Masayang ibinahagi ni Mylene Dizon, 47, na 10 years na ang relasyon nila ng partner na si Jason Webb, 50.
Ipinakita ng aktres ang sweet photo nila ni Jason sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, November 22, 2023.
Sinamahan niya ito ng kuha ng bouquet of tulips na ibinigay sa kanya ni Jason kasama ng card na may nakasulat na "10 years."
Isang simpleng kiss emoji ang caption ni Mylene sa kanyang post.
Noong November 19, nagbahagi rin si Mylene ng screenshot ng litrato nila ni Jason na kuha sampung taon na ang nakararaan.
Makikitang kinuha ni Mylene ang screenshot sa palitan nila ng mensahe ni Jason sa Facebook Messenger noon.
Wala mang salitang sinabi si Mylene ay ramdam ang kilig niya sa dami ng heart emojis na ginamit niya sa caption ng kanyang IG post.

Read: Mylene Dizon, Jason Webb keep romance alive in Boracay
ON WHY THEIR RELATIONSHIP WORKS
Dati nang naibahagi ni Mylene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang sikreto sa lasting relationship nila ni Jason ay ang pagiging bukas ng mga mata nila na hindi lang puro kilig ang ang pag-ibig.
Sabi niya noong March 2019, "What works? That it's not going to be a better process.
"The acceptance of that fact is one step to, you know, probably having a longer relationship. Because you're not going to be in love forever."
Malaking bagay rin daw na nagkakasundo sila sa maraming bagay tulad ng pagkakaroon nila ng active lifestyle at pagiging child at heart.
Read: Mylene Dizon reveals secret to lasting relationship with boyfriend Jason Webb
Consistent naman si Mylene sa pagsasabing sapat na sa kanila ni Jason ang pagiging partners, at hindi na raw nila kailangang ikasal.
Choice daw iyon ni Mylene, at nirerespeto raw iyon ni Jason.
Sabi ng aktres sa PEP.ph noong December 2022, "Ganoon pa rin ang stand ko hanggang ngayon.
"Hindi ko alam. I guess it's not just for me. May mga tao na gusto ang paksiw na lechon. May ibang tao gusto pinatisan lang."
