PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Annabelle Rama's 'Devil Woman' Allusion

Annabelle Rama: "Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kong babae na DEVIL WOMAN.”
by Arniel C. Serato
Published Dec 10, 2023
Annabelle Rama new cryptic post about "devil woman"
Annabelle Rama takes a swipe at unnamed person: "Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

May bagong pasaring na naman si Annabelle Rama laban sa hindi niya pinangangalanang “devil woman.”

Para raw mahulaan ng mga “marites” (mga tsismosa) kung sino ang tinutukoy niya, nirerekomenda nitong panoorin ang Hollywood movie na Gone Girl, tampok sina Ben Affleck at Rosamund Pike, para mahulaan kung sino ang tinutukoy nitong “devil woman.”

Ang Gone Girl ay tungkol sa isang misis na pineke ang kanyang murder at nag-scheme para mapagbintangan ang mister niya sa krimen.

Buong post ni Annabelle: “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.

“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang December 8, may pasaring ang ama ni Sarah Lahbati sa isang taong hindi rin nito pinangalanan.

Sabi ni Abdel Lahbati: “Enjoying every moment with family.
The convoy keeps going and don’t mind dogs barking [flexed biceps emoji]”

Hula ng netizens, si Annabelle ang kanyang pinatatamaan.

Read: Who is Sarah Lahbati’s father alluding to in “dogs barking” post?

Si Annabelle ang tila mismong nagkumpirma sa isang interview na may pinagdaraanan ngayon ang pagsasama ng anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah.

Pero karugtong nito, may pasaring pa ang celebrity mom na panay ang waldas ni Sarah ng pera habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

Sinabi rin ni Annabelle sa isang social media post na ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.

Wala pang direktang sagot si Sarah dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Umiwas ring sumagot si Sarah sa tricky questions ng showbiz press noong story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa, na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023.

Read: Sarah Lahbati dodges question about rumored breakup with husband Richard Gutierrez

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama takes a swipe at unnamed person: "Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results