PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."

Rayver on Julie: "I respect her family so much. I respect her so much."
by Melba R. Llanera
Published Nov 29, 2023
Rayver Cruz on girlfriend Julie Anne San Jose
Rayver Cruz on girlfriend Julie Anne San Jose: "Nagdya-jive kami sa lahat, from music, mga hilig namin... Tapos parehas kaming maka-pamilya, God-fearing, masayahing tao. Talagang pasok na pasok kami sa lahat."
PHOTO/S: Melba Llanera / @rayvercruz Instagram

Hindi man makapagbigay ng timeline si Rayver Cruz kung kailan mauuwi sa kasalan ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose, tiniyak ng Kapuso actor na nakita na niya sa kasintahan ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

"Mahirap magbitaw ng salita, pero malapit na, kasi hindi na tayo bumabata," pahayag ni Rayver.

"Wala siyang timetable, but definitely I want my own family.

"At kung gusto ninyong marinig, yes, I will marry Julie Anne San Jose.

"Mahirap pang sabihin kung ano yung exact, pero alam ng Panginoong Diyos at alam naman niya kung gaano ko siya kamahal."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa birthday celebration ng Beautederm President at CEO na si Rei Aninoche-Tan sa Luxent Hotel, sa Quezon City, noong November 25, 2023.

Nang usisain kung kailan niya balak mag-propose kay Julie Anne, sabi ni Rayver, "Nakakatawa naman yung questions na ganyan. Mahirap talagang sagutin na diretso kung kailan magpo-propose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, pag di mo naman nasagot nang tama, maraming masasabi ang mga tao."

Sabay diin ng binata, "I just know deep in my heart na si Julie Anne na, siya na talaga.

"Ine-enjoy din namin yung relationship namin now. When the right time comes malalaman ko, in God's time...

"I respect her family so much. I respect her so much."

Read: Dianne Medina on brother-in-law Rayver Cruz and Julie Anne San Jose: "Magkakatuluyan sila."

RAYVER'S IDEAL WEDDING

Nang tanungin naman ng PEP.ph kung ano ang ideal wedding na naiisip niya para sa kanila ni Julie Anne, nagpaunlak si Rayver.

"Simple lang ako, gusto ko church pa rin. Kami as family, every Sunday nagsisimba kami.

"Hindi na lang kami masyadong sama-sama ngayon dahil kami na lang tatlong magkakapatid. Yung brother naming isa nasa Cebu na, si Rodjun nasa North na.

"Pero pag may time na magkakasama kami, like nandun ako kay Rodjun, nakakapagsimba kami na magkasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakatatandang kapatid na si Rodjun Cruz, na kasal sa TV host-actress na si Dianne Medina, ang gustong tularan ni Rayver kapag bumuo na siya ng sarili niyang pamilya.

"Actually, hindi na niya kailangang mag-advise, kasi si Rodjun na ang pinaka-perfect role model for me. Masuwerte ako na may kuya ako na kagaya niya, family man, he loves his family so much.

"Si Joaquin [Rodjun's son], sobrang cute, di ba? Pag mayroong kuya ka na nakasuporta sa iyo all the way, magiging maayos ang buhay mo."

Read: Rayver Cruz declares love for Julie Anne San Jose: “Ikaw na talaga yung nakikita kong makakasama ko sa habang buhay.

ON HAVING SHARED INTERESTS WITH JULIE ANNE

Inisa-isa rin sa amin ni Rayver ang mga dahilan kung bakit click na click sila ni Julie Anne.

Sabi niya, "Everything, e. Nagdya-jive kami sa lahat, from music, mga hilig namin. Makikita niyo naman sa TikTok yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos parehas kaming maka-pamilya, God-fearing, masayahing tao. Talagang pasok na pasok kami sa lahat."

Kapwa nakaranas ng breakup sina Rayver at Julie Anne bago sila nagkaroon ng relasyon.

Ang huling nakarelasyon ni Rayver ay si Janine Gutierrez, samantalang si Julie Anne ay si Benjamin Alves ang dating nakarelasyon.

Tinanong namin si Rayver kung ano ang kanyang natutunan sa huli niyang relasyon na ina-apply nito ngayon sa relasyon nila ni Julie Anne.

"Parang hindi mo na iisipin kung ano ang mga past experiences mo," sagot ni Rayver.

"Ako kasi, pag mahal ko ang isang tao, mahal ko.

"Siguro pinaka-the best thing is to put God in the center of the relationship and everything will be okay."

Read: Rayver Cruz, naisip bang mag-propose kay Julie Anne San Jose sa gitna ng bombahan sa Israel?

Sa nalalapit na Kapaskuhan, masayang ibinahagi ni Rayver na magkakasama sila ni Julie Anne sa espesyal na araw na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, bibisita ako sa kanya, sa family niya, kay Rodjun... Kasi mga taga-North naman sila, e. Magkalapit sila ni Rodjun, so mas madali."

CHRISTMAS PLANS, NEW PROJECT

Si Rayver ay isa sa mga artistang nag-ober da bakod mula ABS-CBN at ngayon ay nasa GMA-7 na.

Masaya at labis ang pasasalamat ni Rayver sa mga magagandang proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

"Sobrang thankful, super blessed. Hindi ko tine-take for granted ang lahat ng projects na pinagkakatiwala sa akin ng Kapuso Network.

"Mas lalo ko pang pinagbubutihan kasi nakakataba ng puso na palaging may magandang project akong nasasalihan.

"Pagbukas ng 2024, new show uli. Ayun, excited ako. Ito ay Asawa Ng Asawa Ko.

"Sa GMA Telebabad po kami, so excited kami. This January na.

"This is with, of course, Ms. Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, Martin del Rosario, Direk Gina Alajar, at marami pang iba. Directed by Direk Laurice Guillen."

Read: Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on girlfriend Julie Anne San Jose: "Nagdya-jive kami sa lahat, from music, mga hilig namin... Tapos parehas kaming maka-pamilya, God-fearing, masayahing tao. Talagang pasok na pasok kami sa lahat."
PHOTO/S: Melba Llanera / @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results