Muling itinanggi ng Kapamilya actress na si Gillian Vicencio na may kinalaman siya sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Naging laman ng balita si Gillian simula nung Biyernes, December 1, 2023, o isang araw matapos kumpirmahin ni Kathryn and breakup nila ni Daniel.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Itinuturo ng ilang netizens si Gillian bilang diumano'y third party kaya naputol ang 11-year relationship ng magkasintahan.
Ayon sa tsismis ay nagkaroon daw ng intimate affair sina Gillian at Daniel, at nalaman umano ito ni Kathryn, dahilan para magdesisyon ito na makipagkalas sa kasintahan.
Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
Bago si Gillian ay lumutang din ang pangalan ni Andrea Brillantes na diumano'y may kasalanan kung bakit nagkalabuan sina Kathryn at Daniel.
Read:
Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup
Andrea Brillantes unfollows Kathryn Bernardo on Instagram
GILLIAN'S SHORT STATEMENT
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) ay dinepensahan ni Gillian ang sarili laban sa malisyosong intriga.
"Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo," sabi ni Gillian sa kanyang post Biyernes ng gabi.
Nakiusap din ito sa publiko na bigyan ng respeto ang dating magkasintahan na sina Kathryn at Daniel.
Bago ang kanyang social media post ay ipinagtanggol si Gillian ng malapit na kaibigan nito na si DJ Jhaiho.
"FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit?" mariing buwelta ni DJ Jhaiho sa X.
"Lahat nalang talaga? Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!!!
"Tigilan niyo si GILLIAN! Nanahimik at walang kaalam alam dinadamay niyo!"
Lumalabas na may ilang buwan na rin na ikinakabit ang pangalan ni Gillian sa relasyon nina Kathryn at Daniel.
"Actually, guys, wala po talaga," paglilinaw ni Gillian nang mag-guest ito sa Marites University nung August 3, 2023.
Sa panayam ay sinabi ni Gillian na "magtotropa" sila nina Daniel at Kathryn, at wala siyang ideya kung paano nagsimula ang tsismis laban sa kanya.