PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista prefers dating abroad: "Ayokong makipag-date dito!"

Kakai Bautista prefers European guys over Pinoys
by Jerry Olea
Published Nov 27, 2023
kakai bautista dating
Kakai Bautista on her experience dating Filipino men: "Usually kasi sa mga nakakausap ko ditong Filipinos, lagi silang nasusurpresa pag sinabi nila, ‘I never thought that you were that smart.’ Sabi ko, ‘Sana, ikaw din.’ Charot! Ganun, nasu-surprise sila na ano pala ako, may utak naman pala ako. Hindi lang ako komedyante."
PHOTO/S: Jerry Olea

Sabi-sabi, season of breakups sa local showbiz nowadays. Nakaka-relate ba si Kakai Bautista sa mga hiwalayan?

Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups

Napatili si Kakai, “Ano ba yan?! Wala naman akong hihiwalayan! Ha! Ha! Ha! Ha! Wala naman akong hihiwalayan!

“Matagal na akong walang dyowa, at matagal na… may mga dine-date ako pero wala namang official, di ba?

“May MGA, ha, in fairness. May MGA! Ha! Ha! Ha! Ha! Madami, ibig sabihin! Chareenngg!”

Saan-saan niya nakaka-date ang mga iyon?

“Sa ibang bansa, ganun. Dito? Wala, e! Wala dito. Pero halos lahat, sa ibang bansa. Ayokong makipag-date dito!” deklarasyon ng Dental Diva sa star-studded birthday celebration ni Ms. Rei Anicoche Tan na CEO ng Beautederm noong Nobyembre 25, 2023, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Masyado siyang abala?

“Masyado akong na-trauma sa mga tao dito para makipag-date pa ako dito! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak muli ni Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka na lang muna yung date dito pag ano, pag talagang official na.”

Read: Kakai Bautista clarifies she's not giving up on love despite past traumas

DATING GAME

Bisi-bisihan pa siya sa mga araw na ito. Kailan pa siya magkakaroon ng panahong pumunta sa ibang bansa para makipag-date?

“Basta ang rule ko, kung sino ang mga naka-date ko sa ibang bansa na gusto akong makita ulit, sabi ko, ‘You go to the Philippines to see me again.’

“Ganun lang. Pag hindi nagpunta dito, e, di babu!”

Pag date sa ibang bansa, matic na ba na meron iyong eme, as in kinemfer-kemfer?

“Ay! Hindi ako ganun!” mabilis na sagot ni Kakai.

“Sorry, guys, pero hindi ako ganun.

“Kailangang i-value ko yung pagkababae ko. WOW! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi nakakatakot, di ba? Nakakatakot pag sa ibang bansa. Malay mo, di ba? Maeme ako dun, susme?! Ma-killer-killer pa ako dun?! Syokot!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May preferred ba siyang lahi ng banyaga — black, Arabo, European or what?

“European. European kasi naiintindihan nila yung utak ko. Kasi, ang mga Pilipino, hindi naiintindihan ang utak ko, e.”

Anong utak ba yun, may saltik?

Tumango ang Dental Diva, “Oo, eto wala naman itong ano, pero kasi, usually kasi sa mga nakakausap ko ditong Filipinos, lagi silang nasusurpresa pag sinabi nila, ‘I never thought that you were that smart.’

“Sabi ko, ‘Sana, ikaw din.’ Charot! Ganun, nasu-surprise sila na ano pala ako, may utak naman pala ako. Hindi lang ako komedyante.

“Hindi ako nagbubuhat ng bangko. Sinabi ko lang talaga ang dahilan. E, minsan din kasi, hindi din naman nage-gets ng mga iba.

Read: Kakai Bautista, mas type maging dyowa ang foreigner

Ayaw niyang magpa-tweetums at magkunwaring bobing-bobing?

“Ganun naman talaga ako sa totoong buhay. May sense akong kausap,” pagmamatwid ni Kakai.

“Siguro nasu-surprise sila kasi iba yung nakikita nila sa TV, iba yung nakikita nila sa ganito. Akala nila, komedyante lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, yung mga non-showbiz na nakakausap ko, nabibigla sila na, ‘Oh, I’m surprised that you’re smart.’ ‘Sana, ikaw din!’ Charot!”

DONBELLE & CASSREN

Nagpasalamat si Kakai sa mga sumusuporta sa seryeng Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

“Masaya yung buong production dahil sa suporta niyo,” lahad niya.

“Overwhelming support hindi lang sa DonBelle, pati sa mga cast. At kumapit kayo, kasi paganda pa nang paganda.”

Ano ang nakikita niya o napapansin sa DonBelle as time goes by?

“Malalayo pa ang mararating ng mga bata. Kasi, mahusay sila and nakita ko yung professionalism ng mga bata,” sambit ni Kakai.

“Marami pa silang energy kaya kayang-kaya pa nila, e. Pero ayun, sa tingin ko, malayo pa ang mararating nila.

“Basta, huwag lang nilang kalimutan kung saan sila nagsimula. Iyun ang pinakaimportante.”

Read: Kakai Bautista all-praises for DonBelle: "Sweet sila. Gusto ko silang itulak...Sana all."

Nasa cast din ng MMFF 2023 official entry na When I Met You In Tokyo si Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakasama ba niya sa promo sina Cassy Legaspi at Darren Espanto? If ever, ano naman ang napapansin niya sa CasRen?

“Masaya kami dun, masaya ang galawan namin. Kilala ko na ang mga bata, sina Cassy at Darren,” saad ni Kakai.

“Happy-happy naman kami. Pag promo, nagkikita-kita kami. Happy naman kami. Masaya. Sa tingin ba niya, may special something na talaga sa CasRen?

“Ay naku, ewan ko sa dalawang yun!” bulalas ni Kakai.

“Hindi naman nagsasalita yung dalawang yun.

“Basta sabi ko sa kanila, ‘Ang importante, OK kayo. Kung saan kayo masaya,’ sabi ko sa kanila.

“Malaki na si Cassy, alam na niya ang gagawin niya, di ba? Enjoy-in na lang niya kung ano ang mga ganapan, di ba? Basta ang importante, happy. Happy!”

Maliban kay Kakai, present sa birthday payanig ni Ms. Rei sina Bea Alonzo, Manay Lolit Solis, Maja Salvador, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Glydel Mercado, Enchong Dee, Maricel Morales, Jimwell Stevens, Jillian Ward, Ynez Veneracion, Kitkat, Alex Castro, Ervic Vijandre, Ysabel Ortega, Kyle Santiago, Sherilyn Tan, Luke Mejares, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hosts sina DJ JhaiHo at DJ Chacha. Merong pa-bingo at iba pang games, plus raffle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista on her experience dating Filipino men: "Usually kasi sa mga nakakausap ko ditong Filipinos, lagi silang nasusurpresa pag sinabi nila, ‘I never thought that you were that smart.’ Sabi ko, ‘Sana, ikaw din.’ Charot! Ganun, nasu-surprise sila na ano pala ako, may utak naman pala ako. Hindi lang ako komedyante."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results