Hindi na bago ang makakita ng mga estudyanteng tumatambay sa coffee shops.
Oras din kasi ang ginugugol nila para mag-review for their exams o mag-meeting about their projects.
Pinag-usapan din recently ang isang foreign vlogger matapos i-post ang obserbasyon niyang ginagawang review station ng ibang customers ang coffee shops sa Pilipinas.
Katuwiran ng mga pabor dito, bumibili naman sila kahit na tumatambay sila roon.
Para naman sa mga di pabor, nagiging limitado raw ang espasyo sa shop, lalo na kapag marami ang customers.
Isang similar na scenario ang nangyari sa isang coffee shop sa Bacolod, at nag-viral ito kamakailan.
Nag-post ang Slo Bar Café dahil sa nakuhang bad online reviews mula sa tinatayang 10 estudyante na nag-occupy ng three tables sa kanilang maliit na shop.
Ang siste: two drinks lang ang binili.
Hindi umano nagustuhan ng mga estudyante nang sabihan sila ng staff member na i-vacate ang ibang tables para sa ibang customers, kaya nag-post sila ng bad reviews.
Sino ang tama sa sitwasyong ito?
Read: Former Louis Vuitton employee gives tips how to spot fake LV bag

THE CAFÉ’S IG POST ABOUT THE INCIDENT
Sa Instagram post ng coffee shop, naghimutok ito dahil sa nakuhang bad reviews mula sa sampung estudyante na sinabing hindi masarap ang pagkain at diumano'y walang modo ang staff ng coffee shop.
Tinukoy ng shop na tatlong tables ang ginamit ng mga estudyante na dalawang drinks ang inorder.
Ayaw na raw sanang pumatol ng shop pero “these things will happen again so it may be better to confront them when we can.”
Sabi pa ng pamunuan ng shop, “I wonder if they understand the damage it would do not just to our business but also [to] the dignity of our staff who are just trying to make ends meet each day?”
Mauunawaan daw ng ibang small coffee shops ang sinapit ng Slo Bar Café.
“It is basic etiquette for any place to reserve their limited space for paying customers. The community should know better. Hay.”
Sabi pa ng shop, hindi ito ang unang beses na nangyari ito, subalit paano nga ba sasabihan ang mga non-paying customers, na karamihan daw ay mga estudyante, na tumatambay para gumawa ng kanilang personal video content?
“But to what extent must we share our space to please these guests?”
Ipinagtanggol din ng shop ang tatlong staff members nito, ang lead barista na si Ninin, at ang dalawa pang barista na working students.
Mababasa kasi sa reviews ng estudyante na tinawag na “rude” si Ninin.
Makikita naman sa screenshot na kalakip ng post na tila kinakausap ng barista (Ninin) ang mga estudyante.
Pagtatanggol ng shop sa lead barista, “Ninin’s one of the most humble people we know and we wouldn’t let a group of kids tell her otherwise. We trust that her responses are always rooted in instinct and respect.”
Read:
- PHP44.8M diamond ring "stolen" from Ritz Paris Hotel room, found in most unlikely place
- Bakit nagiging mabenta ang “expired” food sa Japan?

NETIZENS REACT
Nag-iwan ng comments ang iba pang parokyano ng shop sa Instagram account nito kaugnay ng isyu.
Marami sa kanila ang kumampi sa shop at pinatotohanan ang sinabi nitong magalang ang lead barista na si Ninin, taliwas sa paratang ng mga estudyante.
Komento ng isa pang parokyano, “These students are proof that the customer is NOT always right, especially when they lack basic etiquette and reek of entitlement.”
Dagdag ng isa pang parokyano laban sa mga estudyante: “May time mag bad review na hindi masarap food pero wala namang pambili, nakikitambay lang. Yay!”
Nagpasalamat naman ang isa pang coffee shop sa Slo Bar sa pagsasalita nito sa ngalan ng kapwa nito coffee shops na gusto lang maghanap-buhay.
Ang ilan, pinuna ang mga estudyante sa kanilang pagiging "entitled."



COFFEE SHOP'S LATEST UPDATE
Sa comments ay nagbigay rin ng update ang Slo Bar.
Isa raw sa mga estudyante ang nagpadala ng mensahe: “Has this been addressed? Yes. One of them was nice enough to express in private. But some responses online are just out of control.”


Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng magkasalungat na opinyon o katuwiran sa isang isyu. Pero maiiwasan ang paglaki nito para hindi na umabot pa sa alitan.
Maraming bagay ang kayang malutas sa maayos na usapan at respetuhan.
