Idinaan na lang sa biro ng Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nitong gabi ng November 30, 2023, halos magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para ianunsiyo sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.
Related Stories:
- Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
- Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."
Hindi nagbigay ng dahilan ang dalawang Kapamilya stars kung bakit sila nag-break at kung may katotohanan nga ba ang espekulasyong si Andrea Brillantes ang sanhi ng kanilang hiwalayan dahil sa umano'y pagkakaugnay nito sa aktor.
Read: Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup
Bukod kay Andrea, "nadadawit" din sa isyu si Daniel Matsunaga dahil magkatukayo sila ng dating nobyo ni Kathryn.
Sa Instagram account ni Daniel Matsunaga nitong Huwebes, November 30, ipinost niya ang screenshots ng mga ipinadala sa kanyang mensahe ng netizens dahil pinaghihinalaang siya ang "Daniel" na boyfriend ni Kathryn.
Makikita rin sa mga screenshot na marami sa netizen ang pinipilit na pinapaamin si Daniel kung may katotohanan nga ba ang haka-haka tungkol sa kanila ni Andrea.
Read: Not true says Robi Domingo about allegedly unfollowing Daniel Padilla, Andrea Brillantes on IG
May iba pang animo'y sinisisi siya sa pagkabuhag ng tambalang KathNiel.
Imbes na seryosohin, idinaan na lang sa biro ni Daniel ang pagsagot sa mga ito lalo na't alam niyang biro lang din ito ng netizens.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "guys there are many Daniels sa buong mundo.
"iba po yun surname ko talaga promise [laugh in tears emoji].
"salamat pows. God bless."
Ipinost din ito ni Daniel sa kanyang Instagram Story.
Aniya, "guys pls iba po yun surname ko. maraming daniel sa mundo salamat po."

Marami namang netizens ang natuwa sa hirit na ito ni Daniel.
Sa comments section ng kanyang post, bumuhos ang komento ng netizens at ilang celebrities na natuwa sa kanyang naging buwelta.
Saad ni Ruffa Gutierrez, "Lolll [laugh in tears emojis]."
Sabi ni Giselle Sanchez, "I cannot [laugh in tears emojis]."
Ani naman ni Denise Laurel, "Hahah i feel you brooooo gahahahah till this day i have to deal with DENNIECE CORNEJO AND FOODS SA CONDO.. and bakit ko inaaway si kuya vhong."
Dagdag pa ng isang netizen, "Inosente po Si Daniel MATSUNAGA guys, wag nyong lahatin ang mga Daniel."
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
