richard Gutierrez, na "selfish" umano katulad ng ina nito.
"Mean Richard Gutierrez and her mom are very selfish. Dahil binigyan nila ng Malisya. Pag Uwi nila. Hindi tulad ng Pilipinas ang pension ng mga yan at Retirement money kung alam nyo sa Switzerland Euro Dollars yan at to the the point 2 sila.”

Hindi na sumagot si Esther dito.
May 16 likes ang komento at isa sa likers ay si Esther.

Ayon sa isa pa, “yes thats the best way! spending ur pension and enjoying it, life is too short to dwell on the negative stuff. The happier u are the less wrinkles u will have.”
Emojis lamang ang sagot dito ni Esther.

May 20 itong likers kabilang na si Esther at asawang si Abdel.

Sabi ng isa pa, “Masakit magsalita yang si Anabel wala naman naniniwala sa kanya. Pinagtatawanan lang siya sa social media. Enjoy your retirement po.”

Ni-like din ito ni Esther.

Komento ng isa, “Tita..gusto ko yung caption mo na "spending my pension from Switzerland" hahaha”
“Thank you!,” tugon ni Esther.

Ayon sa isa pang netizen, “Tama po yan para maliwanag , pension nyo at hindi yong pinagttrababhuhan ng iba ang winawaldas dont mind the aww aww woof woof, enjoy life with our sarah lahbati goddess of beauty with zion and kai”

Pareho itong ni-like nina Esther at Abdel.

Saad ng isa pa, “Kailangan na e elaborate asan galing ang ung mga ginagastos nila kasi baka masabihan na naman na pati pamilya ni Sarah kasama nagwawaldas????Hays ka sad,basta po just stay lowkey and humble don't mind others think highly of themselves.”

Ni-like din ito ni Esther.

"NAGWAWALDAS NG PERA"
Sa isang panayam ay naglitanya si Annabelle tungkol sa "waldas" nang matanong kung hiwalay na ba sina Richard at Sarah.
Bahagi ng pahayag ni Annabelle, “Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho, wala siyang ginawa kundi magtrabaho.
"Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng gulo. Yun lang yun. Maghihintay lang kayo kasi malalaman niyo rin, not now.
"Nakikita mo naman di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan, di ba? Si Richard trabaho nang trabaho, yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan.”
Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?
Tila ang pinatutungkulan niya ay si Sarah.
Sinagot naman ni Sarah ang komentong “waldas pa more” ng isang netizen.
Read: Sarah Lahbati reacts to “waldas pa more” comment of netizen
Ang ama ni Sarah si Abdel ay tila may parinig naman kay Annabelle.
Read: Who is Sarah Lahbati’s father alluding to in “dogs barking” post?
