PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon slams TAPE for copying Bulaga's format.

Tito Sotto says he has no communication with Tony Tuviera.
by Rachelle Siazon
Published Dec 6, 2023
TVJ versus TAPE Inc. over Eat Bulaga! name
Atty. Enrique dela Cruz (fourth from left, front row) on TAPE Inc.'s usage of Eat Bulaga! name: "Ang tanging hawak nila kung bakit nila ginagamit yung salitang Eat Bulaga! ay meron silang trademark registration. Sabi ng gobyerno, 'Kanselado ngayon yan.' Wala na silang pinanghahawakan. Bakit pa nila gagamitin?"
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Isyu ng respeto.

Ito ang apela nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon tungkol sa anila'y paggamit ng TAPE Inc. sa pangalang Eat Bulaga!.

Magkatapat ang noontime shows na E.A.T. ng TVJ Productions na umeere sa TV5 at Eat Bulaga! ng TAPE Inc. na umeere sa GMA Network.

Kinansela ng Intellectual Property Office (IPO) ang ipinarehistrong Eat Bulaga! trademark ng TAPE Inc. sa dahilang kinilala ng ahensya na ang TVJ ang "rightful owner" nito bilang sila ang creators o siyang bumuo sa pangalan ng 44-year-old noontime show.

Nang humarap sina Tito, Vic, at Joey sa presscon kaninang umaga, Disyembre 6, 2023, iisa ang kanilang mensahe sa TAPE Inc.: huwag nang gamitin ang pangalang Eat Bulaga! at EB na pag-aari raw ng sikat na triumvirate.

Pero naninindigan ang TAPE Inc. na may karapatan silang gamitin ang Eat Bulaga!.

Read: TAPE to appeal IPO decision to cancel its Eat Bulaga! trademark

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng abogado ng TAPE si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na hindi pa pinal ang desisyon sa isyu ng trademark at gagamit ang TAPE ng lahat ng legal remedies para ituloy ang laban.

Isang entertainment reporter ang nagtanong sa TVJ kung posibleng umabot sa puntong sabay na mapanood ang dalawang shows na parehong gumagamit ng pangalang Eat Bulaga!.

Sagot ni Joey, "Mga tao na hahatol niyan.

"Well, itutuloy sa mga legal. Pero nakikita mo naman reaksiyon ng karaniwang tao."

Sabay hirit ni Joey, "Pakapalan na lang."

Ipinaliwanag ng legal counsel ng TVJ, si Atty. Enrique Dela Cruz, na hindi na dapat gamitin ng TAPE ang pangalang Eat Bulaga! dahil sa pagkansela ng IPO sa trademark registration ng TAPE.

"Ngayong kinansela ang kanilang registration, wala na silang karapatang gamitin.

"Kung sakaling gamitin pa rin nila, e, di kayo na magsasabi kung sinong di sumusunod sa batas at di rumerespeto sa desisyon ng IPO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tanong mo kung puwede nila gawin yun. Nasa kanila yun."

Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE

Dagdag pa ng abogado patungkol sa TAPE: "Sila yung inutusan. Kinansela ang kanilang registration.

"Ang tanging hawak nila kung bakit nila ginagamit yung salitang Eat Bulaga! ay meron silang trademark registration.

"Sabi ng gobyerno, 'Kanselado ngayon yan.'

"Wala na silang pinanghahawakan. Bakit pa nila gagamitin?"

Hirit uli ni Joey, "Yun pa pala ang isang mabigat tulad ng respeto—kanselado. Huwag matigas ang ulo."

Sabi ni Tito, "Siguro naman dapat sumusunod tayo sa batas, kung ano sinabi ng batas."

Hirit ni Tito, "Unless sanay ka sa ilegal."

Ang pahayag ni Vic: "Hindi kami humihingi ng kahit ano. Hinihingi lang namin respeto.

"Kumbaga, ito usapang legal lang, usapang moral.

"Pagpapatawad? Walang kailangan patawarin. Ilagay lang sa tama."

Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"

TAPE'S RIGHT TO APPEAL

Sa kabilang banda, aminado si Tito na may karapatan ang TAPE na iapela ang desisyon ng IPO.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We know and we feel that we are standing on the right side of the fence.

"So, yung appeal naman hindi naman maalis sa hustisya natin.

"So, anybody has right to appeal, okay lang. Walang problema yan."

Ipinaliwanag ni Atty. Enrique na may sampung araw ang TAPE para magsumite ng apela sa tanggapan ng IPO Bureau of Legal Affairs. May 30 days ang ahensya para desisyunan ang isyu.

Pagkatapos ay puwede pa rin daw maghain ng apela sa Court of Appeals at Supreme Court.

"Ang tanong nga na sila naman ang naghahabol at may hatol na.

"Kung paano nagpakita ng respeto ang TVJ, bagamat masakit sa kanila, sila ang may likha, iba gumagamit.

"Ngayong sinabi ng gobyerno na sila [TVJ] ang lumikha, sila ang may karapatan; yung kabila nag-aapela.

"Sana in the meantime, respetuhin [ng TAPE Inc.] yung desisyon at wag muna nila gamitin [yung Eat Bulaga!].

NO COMMUNICATION WITH ANTONIO TUVIERA

Isa pang naitanong sa TVJ ay kung may komunikasyon pa rin ba sa pagitan nila at ng TAPE sa gitna ng isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala. We never initiated anything," sagot ni Tito.

Patuloy ni Tito, "And there was once na parang kumokontak sa amin si Tony. That's about it.

"Wala naman. At saka wala kaming planong i-entertainin. Sapagkat minsang may pinarating, e, di namin pinansin."

THE CONFLICT

Ang tinukoy ni Tito na "Tony" si Antonio Tuviera, na part-owner ng TAPE at dating tumatayong presidente ng kumpanya.

Si Tuviera ang aktibong namuno sa TAPE sa loob ng higit apat na dekada.

Noong February 2023, nagkaroon ng general assembly ang lahat ng bumubuo ng Eat Bulaga!.

Dito inanunsiyo ni Romy Jalosjos na mas magiging aktibo ang kanyang tatlong anak na sina Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos sa pagpapatakbo ng operations ng Eat Bulaga!.

Si Romy Jalosjos ang 75 percent owner ng TAPE, habang si Tuviera ang may-ari ng 25 percent shares ng kumpanya.

Si Jon ang pumalit kay Tony bilang presidente ng TAPE.

Ito na ang hudyat ng masalimuot na umpugan ng TVJ at Jalosjos brothers kaugnay ng sanga-sangang kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isiniwalat ni Tito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong April 2023 na malaking gulo sa loob ng Eat Bulaga! ang naging resulta ng kagustuhan ng bagong management na magkaroon ng major changes sa hosts, sa employees, at programming ng show.

Kasama rin dito ang kagustuhan ng management na gawing thrice a week na lang ang appearance ng TVJ sa show.

Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

Sa hiwalay na eksklusibong panayam ng PEP.ph sa Jalosjos brothers noong June 2023, sinabi ng mga itong hindi natuloy ang mga pagbabagong gusto sana nilang ipatupad dahil ongoing pa rin ang nego talks nila sa TVJ.

Kasabay nito ay isiniwalat din ng Jalosjos brothers na may nasilip silang "discrepancies" dahil may mga tao raw na kumukuha ng cash advance mula sa retirement pay kahit hindi pa nagreretiro.

Umabot daw ng PHP15M ang pagbale o pag-advance ng hindi lang isa kundi ilang di pinangalanang tao sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpa-external audit na raw ang TAPE para rito, at inaasahang natapos iyon noong Hulyo. Hindi pa nagbigay ang Jalosjos brothers ng update ukol dito.

Read: TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Enrique dela Cruz (fourth from left, front row) on TAPE Inc.'s usage of Eat Bulaga! name: "Ang tanging hawak nila kung bakit nila ginagamit yung salitang Eat Bulaga! ay meron silang trademark registration. Sabi ng gobyerno, 'Kanselado ngayon yan.' Wala na silang pinanghahawakan. Bakit pa nila gagamitin?"
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results