PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo and Lolit Solis patch things up

Lolit Solis: "Magso-sorry ako at sincere ako, sincere ako doon"
by Nikko Tuazon
Published Nov 25, 2023
Bea Alonzo
Bea Alonzo (right) and Lolit Solis (center) resolved their enduring feud on November 25, 2023, during Rhea Anicoche-Tan's (left) birthday celebration. The showbiz columnist/talent manager extended her profuse apologies to the Kapuso actress, saying, "Oo, talagang apologetic ako talaga sa kagagahan ko, di ba?"
PHOTO/S: Gorgy Rula

Nagkabati na ang aktres na si Bea Alono at ang veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Naganap ang kanilang pagbabati sa birthday celebration ng Beautéderm CEO na si Rhea Anicoche-Tan na ginanap nitong Sabado, November 25, 2023, sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Saksi sa kanilang pagbabati ang PEP Troika columnist na si Gorgy Rula, na agad nagpadala ng video ng kanilang pagbabati sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Rhea ang naging tulay upang makapag-usap at makapagkapatawaran ang dalawang panig.

Masaya si Bea lalo't naganap ito bago ang Kapaskuhan.

Aniya, "Christmas na Christmas... ang Christmas ay panahon ng pagmamahalan, mga kapatawaran, di ba?"

Kasunod nito, inamin ni Lolit na wala siyang galit talaga kay Bea at "pinaglaruan" lang niya ang aktres dahil sa isang taong malapit dito.

Saad niya, "Ever since naman, hindi ako galit sa kanya. Kahit noon pa, sinasabi ko, kahit saan ko pa siya makita, magso-sorry ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang that time, pinaglaruan ko lang dahil naiirita ako sa isang taong malapit sa kanya."

Personal ding ipinarating ni Lolit ang kanyang paghingi ng tawad kay Bea.

Pahayag ng talent manager, "Oo, talagang apologetic ako talaga sa kagagahan ko, di ba?

"Talagang sabi ko, 'Bakit ko ba inaano itong si Bea e, hindi naman kami magka...' Ang ibig ko sabihin, hindi naman kami magka-close.

"Pero talagang kagagahan ko, tuluy-tuloy yun e."

Dagdag ni Lolit, "Marami naman akong naririnig na magagandang bagay tungkol sa kanya. Sina Lorna [Tolentino], sinasabi sa akin mabait siya.

"Sina Christopher de Leon, sinasabi sa akin. Yung mga alaga kong artista, lahat [pina-review] siya kaya alam kong mabait siya.

"Kaya... kaya sabi ko, 'Bakit ko ba ginaganito si Bea, e, hindi ko naman kami... wala naman kaming pinag-awayan?'"

Bukod dito, ipinarating din ni Lolit ang kanyang maagang pagbati kay Bea dahil ikakasal na ito sa kanyang long-time boyfriend na si Dominic Roque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Lolit, "Ngayon pa lang binabati ko na siya kasi sabi, ikakasal na si Bea, di ba?"

Masaya naman si Rhea dahil nagkaayos na ang dalawa lalo't matatandaang sa press conference din ng kanyang beauty brand nagsimula ang hidwaan nila.

Aniya, "Ang sarap po kasi dapat naman talaga sa pamilya... iisa lang po yung industriya nating lahat kaya napakasarap yung feeling. Speechless."

Nagsimula ang galit ni Lolit kay Bea nang ipatanggal siya umano ng aktres sa guest list ng media na iimbitahin sa presscon ng iniendorso nitong beauty brand noong March 2022.

Mula Abril hanggang Oktubre 2022, sunud-sunod na pambabatikos sa karera, personal na buhay, at hitsura ng aktres, ang ibinahagi ni Lolit sa kanyang social media accounts.

Matagal nang tahimik ang kampo ni Bea hanggang noong Oktubre 10, 2022, nagbigay ng exclusive interview si Shirley Kuan, ang manager ni Bea, upang ipagtanggol ang kanyang alaga.

Samantala, medyo speechless naman si Bea sa lahat ng kaganapan lalo't hindi nito inasahan ang mga pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang tanungin si Bea ng kanyang birthday wish para kay Rhea, sabi nito, "Sorry, nagugulat ako, hindi ko alam na mangyayari itong lahat. Parang ako... shocked.

"Siyempre, alam nating mabuti talaga yung puso ni Ma'am Rei kaya nga ganito karami yung taong nagmamahal sa kanya. I wish her all the best, siyempre."

Sa pagpapatuloy ng panayam, tinanong ng press si Bea ng kanyang mensahe para kay Lolit.

Sabi ng Kapuso actress, "Merry Christmas! Nagulat ako, hindi ko alam... Ngayon lang kami nag-meet sa personal."

Muli namang humingi ng tawad ni Lolit, "Yun nga, apologetic ako, so kagagahan ko sa kanya.

"Pero, yun nga, magso-sorry ako at sincere ako, sincere ako doon, sa sorry ko talaga!"

Patuloy naman ni Bea, "And I wish you good health more than anything. Totoo iyan."

Sagot naman dito ni Lolit, "And I wish you good life, with Dominic."

Video: Gorgy Rula (video), Rommel Llanes (edit).

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (right) and Lolit Solis (center) resolved their enduring feud on November 25, 2023, during Rhea Anicoche-Tan's (left) birthday celebration. The showbiz columnist/talent manager extended her profuse apologies to the Kapuso actress, saying, "Oo, talagang apologetic ako talaga sa kagagahan ko, di ba?"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results