PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee on Pinoys' Beauty Queen Preference

National Artist Ricky Lee moves on from hawi incident.
by Jerry Olea
Published Nov 24, 2023
ricky lee on beauty queens
National Artist Ricky Lee after "hawi" incident: “Actually, masarap din sa pakiramdam! Kasi, lahat naman halos, 90 percent ba o 95, nagtatanggol sa akin, e. So, parang… hindi ko ine-expect na andami ko namang supporters?! Maski hindi ako kilala, parang andaming na-concern sa akin at sa National Artist, at sa artist in general. So, parang… pag inisip ko yun, okay na…na nangyari siya maski medyo hassle.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Naka-recover na si National Artist Ricky Lee sa isyu ng paghawi sa kanya ng isang security escort ni Pia Wurtzbach.

Nangyari ito sa Manila International Book Fair 2023, noong Setyembre 14, sa SMX Convention Center, Pasay City.

Read: National Artist Ricky Lee speaks up about "hawi" incident with Pia Wurtzbach at book fair

“Oo, I had to recover!” bulalas ni Sir Ricky nitong Nobyembre 23, Huwebes ng hapon, sa upisina ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, Manila.

“Dahil so much attention uli, andami-daming gustong mag-interbyu na iba-ibang shows, iba-ibang diyaryo.

“So, after a couple of interviews, sabi ko, ‘Tama na! Kasi nasabi ko na.’ At saka baka masuka na ang mga tao na puro na lang ako, puro na lang ako, andami na ngang ibang mga issues.

“Pero OK naman na napag-usapan. At saka si Pia naman was very gracious. Agad-agad nag-text siya.

“Agad nag-sorry siya, paglabas na paglabas pa lang. Ambilis nga niya, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Hawi" incident na kinasangkutan ni National Artist Ricky Lee, nagbukas ng maraming diskusyon

Ano ang feeling niya na andaming nag-react sa hawi incident na iyon?

“Actually, masarap din sa pakiramdam! Kasi, lahat naman halos, 90 percent ba o 95, nagtatanggol sa akin, e,” sambit ni Sir Ricky.

“So, parang… hindi ko ine-expect na andami ko namang supporters?! Maski hindi ako kilala, parang andaming na-concern sa akin at sa National Artist, at sa artist in general.

“So, parang… pag inisip ko yun, OK na… na nangyari siya maski medyo hassle.”

BEAUTY QUEENS OVER NATIONAL ARTISTS

Dahil sa hawi incident, may mga naghimutok na mas pinapahalagahan pa ng mga Pinoy ang isang Beauty Queen kesa sa isang National Artist.

Pag-ayon ni Sir Ricky: “Oo, in fact nabanggit ko sa isang interbyu na may kaibigan akong sikat na sikat at mahusay na mahusay na direktor, na kapapanalo lang niya sa isang big festival abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Best director, best film, wala siyang masakyan sa airport. Hirap siyang maghanap ng taxi.

“Eventually, may kaibigan kaming pumunta para sunduin siya.

“Kung beauty queen yan, o sports yan na celebrity, susunduin yan diyan. May motorcade yan, diretso ng Malacañang, may mga regalo iyang house and lot.

“At may mga kung anu-ano pang mga pera and everything and benefits.

“Hindi ko naman minamaliit ang achievement nila. Sana lang din, yung artists, maski kalahati man lang, makapantay din sa pagtingin natin sa kanila.

“Pero ang mga tao kasi, hindi nila mawari ang artist, e. Nawawari nila ang artista, beauty queen, sports man. Kilala nila, alam nila, e.

“Ang artist, hindi nila malaman, e. Ano ba ang artist? Elitista ba iyan? Weird ba iyan? Baliw ba iyan?

“May silbi ba iyan sa ekonomiya ng bayan? Wala tayong makain, ano ang maitutulong ng mga artists sa atin?

“May pagka-abstract minsan ang idea nila ng artist. I think that’s one reason why okay itong pagbibigay ng Order of National Artist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, maski papaano, napo-popularize sa mga kababayan natin kung ano ang artist, kung sino siya, bakit siya mahalaga? Anong mga nagawa niya?

“Even sa nation building, nakakatulong ang trabaho naming mga artist.”

Read: Directors Mac Alejandre, Brillante Mendoza react to "hawi" incident involving National Artist Ricky Lee

STILL ACTIVE AT 75

Kahit 75 years old na siya, napaka-active pa ni Sir Ricky sa iba’t ibang gawain.

“Hindi ako tumitigil. Sinusulat ko ngayon ang memoirs ko. Gagawa ako ng stage play,” pahayag ni Sir Ricky.

“Hopefully, collaboration with Ryan Cayabyab. Musical. And so on and so forth.

“So, busy na ako bago mag-National Artist, mas busy pa ngayon. Siyempre, dagdag ka-busy-han yung andaming imbitasyon, andaming calling for attention.

“Natanggap ko na rin yun. Dati naaasiwa ako na, Why all the attention? Why all the recognition?

“Hayaan mo na lang kaming mag-create nang mag-create nang mag-create peacefully. Tulungan niyo na lang akong maka-create peacefully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But then na-realize ko na importante yung kakabit na atensiyon. Kasi, it brings focus to what the writer does, to the importance of artists and writers lalo na, so okay na rin.”

Streaming na sa Vivamax umpisa Disyembre 1 ang pelikulang Ganti Ganti, tampok sina Angeli Khang, Yen Durano, Mark Anthony Fernandez, at Sean de Guzman. Idinirek ito ni Mac Alejandre, sa panulat ni Sir Ricky.

May kasunod pa siyang Vivamax movie.

Read: National Artist Ricky Lee elevates quality of Vivamax via his scripts

Iyong isang short story niya ay isasapelikula ng Star Cinema, at tatampukan nina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo.

Meron din siyang screenplay para sa GMA Pictures, pero hindi pa niya puwedeng i-divulge ang mga detalye nito.

Maliban sa memoirs, isinusulat din ni Sir Ricky ang isang bagong nobela, at ang manual na Trip To Quiapo 2.

“Usually, sabay-sabay akong magsulat, e,” pakli ni Sir Ricky.

Siyanga pala, nasa NCCA si Sir Ricky noong Huwebes kaugnay sa media launch ng "Call for Nominations" sa bagong cycle ng Order of National Artist na igagawad sa Hunyo 30, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatawag ang pansin ng iba’t-ibang samahan at organisasyon na mag-nominate ng mga Filipino artist — kabilang iyong nasa iba’t ibang rehiyon, at iyong nasa ibang bansa.

Ang deadline ng nomination ay Hunyo 30, 2024.

Anim na buwan ang research para sa bawa’t nominee, Hulyo-Disyembre 2024. Ang deliberation ay Enero-Mayo 2025.

Maliban kay Sir Ricky, present sa nasabing paglulunsad ang National Artists na sina Alice Reyes at Dr. Gemino H. Abad.

Dr Gimeno Abad Alice Reyes Ricky LeeGimeno Abad, dancer Alice Reyes, at writer Ricky Lee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay ng mensahe ang isa pang National Artist na si Ryan Cayabyab.

Naroon din ang presidente ng CCP na si Michelle Nikki Junia, NCCA Chairperson Victorino Mapa Manalo, CCP Chairperson Jaime C. Laya, NCCA Deputy Executive Director Marichu G. Tellano, at NCCA Executive Director Oscar G. Casaysay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee after "hawi" incident: “Actually, masarap din sa pakiramdam! Kasi, lahat naman halos, 90 percent ba o 95, nagtatanggol sa akin, e. So, parang… hindi ko ine-expect na andami ko namang supporters?! Maski hindi ako kilala, parang andaming na-concern sa akin at sa National Artist, at sa artist in general. So, parang… pag inisip ko yun, okay na…na nangyari siya maski medyo hassle.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results