Muling nabuhay ang isyu ni Heart Evangelista at ng dating glam team.
Si Heart na rin ang nagbuhay nito.
Sa YouTube vlog upload ni Heart ng November 23, 2023, tampok sa first episode ang highlights ng kanyang New York Fashion Week journey ng September.
Halos isang oras ang haba ng video na dokumentado ang bawat kibot ng Kapuso star at celebrity endorser. Ipinakita ang mga lugar na pinuntahan para sa fittings, mga bagong damit at sapatos na binili, at mga kinainang restaurants.
Tampok din sa video ang usapan ni Heart at ng dating manager nitong si Arnold Sebastian Mendoza, na nakabase na ngayon sa New York.
Tungkol ito sa pagtitiwala at pagkakasira ng samahan.
Wala silang binabanggit na mga pangalan, pero mahihinuhang ang tinutukoy ay ang dating make-up artist ng aktres, na si Justin Soriano, at ang kanyang dating hairstylist, na si Jeck Aguilar.
Nakunan at nagsalita rin sa video ang bagong make-up artist ni Heart na si May Francisco, pati na ang mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero.
HEART EVANGELISTA'S BAD PARTING WITH "BASTOS" PEOPLE
Makahulugang sabi ni Heart: “You cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few—especially when they want more.”
Pagsusog naman ni Arnold: “You can't be everybody's cup of tea. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang hindi mo...ayaw sa iyo.
“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano... di ba?”
Read: Heart Evangelista, nananatiling tahimik tungkol sa isyu ng dating glam team
Lumalabas sa kuwentuhan ng dalawa na tingin nila ay walang utang na loob at may attitude problem ang mga taong pinag-uusapan.
Ani Heart: “If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, kayo puwede? Bawal akong mag-react?”
Sambit ni Arnold: “Bastos talaga.”
Dugtong ni Heart: “Dear, ito na nga yung pinakagrabe sa lahat. Sinabi niya sa akin na kailangan daw ng tatay ng kidney..."
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy sa nagsialisan sa glam team, at hindi rin malinaw kung kidney mismo ang hiningi o perang pangkuha ng kidney o perang pang-kidney transplant.
Astang kinakausap ang mga taong "grabe," sabat ni Arnold: “'Day, nagiging ano kayo, influencer, dahil kay Heart.
“Mga bakla kayo, magre-resign kayo—sulat? Kakapal naman ng mga mukha niyo.
"Puwede mo namang kausapin yung tao. May magagawa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan?
"Pero, sana, namili kayo nung maayos na paraan.”
Pagsang-ayon ni Heart: “True.”
Isinama pa man daw ni Heart ang mga hindi tinutukoy na mga tao sa kung saan mang bansa siya pumunta.
Pero tila mas gusto raw ng mga itong mamasyal kaysa magtrabaho.
Susog ni Arnold na astang kausap pa rin ang tinatawag niyang "mga bakla": “Dinala kayo sa ibang bansang hindi niyo kayang puntahan. Libre.
"Tapos gusto niyo maglamiyerda. E, 'Day, trabaho muna.
“Puwede naman din yung ganun, pero kaya kayo nakilala, dahil kay Heart—tandaan niyo iyan.
"Hindi kayo makikilala kung hindi si Heart yung inayusan niyo, pinaganda niyo.
"At sa totoo lang, hindi niyo naman kailangan pagandahin si bakla."
HEART ON THE PERSON WHO "HAD ME AT MY WORST”
Sa pagpapatuloy ng vlog, ipinasok ni Heart ang mahabang pinagsamahan nila ni Arnold.
Naging direktor niya ito sa isang show nang lumipat siya sa GMA-7 mula ABS-CBN hanggang sa maging manager na raw niya ito.
Lahad ni Heart: “Kasi si Arnold, saka kami ni Arnold, nung mga times na nag-umpisa kami, he had me at my worst.
"So, yeah, so now, meron o wala, lagi siya nandiyan. And now that I'm in New York, nandun siya.
"And that's really the test of friendship kasi you really go through ups and downs.
"And the people that really, you know, stand by your side, even at your worst, even pati ikaw, when you look back, 'Grabe, ang sama ng ugali ko noon.’
"Parang, 'Bakit ako naging ganito?'
"Sila pa yung mag-e-explain sa iyo, 'Kaya ka naging ganito kasi ganito yung sitwasyon mo.' Yung they, they understand.
"So ngayon, during the good times, he's also there.
"And, iba siya. They don't make it like that anymore.”
Read: Heart Evangelista on breaking up with friends: "Mas nasasaktan ako..."
HEART THREATENED BY MGA HINDI TOTOONG KAIBIGAN?
Sa puntong ito, inungkat nina Heart at Arnold ang sinasabing "baho" ni Heart na inilabas daw ng mga hindi pa rin pinangalanang mga tao.
Astang kausap pa rin ang mga ito, sumbat ni Arnold: “Ang kakapal ng mga mukha niyo, na kinukuwentuhan kayo ni Heart ng mga nararamdaman niya kasi, akala niya, mga totoo kayong kaibigan.
"Pero ginawa niyong alas yun.
“Hindi kayo totoong kaibigan. Ang kaibigan, kahit alam mo yung baho, pero pag nagkaaway kayo, hindi mo ilalabas yun kasi magkaibigan kayo.
“Dati kayong may pinagsamahan.”
Sabat ni Heart: “You know, alam nila takot ako.
"Pero hindi nila akalain kasi na okay lang sa asawa ko na hindi ako perfect, yung ganun. Like, akala nila na…"
Dugtong ni Arnold: “Akala nila, forever ka nila mahahawakan.”
Hindi klaro ang "baho" na sinasabing alam at ikinalat ng mga taong pinatututsadahan nina Heart at Arnold.
Hindi rin klaro kung paano ito kumalat at kung kani-kanino ito nakarating.
At lalong hindi klaro kung ano yung "okay lang sa asawa ko na hindi ako perfect" na binabanggit ni Heart mismo.
Ito ba ay patukoy sa paggastos at pagshopping ni Heart sa Paris?
Sa matagal niyang pamamalagi roon?
Sa pagbili ng hindi-murang unit sa premier European city?
Sa pagtitipid ng fashion icon pagdating sa kanyang glam team?
O mayroon bang mas matindi pang isyu?
Walang linaw sa ngayon.
Ang malinaw ay ang sumatotal ni Heart: "Akala nila na-rob nila yung bank, at itinakbo na yung pera, pagbukas nila ng, ano, yung parang… yung pagbukas nila ng bank, e, wala palang laman.”
Ngunit sa takbo ng usapan nina Heart at Arnold, at base sa pagtanong-tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may alam ang mga dating itinuring na kaibigan tungkol sa mas matindi at mas personal pang bagay.
At tila ito'y patungkol sa relasyon ni Heart kay Chiz.
Pagkokondena ni Arnold: "Ang taong may masamang balak talaga, hindi magtatagumpay.
"Sa totoo lang, sana naman... sana naging grateful na lang kayo. Ano bang mawawala naman sa inyo, di ba?
"Minsan isang panahon, natulungan naman kayo ni Heart.
"Sa totoo lang, hindi naman palagi perfect ang relasyon.
"Palagi may tampuhan, dun mo malalaman na mahal mo pala talaga itong taong ito, ayaw mong matapon na lang yung friendship."
Sabi pa niya tungkol sa aktres: “Ang masasabi ko lang sa kanya, kilala niya yung sarili niya.
"Alam niya kung sino siya. Alam niya kung ano yung kabutihan doon sa puso niya.
"Di ba, palagi niya iyang sinasabi, 'Ako po si Heart Evangelista. Maarte ako. Pero, may mabuti naman akong puso.'”
Pagsang-ayon ni May, na siya ngayong parte ng glam team: “Heart is the type of person na she would love you with your flaws.
"I mean, she trusts all of us. She's vulnerable. She's vulnerable to pain.
"Ang gusto lang niya, parang, love me, and I'll love you back.”
Dito ay may isa pang sumatotal si Heart. Na namayani raw sa utak ng mga hindi pa rin pinangalanang mga tao ang kani-kanilang personal na ambisyon.
Ani Heart: “I think they try to cover it up with those things, as I come to realize.
“Because, at the end of the day, the friendship doesn't matter, because at the back of their minds they had bigger things that they wanted to do.”
Read: Heart Evangelista to husband Chiz Escudero: “Thank you for loving UNCONDITIONALLY.”
CHIZ ESCUDERO SPEAKS UP
Sa puntong ito, sumingit sa usapan si Chiz, ang senador na mister ni Heart.
Saad nito: “Well, sometimes, lessons need to be experienced personally and not simply listened to and heard.
“So, at the end of the day, I think Heart is coming out of this experience a better person, more learned, more experienced, more guarded with respect to who she opens up to and with respect to who she lets in.
“But trusting, having friends, I think she should not change her character insofar as those two are concerned.
"Because, she is trusting.
"She is friendly.
"She tries to be more than a friend to the people around her.
"I don't think she should change that.”
Read: Heart Evangelista pens appreciation post for husband Chiz Escudero: “You have stood by my side.”
FALLING-OUT WITH HER GLAM TEAM
Matatandaang naging maugong ang alitan ng dalawang kampo—Heart vs. Ex-Glam Team—nang mapansin ng netizens na hindi na sina Justin at Jeck ang nag-ayos kay Heart sa GMA Gala 2023.
Ginanap ito noong July 22 sa Manila Mariott Hotel, at dito na rin napansin ng netizens na hindi na nagpo-post si Heart ng photos kasama sina Justin at Jeck.
Sila ang madalas magkakasama sa events ng Kapuso actress sa loob at labas man ng bansa.
May lumabas pang usap-usapang nagkalamat ang relasyon ni Heart kina Justin at Jeck dahil sa credit-card issue.
Ginamit umano ng dalawa ang credit card ni Heart nang walang paalam.
Dito unang naringgan ng angas si Justin, na pinabulaanan ang paratang at nagsabing tanging si Heart ang may kapasidad gumamit ng credit card nito.
Nang kasagsagan ng isyu, nakasagutan din ni Justin ang long-time personal assistant ni Heart na si Rezsty Rosell.
Umalma si Rezsty dahil bakit daw isinapubliko pa ni Justin ang pag-alis nito sa poder ni Heart.
Read: Heart Evangelista's PA to makeup artist Justin Soriano: "Lumalabas wala kang utang na loob."
Depensa ni Justin, napilitan siyang sumagot sa netizens dahil naalarma siya sa isyu ng credit card at, tuloy, sa pagnanakaw na idinidikit sa pangalan nila ni Jeck.
Wala raw katotohanan ang lahat ng iyon.
At sumama ang loob ni Justin dahil wala man lang paglilinaw si Heart na hindi totoo ang ipinupukol sa kanila ni Jeck na unathorized credit-card use.
Ilang beses sinubukan ng PEP.ph na kuhaan ng pahayag ang dalawa, pero parating tumatanggi ang mga ito.
Sa kasalukyan, abala sina Justin at Jeck sa mga new clients nila.
At base sa kanilang recent Instagram posts, bumibiyahe sila patungong Singapore at Thailand sa mga panahong pinagsalitaan sila ng masama nina Arnold at Heart.
Tuloy, nabuhay muli ang isyu ni Heart sa kanyang dating glam team.
