Pinabulaanan ni Karla Estrada na sa kanya ang social media quote card na ipinagtatanggol ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa isyu ng hiwalayan nito at ni Kathryn Bernardo.
Noong November 30, 2023 ay naglabas na sa kani-kanilang Instagram account sina Kathryn at Daniel ng pahayag tungkol sa kanilang breakup.
Read: ABS-CBN issues statement on KathNiel breakup
Last December 1 ay nag-post si Karla sa kanyang Instagram ng old photo kasama sina Daniel at Kathryn.
Nasa gitna siya ng dalawa.
Nilagyan niya ito ng caption na: “We love you both.”
Read: Janeena Chan is now Mrs. Morgan Say

Read: Ano ang konek ng November 30 sa KathNiel breakup announcement?
Nakakuha ng post ng mahigit 500K reactions. Nagkomento rin ang ibang celebrities gaya nina Karen Davila, Kaladkaren, Ruffa Gutierrez at Eruption.
December 2 ay nai-post naman ni Karla ang quote card na itinanggi niyang sa kanya nagmula.
Read: Yassi Pressman gives PHP100K to driver whose car was hit by personal driver
Wala siyang binanggit kung saang social media platform niya iyon na-pick up.
Ang nilalaman ng quote card, published as is: “Hindi po ch*eater ang anak ko!
“My son is not perfect, but he's learning and growing.
“People make mistakes, and it's crucial to understand the context and the effort he's putting into becoming a better person.”
Read: “Golden Voice” ng Philippine radio na si Manolo Favis, pumanaw na

Read: Gillian Vicencio on KathNiel breakup: “Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo.”
Ani Karla, “Fake po ito.
“Wala akong ganitong post at hindi ako ang gumawa ng ganitong post.”
Dagdag pa niya, “Amin na pong iniisa-isa ang mga accounts ng mga mapanirang tao na gumagawa ng mga ganito.”
Nilimitahan naman niya kung sino lang ang puwedeng magkomento sa kanyang post.
Ibinahagi rin ni Karla ang inilabas na statement ng ABS-CBN tungkol sa nangyaring breakup ng KathNiel.
Read: ABS-CBN stars sama-sama sa Christmas station ID; Kathryn at Daniel magkahiwalay ng frames
