PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Muñoz Loses PHP500K to Stolen Card.

Arci: “Okay lang sana kung pinang-travel ko, pinang-produce ko ng pelikula..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 24, 2023
Arci Muñoz's credit card
Arci Muñoz reminds travellers: "Very unfortunate talaga yung nangyari sa akin, pero ayun, awareness. Maging aware tayo at huwag tayong masyadong pakampante sa kahit saan."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Umabot sa kalahating milyon ang nasibat sa nanakaw na credit card ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz.

Noong November 10, 2023, ibinahagi ni Arci sa publiko ang itinuturing niyang "horror story in the sky" nang manakawan siya ng credit card sa loob ng isang business class plane.

Pabalik noon si Arci sa Pilipinas galing bakasyon sa Japan, at nag-layover ang eroplano sa Incheon International Airport sa South Korea.

Read: Arci Muñoz's credit card stolen during business-class flight; warns public about new modus

Nang dumalo si Arci sa advance screening ng first Filipino original Netflix series na Replacing Chef Chico nitong Huwebes November 23, 2023, muli siyang nausisa ng entertainment press kung paano siya natangayan ng ganoong kalaking halaga.

Kuwento ng aktres, sakay siya ng Korean Air pauwi ng Pilipinas nang mangyari ang insidente.

Natutulog lang daw siya noong mga oras na iyon nang bigla siyang magising dahil sa isang hindi kilalang lalaki na nakatayo sa kanyang cubicle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Arci, “I know yung bag ko nilagay ko doon sa footrest, e, two hours lang naman ang flight ng Japan to Korea.

"So, nag-nap lang ako. Paggising ko, wala na yung bag ko doon.

"Tapos yung lalaki, Chinese-looking, nakatayo sa cubicle doon sa plane, sa cubicle ko.

"He was getting my magazine. Pagkakita ko, yung bag ko nasa aisle na. Binitawan niya doon kasi nakita niya ako."

Hindi raw agad pinag-isipan nang masama ni Arci ang lalaki dahil hindi naman niya alam kung ano ang ginagawa nito sa kanyang harapan.

Saad niya, "Ayoko maging judgmental. I wanted to avoid conflict.

"Pagkita ko, when I searched my bag, nandoon naman yung wallet ko. And usually, I have a card holder, e, hindi ko naisa-isa yung cards.

"Ayun pala, I'm missing one card na."

May lumapit naman daw na flight attendant sa kanya at doon niya ni-report ang paglapit ng lalaki sa kanyang cubicle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I also did a report, kasi lumapit yung flight attendant. Pero kasi, ayoko magkaroon ng komosyon, ayoko ng gulo.

"Kaya sabi ko, 'It's okay, everything's here.'

"Late ko na na-realize na modus nila yon."

Kung susumahin, kalahating milyon daw ang nakuha sa credit card ni Arci bago pa man niya ito mapansin at mai-report sa bangko.

Ito raw kasi ang ginamit ng kawatan sa pagbili nito ng brand new iPhone at diamonds na alahas sa iba't ibang bansa gaya ng Vietnam at Indonesia, kaya ganoon na lamang ang paghihinayang ng aktres.

Ani Arci, “Okay lang sana kung pinang-travel ko, pinang-produce ko ng pelikula [yung PHP500K].

"Pinaghirapan ko yan. Ang sakit talaga.

“Kaya noong time na nalaman ko, pina-cut ko talaga, I went straight to the bank.

"Pero siyempre yung investigation nila, sinabi nila na parang it's my responsibility daw yung card.

"E, sabi ko, 'Nanakaw nga e.' Tsaka sana may alert. Kasi usually pag nag-withdraw ako, may text sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But this time, wala talaga akong na-receive. So, feeling ko, modus talaga nila yan."

ARCI'S REMINDER TO ALL TRAVELLERS

Sa huli, hindi man daw mabawi ni Arci ang natangay na pera sa kanya, umaasa siyang hindi na ito mangyayari pa sa kanya at sa iba pang travelers.

Kalakip ng paalala niya sa lahat na sa anumang oras at lugar ay palaging maging maingat at alerto.

Sabi niya, "I really need to be alert. It was so unfortunate, kasi hindi ko talaga alam gagawin ko.

"I am heartbroken, hindi pa nababalik [yung perang nakuha].

"So, guys, take care talaga. Pasalamat na lang ako wala nangyari sa akin.

"So really be careful. Especially when you are solo traveling."

Dagdag pa niya, "Very unfortunate talaga yung nangyari sa akin, pero ayun, awareness.

"Maging aware tayo at huwag tayong masyadong pakampante sa kahit saan.

"Imagine, I thought I was in a safe place, pero ayun pa rin nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz reminds travellers: "Very unfortunate talaga yung nangyari sa akin, pero ayun, awareness. Maging aware tayo at huwag tayong masyadong pakampante sa kahit saan."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results