Viral na usap-usapan ngayon sa social media ang pagbibigay payo at mensahe ni Vice Ganda sa It's Showtime co-host niyang si Kim Chiu.
Ito ay sa gitna ng balitang hiwalay na si Kim sa longtime boyfriend niyang si Xian Lim.
Read: Netizens ask Kim Chiu: "Are you and Xian still together?"
Sa bagong segment ng It's Showtime na “Expecially For You” kahapon, December 12, 2023, pinansin niya ang suot na black-and-white dress ni Kim.
“Anong oras ba JS niyo? Ihahatid kita,” hirit ni Vice kay Kim.
Sinegundahan naman ito ni Anne Curtis nang sabihing maganda at bagay kay Kim ang suot nitong damit.
Ani Anne, "Ang ganda-ganda kaya niya, oh. Ang dami-dami niyang ribbon."
Mabilis naman itong sinang-ayunan ni Vice.
Aniya, "Oo, maganda talaga to."
Sabay harap kay Kim para sabihing mabuti ang puso ng aktres kaya deserve nitong mahalin.
Mensahe ni Vice kay Kim, "Maganda ka, mabuti kang tao, maganda ang mukha mo, maganda ang puso mo.
"You deserve the best, you deserve love," dagdag pa ni Vice, sabay yakap kay Kim.
Napangiti naman si Kim sa sinabi ni Vice at hindi na nakapagsalita pa.
Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups
Hindi ito ang unang beses na pahagingan ni Vice si Kim.
Noong December 4, sentro rin si Kim ng panunukso ni Vice sa It's Showtime nang mapag-usapana nila noon ang tungkol sa paghahangad ng tagumpay ng isang tao para sa kanyang dating karelasyon.
Unang tinanong ni Vice Ganda ang co-host na si Vhong Navarro.
“Pag successful ka na, gusto mo maligaya rin ang ex mo, successful para pareho kayo,” sagot ni Vhong.
Tinanong din ni Vice si Karylle, na halatang umiwas.
Sabay sabi ni Vice, “Yun naman ang dapat. We should always wish the best for everybody.”
Sa puntong iyon ay ibinaling ni Vice ang atensiyon kay Kim.
Dinig ang reaction ng audience at pati ang co-hosts.
Pagpapatuloy ni Vice sa tanong kay Kim kung totoong kapag ex mo na ay wala nang nararamdamang concern.
Sumagot si Kim: “Totoo naman ang kasabihang, ‘I wish you the best,’ kahit di mo birthday, di ba? O, di ba, ‘Happy birthday, I wish you all the best in life.’
“Kahit walang okasyon, gusto mo yung best para sa tao.”
Hindi roon nagtapos ang panunukso ni Vice.
“Kailan mo huling nasabi yan na, 'I wish you the best’?”
Malakas na tawa ang reaksiyon ni Kim.
“Kanina lang nung nag-birthday greeting ako,” birong sagot niya kasabay ng tawa.
Read: Kim Chiu asked when she last told an ex: “I wish you the best”
KIM-XIAN RUMORED BREAKUP
Ilang linggo nang usap-usapan ang tunay na estado ng relasyon ngayon nina Kim at Xian.
Nagsimula ito nang napansin ng kanilang fans na hindi na sila madalas magkasama at nananatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Read: Xian Lim warns against deceiving headlines: “Plenty of hearsay happening right now..."
Sa isang interview noong November 27, tinanong si Kim tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian.
"Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna,” sagot ni Kim.
Read: Kim Chiu keeps mum on rumored breakup with Xian Lim: "Sa amin na lang muna yon."
Mas lalo pang nagliyab ang suspetsa na hiwalay na sila nang tuluyang burahin ni Xian ang lahat ng kanyang vlogs sa YouTube, kabilang na ang videos kasama ang long-time girlfriend niyang si Kim nitong Martes, December 12.
Marami-rami ring pinagsamahang vlogs ang dalawa mula nang maging sila may labindalawang taon na ang nakararaan.
Habang sa YouTube naman ni Kim ay naroon pa rin ang vlogs nila ng boyfriend.
Read: Xian Lim deletes all his YouTube vlogs including videos with Kim Chiu, why?
